bc

ENGINEER’S PROPERTY (Miko Saavedra and Gwen Legaspi)

book_age18+
68
FOLLOW
1K
READ
drama
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Gwen Legaspi, nag-iisa na lamang sa buhay dahil pumanaw na ang kanyang mga magulang. Ang bahay na naiwan ng kanyang ang kaisa-isang alaala ng kanyang mga magulang. Ngunit nalaman niya na nakasangla pala ito sa bangko. Kaya gagawin niya ang lahat para huwag mawala ito sa kanya.

Miko Saavedra, simula ng nabigo sa pag-ibig sa babaeng una niyang minahal. Nagpakalayo-layo siya sa kanila para tuluyang makalimot. Sa kanyang paglayo natatagpuan niya ang babaeng muling magpapatibok ng kanyang puso.

Ngunit paano kung inakalang pag-ibig na natagpuan ay ang kanyang kabiguan? At akala'y tunay na pag-ibig ang inilaan ay siya pa lang kasinungalingan.

chap-preview
Free preview
Chapter one
Napaunat muna ng kamay si Gwen bago bumaba ng kama. Napapikit pa ang kanyang mata nang naglalakad ito patungong banyo dahil sa antok na antok pa ang kanyang diwa. Ngunit kailangan niyang bumangon dahil pakiusapan niya ang taong pinagsanglaan ng kanyang mga magulang sa kanilang lupain na kinatitirikan ng kanilang bahay bago pumanaw ang mga ito. Kaya 'di puweng hindi niya maabutan ang lalaki dahil mahihirapan siyang muling makahanap ng pagkakataon para lapitan ito. Kundi nga dahip kay Tata Berting hindi siya makakuha ng impormasyon sa lalaki. Ngayong araw ang sinabi ni Tata Berting na darating si Ginoong Saavedra. Naghilamos siya nang kanyang mukha pagkatapos ay nagsipilyo. Suot pa rin niya hanggang ngayon ang kanyang pantulog na manipis na kulay pink silk nighties. Kaya kita-kita ang kayang malulusog na dibdib, pero kampanti naman siya na walang makakakita dahil nag-iisa lang siya sa loob ng kaniyang silid. Sinipat niya ang malaking orasan na nakasabit sa dingding. Alas siyete pa lang ng umaga. Mamayang alas diyes pa ang sinabi ng matanda na darating ang amo nito. Tinungo niya ang kanyang malaking bintana at hinawi ang kulay pulang kurtina upang mabuksan ito. Gustong-gusto ni Gwen na pumasok ang sinag ng haring araw sa kanyang silid sa tuwing umaga. “Hello, Philippines and Good morning Isla Remidios!” masayang sigaw ni Gwen. Napaka gandang view ang matatanaw mula sa kanyang bintana sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Malapit ang kanilang bahay sa tabing dagat, kaya tanaw na tanaw nita ang mapuputing buhangin. Naipikit nito ang kanyang mga mata habang dinadama ang malamig at preskong hangin na yumayakap sa kanyang katawan. Kapag kuwan napamulat siya sa kanyang mga mata. Napabuga siya ng malakas na hangin kasunod ang pagbuntong hininga. Hindi niya maiwasang malungkot habang sumasagi sa kanyang isipan kung tuluyang mawala sa kanya ang lupa at bahay nila. Ayaw niyang mawala ang bahay na kanyang kinalakhan. Kung saan siya nagkaroon ng muwang sa mundo. Puno ito ng masasayang alaala ng kanilang pamilya. Malaking katunungan ngayon ang nasa kanyang isipan. Paano na lang kung hindi papayag ang Ginoo na hulogan na lang niya ang utang sa kanyang mga magulang? “Sana Lord, totoong mabait ang mga Saavedra.” Taimtim niyang panalangin. Pabagsak na umupo si Gwen sa gilid ng kanyang kama at binuksan ang kanyang maliit na drawer. Kinuha niya ang kanyang bank book at binuklat niya iyon. Nanlumo siya sa nakita, thirty thousand lang ang laman ng no'n. Ito lang ang naipon niya sa pagtatrabaho niya bilang waitress sa isang restaurant. Kulang na kulang na iyon sa naiwang utang ng kanyang mga magulang na halos umabot na sa kalahating milyon kalakip na ang interest. Handa siyang lumuhod at magmakaawa sa taong sinasanglaan ng kanyang mga magulang huwag lang kunin nito ang bahay nila. Hindi niya kakayanin kung tuluyan na itong maremate. Mabilis niyang pinahid ang butil ng luha na nalaglag sa kanyang pisngi. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya sabay ngiti. “Ano ka ba, Gwen. Think positive lang dapat, bawal ang negative vibes , okay? Maawa rin sa iyo ang mga Saavedra," Muling lumiksi ang kilos ng dalaga mula kanina sa pagkatamlay. Naglinis muna siya ng kanyang silid bago maligo. Pinatugtog niya ang budots at pasayaw-sayaw siya habang naglilinis. Kuntudo giling si Gwen na may kasama pang kanta na daig pa ang sexy dancer sa isang bar. Nagwawalis at naglalampaso siya sa kahoy nilang sahig. Pagkatapos inayos ang kanyang higaan. Sa dami ng kanyang ginawa kaya tagaktak ang pawis niya pagkatapos. Dahil sa pinatay niya ang electric fan kanina kaya siya naiintan. Walang pag-alinlangang hinubad niya ang kanyang suot na nighties at tanging panty na lang ang natira. Patihaya siyang nahiga sa kama. Kampanti siya sa kanyang ginawa dahil wala namang maninilip sa kanya. Siya lang kasi nag-iisang nakatira, wala siyang kasama. At nasa ikalawang palapag ang kanyang silid kaya paano masisilipan.Magpapahinga lang muna siya saglit at pagkatapos maligo. Ngunit napakunot siya sa kanyang noo ng mapansin niya ang isang bagay na lumilipad sa tapat ng kanyang bintana. Napalikwas siya ng bangon at maliksi niyang hinablot ang kumot upang itakip sa kanyang hubad na katawan. At nagmamadaling tinungo ang kanyang bintana. “Buwesit! Drone to, ah!” malakas niyang sambit nang makumperma nag isang bagay na lumilipad. Tinatanaw niya sa paligid kong may tao pero wala siyang nakita. Uminit ang kanyang bunbonan sa isiping baka kanina pa siya nito sinisilipan. Mas lalo pa siyang naasar nang mas lalong lumapit sa kanya ang drone. “Hoy! Kung sino ka mang hayop ka! Ang may ari ng Drone na ito. Napaka bastos mo! Manyak ka! Bakit mo ako sinisilipan, ha? ” galit na galit niyang saad kaharap ang drone. Alam niyang may taong nag-o-operate ng drone dahil hindi naman 'yun kusang lumilipad mag-isa. Ngunit isa lang ang nais niya ang bugbugij kong sino man ang mamay-ari nito. “Naku! Huwag ka lang magpapakita sa akin kundi bali lahat ng buto mo, manyak! Dahil matitikman mo ang siete pares kong karate! Hindi mo kilala ang sinisilipan mo ungas! Dati akong black belter!” muling saad niya kausap ang drone. Tila natakot naman ang may- ari nito at madaling pilinapad palayo sa kanila ang i bagay ngunit hindi pa man tuluyang nakalayo nang naasinta niya ito nang batuhin ito ni Gwen sa kanyang lampaso. Kaya bumagsak ang drone sa kanilang bakuran. Hindi niya alintana kung nakatapis lang siya ng kumot, nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay ang dalaga at kinuha ang drone na bumagsak sa lupa. Mukhang nasira na ito dahil lakas ng impact sa pagkakabagsak. Pinulot ito ni Gwen at nagmamadaling pumasok sa bahay. Pagkatapos maligo hindi na siya nag-abalang magluto ng agahan tanging kape at natitirang slice bread na nabili niya pa kagabi ang ipinares niya sa kanya kape at pagkatapos nagmamadaling umalis para puntahan ang mga Saavedra.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook