Si Anghela

375 Words
Maningning na sinag ng araw ang mararanasa sa nayon ng Liberty na kung saan ang mga tao ay magkakasundo at ang mga tao ay halos magkakamag-anak at nasa iisang angkan. Sa nayon na ito matatagpuan ang napakagandang ilog na hindi lingid sa lahat ang kababalaghan. Marami ang nakatuklas sa pangyayari kung saan ang isang batang babae ay nawala sa ilog at muli rin na natagpuan sa ilog kung saan mismo siya ay nawala at hingi na nakita ng ilang araw. Labis ang lungkot ng mga kamag-anakan ni Anghela dahil siya ay 9 na taon na gulang pa lamang noong kinuha siya ng tagapangalaga sa ilog. Laking pasasalamat at gulat na lang ng mga kamag-anak ni Anghela nang siya ay muling nasilayan alas 6 ng hapon ng ikatlong araw ng kanyang pagkawala. Si Anghela ay tinanong ng kanyang mga magulang sa kung ano ang tunay na nangyari , kung siya ba ay kinuha ng masasamang mga tao at pinagsamantalahan, ngunit kahit anong gawin ng kanyang mga magulang ay wala silang makuhang sagot. Sapagkat ang lahat ng tugon ni Angela sa kanilang mga katanungan ay hindi raw siya umalis sa kinatatayuan at siya rin daw mismo ay natakot dahil hapon na nga at hindi pa niya nasisilyan muli ang kanyang mga pinsan ng araw na iyon na siyang kasama niya na nagtungo sa ilog. Kaya naman ang kanyang mga magulang at mga kapitbahay ay labis na kinilabutan at nagtaka dahil sa totoong mundo ay tatlong araw ng nawawala at pinaghahanap si Anghela. Mula noon ay kakambal na ng sabi-sabi si Anghela at ang koneksyon nito sa ilog kung saan siya nawala na may nananahan daw na tagapangalaga sa Ilog at hindi nila matukoy kung ito ba ay mabuti o masama. Lumaki si Anghela na maganda at may kahanga-hangang mukha at napakabuting ugali. Ang kagandahan ni Anghela nung siya ay nagdalaga ay hindi maikukumpara pagkat taglay nito ang pagiging misteryosa at habang tumatagal mas nagiging kapansin-pansin ang pungay ng kanyang mga mata. Marami ang nagsasabi na lumaking maganda si Anghela pagkat ito ay kinuha ng impakto o ng tagapangalaga ng ilog noon. Marami ang haka-hakang lumabas ngunit isa lang ang makatotohanan na ang batang si Anghela ay isang mabuti , maganda at may mababang puso para sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD