MABILIS natapos ang isang buwang bakasyon ko. Sa isang buwan na iyon ay mas naging malapit pa kami ni Lai sa isa’t-isa. We proved how compatible we are and how much we knew about each other. Nasa bagong renovate kaming kwarto. We redecorated our room together when we arrived from our Thailand trip. Dalawang araw lang kaming namasyal sa Sentosa at naglibot ng mga park. Ang natitirang araw ay ginugol namin sa finishing touches ng bahay at Master’s bedroom. Pinapinturahan namin ng off white ang kwarto habang light lavender ang kisame. Wainscoting sa dingding na kulay grey naman para umangat ang modernong disenyo ng silid. Ang cornices ay lavender din. Ang itim na bedframe ng kama ay pinapinturahan din ng puti ni Lai at pinalagyan ng upholstery na grey and lavender naman ang headboard p