Ang maging asawa niya ay ang matagal ko ng pinangarap, kahit na tutol siya sa aming kasal ay kinulit ko ang aking mga magulang na pakasal sa kanya at sa huli ay pumayag rin siya. Natututunan naman ang magmahal at alam kong matututunan niya rin akong mahalin tulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Minahal ko siya noon pa, simula elementarya, sekondarya pati kolehiyo, ganun nalang siguro ang pagkabaliw ko sa kanya.
Mahal ko parin siya kahit ang tingin niya sa akin ay basura, alipin, kasambahay, o maging pulubi man ganyan na siguro ako katanga.
Mahal ko siya kahit hindi niya ako kayang tratuhin bilang kanyang asawa, mahal ko siya kahit binubogbog niya ako o kahit na manipulahin na pa ako. Mahal ko siya hanggang sa huling hininga ko. Hindi niya alam kung ano ang aking nakatagong lihim, isang lihim na itinatago ko lamang sa aking sarili at kahit na malaman niya man ito ay alam kong wala rin siyang pakialam, hayaan niya lamang akong mahalin siya at papalayain ko rin naman siya sa tamang panahon.
Being his wife is a dream even though its an unrequited love.