ALANA
Hindi ko mapigilang 'di na naman maluha sabay ng mga patak ng tubig sa aking mukha at katawan ay ang siya namang pagsabay ng pagdaloy ng aking mga luha. Hindi pa rin pala ako manhid sa sakit at hindi pa rin pala ito kailanman mawawala sa akin.
"Kunin mo na ang dapat mong kunin para makaalis ka na," malamig na saad ni Knight at agad naman akong gumalaw at pumunta agad sa closet.
"Wala na riyan ang mga damit mo. Kunin mo na 'yang mga naka-karton diyan iyan ang mga damit mo dahil ayokong nakikita ang mga basurang 'yan tulad mo na malapit sa mga damit ko. Ang dumi-dumi sa paningin," dagdag pa niya at para namang paulit-ulit niyang dinudurog ang puso ko. Nagbabadya namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata ngunit hindi dapat . . . hindi niya dapat ako makitang umiiyak dahil bubulyawan na naman niya ako at ayokong mangyari iyon. Mamaya na lamang ako iiyak.
Ilang taon na pero ganito pa rin kasakit. Agad kong pinihit ang shower at ibinalot ang aking katawan ng tuwalya. Kailangan ko na ata munang umalis sa bahay na ito.
I need some fresh air.
Tiningnan ko ang tatlong karton na dinala ko sa aking kwarto mamaya ko na lang yata ito aayusin pagkabalik na pagkabalik ko. Agad ko namang binuksan ang isang karton at naghanap ng isang pares na pantalon at blouse at sa huli ay napili ko naman ang isang baby pink collar na blouse. It reminds me of being a single, binili ko ata ito noong gusto kong magpa-kyut kay Knight pero hindi naman tumatalab sa kaniya.
"Okay Alana, let's fix you up," I cheered to myself at agad na nagbihis.
Naglagay ako ng moisturizer at kaunting light cream sa aking mukha namiss ko ring maglagay ng kung ano-ano sa aking mukha. Gustong-gusto ko kasi noon ang manood ng mga korean nobela at gusto kong ma-achieve ang mala-poreless nilang balat kaya hanggang sa nadala ko na ito at ngayon ko na lang uli sila magagamit.
"I guess hindi naman masakit 'pag bibili ako ulit ng mga ganito," ngiting saad ko habang nagpapahid ng mga cream sa aking mukha kaharap ang salamin.
Kinuha ko ang aking bag at tsinek kung dala ko na ba ang lahat iyon kasi ang turo sa akin ni Mommy na bago ako lumabas at may pupuntahan ay huwag kalimutan i-check kung dala na ba ang lahat.
"Wallet na may lamang pera of course check, cellphone fully charged check, panyo at pulbo." Medyo natawa ako nang makita ko ang pulbo sa aking maliit na bag. Hindi ko alam pero mas gusto kong gumamit ng pulbo kaysa sa foundation.
Pagkatapos kong i-check lahat ay agad din akong lumabas ng kwarto at napatingin naman ako sa gawi ng kwarto ni Knight.
"Nandiyan pa kaya siya?" bulong ko sa aking sarili.
Bakit ko ba kailangan alamin kung nandiyan pa ba siya?
Isang ngiti ang sinalubong sa akin ni Nanang. "Iha ang ganda mo," komento ni Nanang at tila ba kumikislap pa ang mga matang nakatitig sa akin.
"Salamat Nanang, ah andiyan pa po ba si-."
"Knight? Naku kakaalis lang nagmamadali nga as usual. O heto ang susi ng sasakyan mo baka pupunta ka sa sasakyan mo tapos wala ka namang susi," tawang saad niya at iniabot sa akin ang susi at buong akala ko ay na tsek ko na lahat ngunit nakalimutan ko pa pala ang susi ng sasakyan ko.
"Ay naku iha sige puntahan ko muna ang niluluto ko sa kusina ha at baka magkandalitse-litse iyon wala talaga kayong kakainin. Darating na daw mamaya si Ash at alam ko pagdating no'n ay gutom na gutom iyon kaya nagluluto na ako. Sige mag-ingat ka iha ha, ingat sa pagda-drive tingin-tingin sa daan ha," saad niya at dali-daling pumunta sa kusina.
MATAGAL-tagal na ring 'di ako nakakalabas ng subdivision na ito at 'di ko nahihimas ang manibela ng aking sasakyan. Ang sarap din pa lang lumabas at pansamantalang umalis sa kasakitan kahit ngayon lang.
Malapit na ako sa grocery store at naghanap agad ako ng parking space.
"Ang swerte ko naman may parking space agad. Maybe this is my lucky day at sana ay tuloy-tuloy na," ngiting sambit ko at agad na nag-park.
Pagkalabas nang pagkalabas ko ng aking sasakyan ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na sasakyan.
"Kay Knight ba 'yon?" bulong ko dahil 'di ko rin maanig masyado.
Naka-park kasi ito sa isang kilalang restawran. Iginala ko ang aking tingin at nakita ko nga siyang nakaupo malapit sa may salamin at tila may kausap. Hindi ko masyadong kita ang kan'yang kausap dahil natatabunan ito ng makapal na kurtina.
Napatalon naman ako dahil sa may busina sa aking likuran at agad naman akong umatras upang bigyan ito ng daan. Mabilis namang pinaharurot ng may ari ang sasakyan at tiningnan ko ulit ang direksyon kung nasaan si Knight. Parang hindi ko lang alintanan na kamuntik-muntikan na akong mabangga dahil sa katangahan ko.
"Nasaan na siya?" palinga-linga kong tanong at nang 'di ko na makita ay nagpasya na lamang akong pumasok sa grocery store.
Baka kasi kapag pinuntahan ko siya doon ay magagalit lamang at mapapahiya ako. Ayokong mas lalong magalit pa sa akin si Knight.
"Ano nga ba ang bibilhin ko?" mahinang tanong ko sa aking sarili malawak ang store at 'di man lang ako nakapagtanong kay Nanang kung ano ang mga bibilhin, may pa tsek-tsek pa akong nalalaman pero ang bibilhin ko naman ay 'di ko alam.
"Magsisimula na lamang siguro ako sa mga rekados," wika ko at tumingin sa aking gilid. "Oo tama doon ako magsisimula," usap ko sa aking sarili at sinimulang itulak ang aking cart.
Halos mapuno na ang aking cart sa mga napamili ko masyado yata akong nag-enjoy sa kakalagay. Okay na rin siguro itong lahat.
"Tama na ba kaya 'to? Mayroon ng pang spaghetti, carbo, steak, chopsuey, lomi, pang siopao meron na rin, siomai," wika ko habang iniisip kung ano-anong mga pagkain ang kinuha ko. "O! Ang atsara, loaf breads, palaman, mga gulay, mga karne, mga pampalasa, salad, mango float ano ba itong mga pinamimili ko? Pang piyesta ba 'to? Naalala ko tuloy sa probinsya nila Nanang ganito siya magpa-birthday sa kan'yang mga apo. Tama ba 'tong mga pinamili ko? Okay Alana, inhale exhale okay lang 'yan at least marami namang mga pang ulam halos mapuno mo na ang cart. Puro kasi matamis ang gusto mo," mahinang sabad ko habang tsinitsek ang cart nang may biglang sumagi sa isip at iyon nga ay ang mga drinks at frozen pizza.
Humingi muna ako ng permiso sa isang sales lady na iiwan ko muna ang aking cart dahil baka may kumuha, nais ko sanang matawa pero mas okay na yung sigurado.
Papunta na ako kung saan ang mga refreshments nang may narinig akong nag-uusap at pamilyar sa akin ang tono ng boses ng lalaki kaya ilang hakbang din ang ginawa ko. Alam na alam ko kung kaninong boses iyon, bumilis ang pintig ng puso ko nang malaman kong babae ang kan'yang kausap. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Iginiya na lamang ako ng sarili kong mga paa kung saan nagmula ang mga tinig at nakita ko na lamang ang sarili kong nasa harapan na nila. Tama nga ang hinala ko kailanman ay 'di ako pumapalya sa aking mga hinala. Si Knight nga at may kasamang babae isang brunette na babae at inaamin kong napakaganda at halatang sopistikada. Sa kan'yang pananamit pa lang at mga tingin ay halos mahihiya ka ng lumapit sa kan'ya at bakit ba tila sinasabi ng puso at utak ko na mas bagay sila kumpara sa akin.
"Knight?" bigla kong bulalas at tila nagulat naman ako.
"Oh sweetheart you know her?" tanong ng babae ngunit 'di inaalis ang tingin sa akin.
"Yes, that's my maid," mahinang sagot niya pero dinig na dinig ng dalawang tainga ko.
Dapat ay immune na ako sa mga ganito niya sa bahay dahil ganoon naman talaga niya ako ipakilala sa mga babaeng inuuwi niya pero ngayon ko lang na-experience ang ganito na kahit pala sa publikong lugar ay ganoon ang pagpapakilala niya sa akin. Ngunit sino ba naman ako para magalit. Ni hindi niya nga suot ang aming wedding ring. Napatingin ako sa kan'yang kamay kung nasaan dapat ang kan'yang singsing at tila napansin din ito ni Knight na agad niyang ikinuyom ang kanyang kamay at itinago. Halatang nagpipigil ng galit.
Para akong nanunuya sa aking kinatatayuan dahil sa kanilang presensya. "Sir Knight, naririto po pala kayo."