ALANA
Naalimpungatan ako ng gising dahil sa tumunog ang sinet kong alarm clock. Hinayaan ko na lamang na lamunin ako ng antok kagabi ngunit ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata. Nandirito pa pala ang alarm clock na binili ko noon, may gumuhit na ngiti sa akingmga labi dahil hindi man lang ito inalis ni Knight sa lamesa niya, kulay pink ito at alam kong ayaw na ayaw niya ito noon pero nakakapagtaka lang dahil andirito pa ito.
Mag-aalas kwatro palang ng umaga, mas mabuti ito para maimulat ko na ng maayos ang aking mga mata dahil sa pamamaga nito. May trabaho pa ako mamaya at ayokong nakakastress ang aking pagmumukha pag makikisalamuha ako ng mga tao. Ramdam ko parin ang sakit sa pagitan ng aking mga hita ayoko sanang maging malisyosa pero parang malaki talaga ang kanya at ganito kasakit ang sinapit ko.
Tila naman nag-init agad ang aking mga pisngi at tainga dahil sa mga iniisip ko, agad ko namang ipinilig ang aking ulo.
“Alana, stop,” nakapikit kong saad at kinurot ang aking kamay.
Agad ko namang hinanap ang aking mga damit sa sahig, walang kahit anong damit sa sahig. Naalala ko palang lahat ng damit ko ay pinunit niya kagabi, paano ako nito lalabas ng kwarto at pupunta sa kwarto ko? Napaka awkward isipin ang ganitong sitwasyon ko dahil dapat ay normal lang ito pero bakit aligaga ako.
“Bahala na,” saad ko at napahigpit ang aking hawak sa kumot. Akma na sana akong aalis nang may nakita akong maliit na papel at may sulat kamay, alam kong sulat kamay ito ni Knight.
‘Wear this’ yun ang nakalagay sa note at nakita ko ang isang malaking white tshirt na kung titignan sa height ko ay hanggang tuhod ko na ito ay may boxer pang kasama. Di ko mapigilan ang di mapangiti dahil sa nakikita ko ngayon. Para akong sisigaw sa kilig dahil sa natanggap ko ngayon. Walang ano ano ay agad kong binitawan ang nakabalot na kumot sa aking katawan at agad na isinuot ang tshirt. Tama nga hanggang tuhod ko ito, inamoy amoy ko pa ang damit at napaungol ako ng di inaasahan na ikinatawa ko naman.
“Amoy Knight,” ngiting saad ko at agad na isinuot ang boxer. Dali dali akong napatingin sa orasan and it’s already 4:30 am. Baka naririyan pa si Knight. Dali dali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Agad ko namang hinanap si Knight at nagpalinga linga sa sala at kusina. Walang bakas na Knight, ni anino ay wala. Para akong nauupos na kandila na napaupo sa sofa. Agad namang may nagsindi ng ilaw dahilan upang masilaw ako.
“Nanang ang aga mo naman po atang nagising,“ bati ko at papungay pungay ang kanyang mga matang lumapit sa akin.
“May nangyari ba sa inyo ni Knight iha?” biglang tanong niya at tila naman nasamid ako ng sarili kong laway sa kanyang diritsahang tanong. Alam ba ni nanang ang nangyari kagabi?
“K-kasi nanang'-”
“Kakatawag lang ni Knight sa telepono, agahan ko raw ng gising para maipagluto kita ng pang-umagahan mo kaya nga nagtatanong ako kung may nangyari ba sa inyo ni Kngiht kasi para bang himala ang mga narinig ko sa kanya o baka hanggang naguon ay tulog pa ako?” mahabang saad niya na nakangiti sa akin, mga makahulugang ngiti.
“Nanang,” pag-iiwas ko sa kanya at agad na umalis sa kanyang harapan at naglakad patungong kusina. Narinig ko naman siyang humahagikhik sa aking likuran at di ko naman mapigilang di mapangiti.
“Tumawag si Knight? Wala na siya dito sa bahay?” tanong ko dahil ngayon ko lang naproseso ang mga sinabi ni nanang.
“Kanina ata siya umalis di ko alam san pupunta tapos mga ilang minuto ay agad naman siyang napatawag sinasabing ipaghanda kita ng kakainin mo ngayong araw,” ngiting saad niya at agad na kumuha ng kawali.
“At hindi ka niya maihahatid sa trabaho mo ngayon iha, kaya gamitin mo na lamang yung sasakyan mo ha. Mag-iingat ka sa pagmamaneho,” saad niya at tila naman nalungkot ako sa mga narinig ko, masyado na ata akong nagiging demanding kapag gusto ko pang si Knight ang maghatid sa akin sa trabaho.
***
Ipinarada ko ang aking sasakyan sa may bakanteng parking slot at agad na bumaba, ilang minuto nalang ay malalate na ako. Naaalala ko pang may meeting nga pala ngayon si Knight at tiyak na kasama niya ako dahil ako nga naman ang kanyang secretary. Lakad takbo ang aking ginawa upang makaabot sa elevator. Nahihingal akong pumasok at thankfully ako lang ang tao. Napansin ko rin na wala si Michelle sa kanyang pwesto at tanging guard lamang ang naroon.
Pagkadating ng pagkadating ko sa floor ay muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang lalaking nakasandal sa pader at nakaharap sa aking posisyon.
“Knight,” mahinang tawag ko at tila ba bumilis ang t***k ng puso ko nang bigla siyang naglakad papunta sa direksyon ko at ako naman itong si tanga ay di pa umaalis sa loob ng elevator.
“Labas,” maawtoridad niyang saad at para naman akong aso na agd na sumunod.
“You’re late,” makapigil hiningang saad niya at nakayuko sa akin ngayon, titig na titig ang kanyang mga mata sa akin at para bang ilang segundo ay sasabog na ako.
“Sorry Knight kasi-” it cut me off by my words when he instantly walk away.
“Excuses, let’s go they are waiting for us,” saad niya at nauna ng naglakad na agad ko namang sinunod, sadyang malaki lang ang kanyang mga hakbang kaya di ko siya kayang higitan, kaya medyo hapng hapo ako sa kakahabol sa kanya.
Malapit na kami sa may pintuan kung saan ang meeting na magaganap nang bigla niyang akong harapin.
“Wala ka namang ginawa kahapon so this report is unknown to you, all you have to do is to be at my side, never leave my side Alana,” saad niya at walang lumabas kahit isang salita sa aking bibig kaya napatango na lamang ako.
Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa akin ang napakaraming tao, lahat ng kanilang atensyon ay napunta sa aming dalawa. Para naman akong natigilan sa mga nakukuha kong tingin at tila naman naramdaman ni Knight na wala na ako sa kanyang tabi, agad naman niya akong inakay at ipinaghila ng upuan. Tila may nahagip ang aking mga mata na inirapan ako ng mga mata ni Michelle sa likuran ngunit nang tignan ko siya ay binigyan niya naman ako ng ngiti.
“Good morning, everyone. Thank you all for coming at such brief notice. But first I’d like you to welcome my new secretary Ms. Alana Herrera,” pagpapakilala niya at napuno ng palakpakan ang buong kwarto, hindi ko alam na ganito sila ka welcome kapag may bagong pasok na empleyado.
Ngunit di parin maalis sa puso ko ang sakit sa pagpapakilala ni Knight sa akin. Herrera na dapat ay Alcantra, ang kanyang apelyedo. But this was my choice after all dahil ito ang kapalit ng kagustuhan ko. Matapos niya akong ipakilala ay agad naman silang nagdiskusyon sa isang bagong produkto, isang playboy’s perfume.
“So since mamaya maya ay nandirito na ang napili nating model sa bago nating produkto ay iisa na lamang ang ating problema Sir Knight,” saad ng isang may kaedarang lalaki, napaka ganda ng kanyang awra at para bang mapagmahal na lolo sa mga apo at mapagmahal na asawa.
“Yes, we are looking for one,” sagot namna ni Knight na nakatingin lamang sa kanyang folder. Napatigin naman ako sa matandang nagsalita kanina na ngayon ay nakangiting nakatingin na sa akin.
“I think we already found her,” saad niya at lahat ng tao sa opisina ay sinundan ng tingin ang matanda at lahat sila ay nakapakong nakatingin sa akin. Dahan dahan naman akong napatingin kay Knight na kasalukuyang nakatingin narin sa akin na nakakunot ang noo.
“She’s not suitable,” saad niya at bumalik sa kanyang binabasang papel and I have to admit medyo nasaktan din ako doon. Napakaraming tao ang nakarinig.
“She has the look, goddess face I may say iha, she has the curves, the height is okay it’s sexy. I guess she will do, what do you think guys?” mungkahi niya at lahat naman sila ay napatango tango at tila naman gusto ko ng lamunin ako ng lupa dahil sa mga pagkakatitig nila sa akin.
I look at Knight and his jaw hardened and seem not very pleased.
“So where is our male model?” tanong ng isa at walang ano ano ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang lalaking di ko inaasahang makikita ko ngayon.
“Sorry I am late.”
“Ash”