Kabanata 1: Mga Kaluluwa

1409 Words
"Naku Ginoo, pasensya na kayo pero mahal ko pa ang buhay ko. Mapanganib po ang pagpunta sa Isla Berde lalo pa't ganitong malapit ng kumalat ang dilim sa karagatan," sabi ng bangkero kay Roman, masasalamin sa mata nito ang takot. "Handa ho akong magbayad kahit magkano Manong basta ihatid nyo lang po ako sa Isla," pakiusap ni Roman. Kumuha siya ng limang libong peso sa kanyang wallet at iniabot sa may edad ng bangkero. "Napakalaki naman po nito Ginoo. Bakit po ba gustong-gusto ninyong marating ang Isla Berde?" usisa nito ngunit mababakas sa mukha nito na pumapayag na ito na ihatid siya. "Hahanapin ko po Manong ang kasintahan kong nawawala, halos mag-iisang buwan na po ng bigla na lamang siyang maglaho, kasama ang kanyang mga kaibigan. Isang kaibigan niyang taga roon sa Isla ang nag-aya sa kanilang magbakasyon Manong ngunit wala ni isa man sa kanila ang nakabalik." Nakatakda na sana silang magpakasal ni Amelia sa susunod na buwan ngunit hindi na matutuloy pa dahil sa biglang pagkawala nito. "Tsk! Tsk! Tsk! Ang maipapayo ko lang sa iyo Ginoo, wag ka ng tumuloy dahil baka baka mapahamak ka din katulad nila. " "Bakit ho Manong? May nalalaman kaba tungkol sa hiwagang bumabalot sa Isla?" tanong niya dito, ngunit iling lang ang tugon nito. "Mahirap ng magsalita Ginoo, baka maging kapalit nito ay ang aking buhay. Kayo po ang magpasya kung kayo ay tutuloy pa o hindi na." "Tuloy po tayo Manong, hindi ho ako natatakot sa kung ano ang kahihinatnan ng lakad kung ito. Basta't kailangan kong hanapin ang aking kasintahan," seryosong sabi niya dito. "Kayo ho ang bahala. Nawa'y gabayan tayo ng Poong may Kapal sa ating paglalakbay." sabi nito bago pinaandar ang makina at tuluyang naglayag sa karagatan. Maliwanag pa ng maglayag sila ngunit kung bakit ng nasa kalagitnaan na sila ay bigla ang pagdilim ng kalangitan, animo hating gabi na. May naramdamang kakaibang pwersa ng kadiliman si Roman. Pakiramdam niya'y nagtayuan lahat ng kanyang balahibo. Napansin din niyang nanginginig na sa takot ang bangkero habang umuusal ng panalangin. Nakakaramdam ng takot si Roman ngunit kailangan niyang lakasan ang kanyang loob. Inilibot niya ang paningin sa karagatan, hindi naman siya nabigo ng makita ng makita niya ang hinahanap. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong pangitain pero hindi pa rin niya maiwasang hindi kilabutan sa nakita. Napasign of the cross pa nga siya ng wala sa oras. Napakaraming mga ligaw na kaluluwa ang papalapit sa kanila. Animo nalulunod ang mga ito at humihingi ng tulong sa kanya. Nangunguna sa mga ito ang lalaking halos magliyab ang mata sa galit. Kung normal na tao siguro ang makakakita ng mga ganito, siguradong tumalon na ito sa tubig para tumakas. Napatayo siyang bigla ng ilan sa mga kaluluwa ay nakarating na sa gilid ng kanilang bangka. Naalarma siya dahil unti-unting lumalakas ang alon at unti-unti na ring lumulubog ang kanilang bangkang sinasakyan. Gumiwang-giwang pa ang bangka sanhi para matumba siya. Lalo namang lumakas ang pagdarasal ng may edad ng bangkero habang nakapikit. Pakiramdam ni Roman ay hindi sila nakakaalis sa lugar na iyon kahit patuloy sa pag andar ang bangka. Sinamantala niya ang pagkakataon habang nakapikit ang bangkero. Dali-dali niyang kinuha ang isang dilaw na maliit na papel, paint brush at kutsilyo sa kanyang bag. Sinugatan niya ang sariling palad gamit ang kutsilyo, kinuha niya ang paint brush isinawsaw sa sariwa niyang dugo at sumulat ng tila chinese character sa dilaw na papel. Umusal muna siya ng kunting orasyon bago niya ito inihagis sa tubig. Tila hanging naglaho ang mga kaluluwa, ngunit naiwan sa hangin ang nakapanghihilakbot nitong mga boses, humihingi ng tulong sa kanya. Unti-unti na ring bumalik sa normal ang dagat at kalangitan. Muli siyang kumuha ng papel at muling nagsulat doon, gamit ang sariling dugo at ng matapos idinikit niya ito sa bangka. Para ito sa kaligtasan ng bangkero, kapag nakadikit ito doon hindi ito magagambala ng mga kaluluwang ligaw sa tubig kaya nakasisiguro siyang ligtas itong makakabalik sa pamilya nito. "Manong, maaari na po kayong dumilat," nakangiti niyang sabi sa nanginginig sa takot na bangkero. Dahan-dahang dumilat ito at mababakas sa mukha nito ang pagkagulat. "Ma-Maliwanag na ulit? Diyos ko, salamat po sa pagliligtas nyo sa amin," nausal nalang nito. Ngumiti nalang siya dito. Ilang sandali pa at natanaw na nila ang Isla. Napakaganda nito kung pagmamasdan sa malayo. Napakaluntian ng mga kakahuyan at matatanaw ang puting buhangin na nangingislap sa tama ng papalubog na haring araw. "Maihahalintulad sa isang paraiso ang Islang ito Manong. Nakapagtataka lamang kung bakit napakaraming ligaw na kaluluwa ang naninirahan dito." "Anong ibig mong sabihin Ginoo? Ligaw na kaluluwa?" takang tanong nito. "Ah eh, wala iyon Manong. Ang ibigsabihin ko lang po ei sobrang nakakamangha ang lugar na ito. Wala pang kahit anong establisemento ang naitatayo dito. Kung ikukumpara ang Boracay dito, talo talaga ang Boracay," mas pinili nalang niyang wag sagutin ang katanungan nito. Mas mainam kasi na wala itong nalalaman para hindi ito balutin ng matinding takot. Para sa kanya, unti-unti ng nagkakaroon ng linaw ang gumugulo sa kanyang isipan ngunit natitiyak niyang marami pa siyang matutuklasan at umaasa din siyang matatagpuan niya ang kasintahan. "Napakaganda nga ngunit nababalot naman ito ng kababalaghan," sagot ng bangkero na ikinalingon niya. "Ano ho ang ibig sabihin ninyo Manong?" "Mas mainam kung huwag na ninyong alamin Ginoo." Sa sagot nitong iyon sa kanya, napagtanto niyang may nalalaman ang matanda, ngunit ayaw nitong magsalita. Muli niyang naisip ang napakaraming ligaw na kaluluwa sa gitna ng karagatan. Ngunit bakit? Bakit sila natrap sa lugar na iyon? May kinalaman kaya ang mga ito sa nawawalang mga dayuhan? Ilang sandali pa at narating na nila ang baybay ng Isla. Kung maganda sa malayo, mas napakaganda nito sa malapitan. Manghang-mangha si Roman sa lugar na iyon. Bumaba siya sa bangka at nagpasalamat sa bangkero ng iabot sa kanya ang kanyang may kalakihang bag. Pagkuwa'y nagpaalam na rin itong babalik na sa kabayanan. "May papel akong inilagay diyan sa bangka mo Manong, wag na wag nyo po iyang aalisin para ligtas kayong makabalik sa bayan," sabi niya dito. "Salamat Ginoo, napakabuti ninyo. Sana ay magtagumpay kayo sa inyong hangarin dito sa Isla at makabalik kayo ng ligtas inyong pamilya," sabi naman ng bangkero. "Salamat po Manong, mag-iingat po kayo," sabi niya. Iyon lang at naglayag ng pabalik ang bangka, tinanaw niya ito hanggang sa tuluyang mawala sa kanyang paningin. Napabuntunghininga siya, simula ng ng kanyang pakikibaka. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula, pero kailangan niyang unahin ang paghahanap ng matutuluyan sa ngayon. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag kaya kailangan na niyang maghanap ng matutuluyan. Ngunit nangunot ang kanyang noo ng maya-maya ay may mga taong biglang nagsulputan sa kanyang harapan. Makaluma ang kasuotan ng mga ito at may hawak na kandilang may sindi ang bawat isa. Tuloy-tuloy lang ang mga ito sa paglalakad animo hindi siya nakikita. Patungo ang mga tao sa iisang deriksyon, nacurious siya kaya minabuti niyang sumunod sa mga ito. Hindi naman kalayuan ang lugar ng tinatahak ng mga ito kaya ilang minuto lamang ay narating niya ang lugar. Napakaraming tao sa lugar na iyon, animo may magaganap na pinananabikan ng mga itong makita. Nakipagsiksikan siya sa mga tao, nagtungo siya sa unahan. Nakita niya ang tila entablado doon. May mga taong nandoon at isang babaeng nakaputi. Nakayuko ang babae kaya hindi niya makita ang mukha, sa leeg nito ay nakasuot ang isang lubid. Nakatapak din ito sa isang mataas na kahoy na kapag itinulak ito ay tiyak na agad mabibigti ang babae. Nahabag siya para dito, tinitigan niya ang babae na dahan-dahan namang iniangat ang mukha, luhaan itong tumitig sa kanya. Nanlalaki ang matang titig na titig siya dito, hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ang babaeng nakatakdang bigtihin ng mga taong ito ay walang iba kundi ang kanyang mahal na kasintahan. "A-Ame...Amelia?! " mahina niyang usal sa pangalan nito. Tumulo ang kanyang luha dahil sa habag sa kasintahan. Nag-iba man ang itsura nito pero natitiyak niyang ito ang kanyang si Amelia. "Amelia! Mahal ko! "pasigaw na tawag niya dito. Parang iisang taong lumingon sa kanya ang mga taong nandoroon. Nanlilisik ang mga mata ng mga itong nakatuon sa kanya. Paakyat na sana siya sa entablado ng may isang kamay ang pumigil sa kanya, nilingon niya ito. "Ginoo, gumising ka! Ginoo! " tawag ng may ari ng kamay na humawak sa kanya. Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan at nagising siya mula sa pagkakahimbing sa pagtulog. ITUTULOY... Abangan Ang Pangalawang Kabanata.....

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD