Rifle's POV Ilang grupo ang ginulo ko pero YnX group lang pala ang hinahanap ko. Sisimulan ko ng ubusin ang mga nasalikod ng pangalan ng grupo n'yo. Sumakay ako sa kotse ng lalaking iyon ay para makaalis sa lugar na iyun at naiwan ang walang buhay na katawan ng lalaking tinapos ko. Iniwan ko sa gilid ng kalsada ang kotse at pumasok muna ako sa isang convenient store. Ang mama ko ay namatay dahil sa pagprotekta sa akin. kumuha ako ng coke at binuksan ko iyun. Bakit hindi ko man lang naramdaman ang pagprotekta n'ya habang lumalaki ako. Sana lang ay nasatabi ko sila ni papa habang lumalaki ako at nakakaroon ng alam sa mundo. YnX pinagkait n'yo sa akin ang bagay na kahit kailan ay hindi ko na mararanasan pa. Mabubuhay ako ng may kulang sa akin at kasalanan n'yo 'yun. Hindi ako papayag