Xyra's POV Inaayos ko ang damit ko dahil sa lokong si Rifle. Wala bang araw na hindi s'ya hyper saka ano ang ginagawa n'ya dito. Walang maniniwala na janitor s'ya dito dahil sa kilos at itsura n'ya. Ang hangin pa ng sira. Sumakay ako sa elevator at agad kong sinara iyon ng makita kong tumatakbo s'ya papunta sa akin. "HEY!" Sigaw ni Rifle, pero dinilaan ko s'ya hanggang sa tuluyan ng sumara ang pinto. Kita sa mukha n'ya ang pagkainis. Ayoko lang ng mayroong magulo dito. Lumabas ako ng elevator at bungad agad sa akin ang productions department. Pagbukas ko ay agad akong nagbow sa kanila. "Hello, My name is Xyra Cy!" Masaya kong bati sa mga makakatrabaho ko. Nakatingin lang sila sa akin kaya medyo nahiya ako ng konti. "Ayun ang table mo!" Napatingin ako sa isang babae na nakaponytail at