Xyra's POV "Ok na ba ito!" Mayroon s'yang nilabas na 1000 pesos sabay ngiti. "Gusto ko pinaghirapan ko!" Aalis na ako ng pigilan na naman n'ya ako. "Samahan mo akong kumain ibibigay ko na sayo ito!" Napaisip ako sa alok n'ya. "Wag ka ng mag-isip!" Bigla na lang n'yang nilagay ang pera sa bulsa ko at hinila ang kamay ko. "Hindi ako bayaran!" Seryoso kong sabi sa kan'ya. Nakita ko itong ngumisi. "Alam ko!" Napaiwas ako ng tingin ng tignan n'ya ako. "Gusto lang kitang maging kaibigan kaso mas'yado kang mailap!" Dagdag pa n'ya. Tinignan ko ito habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumusunod lang ako sa kan'ya. "Wala akong panahon d'yan." Sagot ko sa kan'ya. "Alam mo hindi ka pwedeng palagi na lang mag-isa. Sa tingin ko isa kang malambot na nilalang!" Hinawa