Xyra's POV "TANGA KA KASI!" Nagbow ako kay nanay bago ako pumasok sa kwarto. "Ok lang 'yan ate!" Hinubad ko ang blazer na suot ko bago tignan si Jane at ngumiti. "Oo nga ate, malas nila na hindi ka nila kinuha, saka wag mong pansinin si Nanay!" Ginulo ko ang buhok ng dalawang ito at ngumiti. "Sanay naman na ako kay nanay!" Sagot ko sa kanila. "Pero atleast gumanda ako!" Sabi ko at nagpose pa ako sa harapan nila. "Maganda ka naman ate araw araw!" Tinignan ko si Jayson na binobola pa ako. "May kailangan ka ba?" Umiling ito, pero alam ko naman na may gusto s'ya. "Sige na sabihin mo na!" Tumayo ito at lumapit sa akin. "Gusto ko sana ng bagong uniform ate!" Sabi na eh, may kailangan ang isang ito. "Sige pag-iipunan ko pambili ng bago n'yong uniform!" Bigla silang sumigla sa sinabi ko.