CHAPTER 1.4

1772 Words
Xyra's POV "Ate saan ka ba galing pa?!" Nagmamadali akong naghubad ng sapatos. Tinignan ko ang bunso kong kapatid na si Jane na nag-aalala akong sinalubong. "Naligaw kasi ako Jane eh, saka inubos ko muna ang mga paninda ko bago ako umuwi!" Sagot ko kay Jane. "SINO YAN, JANE?!" Napaayos ako ng tayo ng marinig ko si Nanay na galit na galit ang boses. "Sige na pumasok ka na." Utos ko kay Jane. Nandito ako sa tapat ng bahay namin nakatayo at lumabas si Nanay na galit na galit na. "Ate!" Nginitian ko si Jane para iparating na ok lang ako. "Nay! Naman gabing gabi na nakakahiya sa mga kapit bahay!" Awat ni Jason kay nanay. Ang pangalawa kong kapatid. "TUMAHIMIK KA! IKAW BABAE ANONG ORAS NA BA? BUTI AT UMUWI KA PA?!" Napayuko ako sa sigaw ni Nanay. "Patawad po, Nay! Naligaw lang po ako sa lugar na pinuntahan ko kaya ako ginabi. Saka ito ang napagbentahan ko ng mga kakanin." Inabot ko lahat ng kinita ko sa nanay ko at hinablot n'ya yun sa akin. "SABIHIN MO GUMALA KA LANG BABAE KA!" Napapikit ako sa sigaw ng nanay ko. Sanay naman na ako sa kanya. Ang hindi lang ako sanay ay sa lugar na nilipatan namin. "Ok ka lang ba ate?!" Niyakap ako ni Jane para pagaanin ang loob ko. Inayos ko ang buhok n'ya at inipit ko sa dalawa n'yang tenga. "Kailan ba hindi naging ok si ate?!" Nakangiti kong balik sa kan'ya. "Ikaw naman kasi ate Xyra nagpapagabi ka pa! Alam mo naman na ayaw ni Nanay ng ganiyan!" Sabi sa akin ni Jason. Naligaw lang talaga ako kaya ako late na kauwi. "May pasalubong ako sa inyo!" Mahina kong bulong dahil baka marinig ni Nanay magalit na naman iyon. Lumapit sila sa akin kaya nilabas ko na ang pasalubong ko goya. "Wow chocolat-" Tinakpan ko ang bibig ni Jason dahil nag-ingay ito. "Wag kang maingay!" Suway ko sa kanya. Tig-isa lang sila dahil iyon lang ang nakayanan ko. Mura lang ito sa seven eleven na nadaanan ko kanina. Naalala ko agad sila ng makakita ako ng chocolate pero iyon na ang pinakamura kaya iyon lang ang nabili ko. "The best ka talaga ate!" Napangiti ako sa sinabi ni Jason. Ginulo ko ang buhok nya, sya lang ang nag-iisang lalaki sa amin. 16 years old palang ito at high school student. Si Jane naman 14 Years s'ya ang bunso namin at halos ako na ang nagpalaki sa dalawang ito. Malaki ang agwat namin dahil 22 years na ako. "Sige na sa kwarto n'yo na yan kainin!" Pinapasok ko ng ang dalawa kong kapatid at pansin ko na hindi pa rin nasisilong ang nilaban kong damit kaya kinuha ko na iyon. Pagpasok ko ay nakatambang ang hugasin. Wala na rin dito si Nanay siguro ay nasa kwarto na s'ya at nagpapahinga. "Sorry, Ate hindi ko na nahugasan ang pinggan gumagawa kasi ang ng assignment ko!" Umiling ako kay Jane. "Ok lang basta atupagin mo lang ang pag-aaral mo! Sige na matulog ka na maaga pa ang pasok mo bukas!" Tumango s'ya akin at pumasok sa loob ng kwarto naming tatlo. Hinarap ko ang mga hugasin at sinumulan 'yung hugasan. Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nagligtas sa akin kanina. Hindi ko alam kung manyak o masamang tao din iyon pero ngayon nakokonsyensya ako dahil sa pagsampal ko sa kanya. Naamoy ko kasi na amoy alak ito at iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ang alak kung bakit nawala ang tatay ko, dahil sa mga lasingero sa dati namin tinitirahan. Napagtripan lang ang tatay ko at dahil sa mga utang na naiwan ni tatay ay kailangan namin lumipat sa manila para pagtaguan at para na rin kalimutan ang masasakit na ala ala. Pagkatapos kong maghugas at naligo ako saglit bago pumasok sa kwarto namin. Nadatnan ko si Jason at Jane na mahimbing ng natutulog. Inayos ko ang mga kumot nila at hinalikan sa noo. Makita ko lang silang ayos nila nanay ay nawawala ang pagod ko. Kinuha ko ang phone ko na mayroon ng basag, nag iipon pa kasi ako para makabili ng bago nito. Chineck ko ang pinasa kong Application letter sa Arme Company. Hindi ako sigurado kung papansinin nila ako dahil malaking kompanya ang Arme at hindi lang sa pilipinas sikat ito kung hindi sa ibang bansa din. Sinubukan kong magpasa ng Application letter at nag exam na rin ako para sa requirement ng Company. Hinihintay ko na lang ang sagot nila. Pangarap ko talagang makapasok sa Company na 'yun. Bukod sa hilig ko ang mga pen pangarap ko din na makapagdesign ng sarili kong pen. Bukod duon ang gwapo din ng president nila. Lagi nga s'yang ang laman ng headline ng news at mga article dahil sa mabilis nitong pagkilos. Ang galing n'yang magpatakbo ng business. Si Snipe Swaggerty ang president ng Arme Corporation ay marami ng nagawang pen na s'ya mismo ang gumawa. Tulad ng Love pen na nakalock lang iyon at hindi magsusulat ka pag hindi mo sinabi ang salitang I love you. Kaya gusto ko ng maging part ng Company na yun, para maipakita ko na rin ang kakayahan ko sa kanila. Inoff ko na ang phone ko at tumabi kay Jane para matulog. Maaga pa akong magtitinda bukas. "Gumising ka nang babae ka!" Naalipungatan ako sa ingay na lagi namang gumigisi sa akin. Dinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin si Nanay na nakapamewang. "Kung matino ba isip mo, magpapakasarap ka sa pagtulog diyan at ang mga kapatid mong nag-aaral ay walang makain na agahan dahil sa katamaran mong babae ka!" Bumangon na lang ako at inayos ang hinigaan naming magkakapatid. "Pasyensya na po, Nay!" Sabi ko at lumabas sa kwarto. Sa kusina agad ako pumunta para ipagluto ng agahan ang mga kapatid kong papasok ngayon. "Ako na ate!" Napalingon ako kay Jane. Basa ang buhok at nakasuot ng uniform ito. Nastunned ang tingin ko sa necktie nyang hindi ayos ang pagkakasuot. "Dapat laging maayos ang suot mo!" Nakangiti kong sabi sa kanya at inayos ang necktie nito pati na rin ang buhok nya. "Lagi ka na lang sinisigawan ni Nanay!" Naningkit ang tingin ko sa kanya. "Sanay na ang ate kaya umupo ka na duon ipaghahanda ko kayo ng pagkain!" Binigyan nya muna ako ng yakap bago umalis. Sinimulan ko ng magluto ng itlog at sinangag na kanin para sa kanila. Wala naman na akong iba pang maluluto kung hindi iyun lang. "Grabe ang ganda ng damit na ito!" Inilapag ko sa table ang fried rice at egg sa table. Napansin ko ang hawak ni Jason ang phone n'ya at nakalagay duon ang isang magandang Tshirt. "Kumain na kayo!" Sabi ko sa kanila at pumunta ako sa banyo para maligo. Babalik pa ako sa pwesto ng amo ko para magbenta ng kakanin duon. "Itlog na naman!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang reklamo ni Nanay. Masamang tingin ang binigay n'ya sa akin kaya ngumiti ako sa kan'ya. "Mamaya po bibili ako ng karne." Masaya kong sabi kay Nanay pero inirapan n'ya lang ako. "Talaga ate?" Tumango ako kay Jason. "Wow kaya favorite kita eh!" Napangiti ako sa sinabi ni Jason. "Maganda na masipag pa." Banat ni Jane. "Tumahimik nga kayo d'yan at tapusin nyo ang pagkain ninyo dahil malalate na kayo! Kung masipag yang babae na yan hindi tayo naghihirap ngayon!" Napahinga ako ng malalim at hindi na pinansin ang nanay. Kumuha ako ng damit na Tshirt at pants para isuot. Nagsuklay lang ako bago ako lumabas sa kwarto. "Aalis na po ako!" Paalam ko kay nanay. Wala na rin sila Jason at Jane baka pumasok. "Gumala ka ulit!" Nagbow ako kay nanay bago ako lumabas. Pasok sa kabilang tenga labas naman sa kabila. Sanay na ako sa kan'ya pero hindi ko naman sinasabi na hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi nya sa akin at pagturing n'ya sa akin. Baka kasi namimiss n'ya lang ang tatay dahil sa bigla nitong pagkawala. Sumakay ako ng jeep patungo sa pwestong babantayan ko. Kailangan kong sipagan ngayon para makabili ako ng karne sa kanila. Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako agad duon. Saktong nagbubukas na nagtindahan si Aling alice. "Goodmorning po!" Masigla kong bati kay Aling Alice. S'ya ang may ari ng pwesto na ito. "Ang aga mo yata ngayon, Xyra?" Nakangiti n'yang balik sa akin. Tinulungan ko syang mag-ayos ng mga kakanin at iba pang paninda nya dito. "Para po dumami benta natin!" Sagot ko kay aling alice. "Sige, kumain ka na ba?" Ngumiti ako sa kan'ya at dahan dahan na umiling. Sapat lang kasi kila nanay ang niluto ko kanina kaya hindi na ako nakisalo pa. "Ito pandesal at cheese kumain ka muna!" Lumawag ang ngiti ko at hindi ko na tinanggihan pa iyon. Kumukulo na rin kasi ang t'yan ko. "Salamat po!" Masaya kong sabi at kumain na ako ng pandesal. "Magkano ang biko?" Napatayo ako ng merong isang  customer. "15 pesos po per slice!" Sagot ko. "Sige tatlong slice!" Tumango ako at kumuha ng plastic para ilagay ang biko. "Balik po kayo!" Bumalik ako sa pwesto ko para kunain. Kinuha ko ang wallet ko at nilagay duon ang 15 pesos at ang 30 pesos ay nilagay ko sa kaha ng pera ni Aling alice. Sa bawat kakanin kasi may tubo ako, 10 pesos ang original price nito kaya pinatungan ko ng 5 pesos para sa akin. Sobrang bait ni aling Alice kaya s'ya pumayag. "Kamusta ka naman?" Tinignan ko si Aling Alice ng tinanong n'ya ako. "Mabuti naman po!" Sagot ko agad at kumagat ng pandesal. "Nakikita ko ang anak ko sayo. Kung buhay pa si Alicia kaedad mo na yun!" Biglang nalungkot ang mukha ni Aling Alice dahil sa naalala n'ya ang anak nito. "Masaya na po ang anak n'yo dahil wala na s'yang nararamdaman na sakit pa!" Hinimas ko ang likod ni Aling Alice. Simula ng mag-umpisa ako dito ay lagi na lang n'yang binabanggit ang anak nitong si Alicia na namatay dahil sa cancer. Iniwan s'ya ng asawa nya at sumama sa ibang babae tapos ay nagkaroon pa ng malubhang sakit ang anak n'ya hanggang sa hindi nito nakayanan. "Namimiss ko lang s'ya. Lagi kong kasabay kumain ng agahan si Alicia!" Niyakap ko si Aling Alice. Minsan talaga kung kelan mo pa sila kailangan saka duon sila nawawala. Gaya ng nangyari sa tatay ko. S'ya lang ang nakakapagtanggol sa akin kay Nanay pag mainit ang ulo nito sa akin pero nawala na rin ito. "Nandito naman po ako!" Alam kong hindi permanente na nasatabi n'ya ako pero handa naman akong pasayahin s'ya. "Salamat!" Yumakap s'ya pabalik sa akin. Umangat ang tingin ko dahil bigla kong naalala ang tatay. "Isa ngang mahablangka!" Napaayos kami ni Aling Alice ng mayroong customer. Tumayo ako para pagbentahan ang babae. Sana maraming bumili para makabili ako ng masarap na ulam mamayang hapunan.                                                                          //END OF CHAPTER  01//
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD