CHAPTER 2.2

1134 Words
Rifle's POV "Paki alam mo! Hindi ikaw ang kailangan namin si Jane!" Napaayos ako ng tayo at natawa na lang sa sigang maliit na ito. Nakapamewang pa sila na nakaharap sa amin. Halatang nambubully ang mga ito. "Hoy Jane wag ka nga magtago sa lalaking 'yan!" Sabi naman ng pangalawang bata. Ganito na ba talaga katatapang ang mga bata ngayon. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa suot ng batang nasalikudan ko. Hindi ko alam kung sa muntik ko na s'yang masagasaan o dahil sa tatlong batang babae na ito. "Wala naman akong ginagawa sayo Margaret!" Takot nitong sagot aa babae. Feeling ko ka ang naunang batang babae ang Margaret. "Tumigil na nga kayo! Magsiuwi na kayo!" Suway ko sa kanila pero natawa na naman ako ng mahina ng walang gumalaw sa mga pasaway na ito. "Gusto n'yo bang tumawag pa ako ng pulis?!" Mananakot ko sa kanila. Ang matapang na bata ay tinignan ako ng mataray. "Tumawag ka, pulis din ang papa ko!" Napahawak ako sa ulo ko at napahinga ng malalim. Sumasakit ulo ko sa mga batang ito. Ayoko sanang gawin ito pero kailangan na. Mahaba pasyensya ko pero naubos na ng tatlong bad girl kuno na ito. "Sabihin mo sa papa mo sapakan kami!" Nagtitimpi kong sabi at tinalikuran na ang mga iyon, kaso na pabalik ako at hinila ang batang babae. Pinapasok ko ito sa kotse at sumakay ako. "Saan ka ba nakatira?!" Tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot kaya tinignan ko s'ya. "Hindi ko po kayo kilala!" Inosente nitong sabi kaya napatawa na naman ako. "Tignan mo 'yun!" Tukoy ko sa tatlong babae na nakatingin sa amin at mayroong masasamang tingin. Hindi ako natatakot sa kanila. "Ok lang naman bumaba ka na pero wag mo akong sisihin pag nabugbug ka!" Sumandal ako at tinaasan s'ya ng kilay. Tama naman s'ya na hindi n'ya ako kilala pero wala akong gagawin sa kan'ya. Hindi ako pumapatol sa bata, takot ko lang sa lolo ko. "Bilisan mo mag-isip malalate na ako sa trabaho ko!" Kalmado kong saad. Kailangan ko magpretend na workaholic ako. "Diretso lang po!" Hindi ko na s'ya sinagot at pinaandar ang sasakyan patungo sa tinuro nya. "Ano bang kasalanan mo sa mga iyun?" Tanong ko sa batang ito. Masyado s'yang tahimik eh. "Hindi ko kasi sila pinakopya ng assignment!" Bigla akong natawa sa sagot n'ya. Taka itong tumungin sa kan'ya kaya tinapik ko ang balikan n'ya pero inilayo n'ya yun sa akin. Matalinong bata. "Bakit kasi 'di ka nagpapakopya?" Natatawa kong tanong sa kan'ya. "Sabi ng ate ko pag nagpapakopya ka baka mataasan pa nila ang grade mo!" Tumango ako dun. Tama naman iyon pero iba ang paniniwala ko sa kan'ya at sa ate n'ya, bukod sa hindi ako gumagawa ng assignment ay nagpapakopya din ako. "Alam mo bata, may advantages din ang pagpapakopya!" Sabi ko dito. Tumaas ang kilay n'ya. "Actually na sayo lahat ng advantages eh. Bukod sa magkakaroon ka ng kaibigan, ikaw lang din ang matututo!" Huminto ako ng may dalawang paglilikuan. Tinignan ko ang batang babae na nakangiwi sa akin. "Selfish ka pala!" Binuksan n'ya ang pinto ng kotse at lumabas na ito. Napakunot ang noo ko dahil sa inasal ng batang 'yun. "Thank you, Rifle sa pagligtas at pag hatid sa bata!" Napa face palm ako dahil dun. Barkada kaya sila ng babaeng nanampal sa akin kagabi? Pareho sila ng ugali eh. Iniba ko na ang way ko para pumunta sa Winchester building. Pagpasok ko ay daig ko pa ang President nitong kompanya dahil sa mga paghinto ng mga employees at pagbati sa akin. "Goodmorning, Sir!" "Hi, Sir!" Ngumingiti lang ako sa mga ito at pumunta na ako sa third floor kung nasaan ang office namin. Pagdating ko duon ay nagsitayuan sila para batiin lang ako. "Goodmorning, Sir!" Naglakad ako papunta sa table ko. Wala pa akong sariling office ngayon pero lahat nagagawa ko dito kahit nga tumambay sa president's office ay nagagawa ko. Ang may president nitong Company ay ang bestfriend ni Papa na si Tito James pansamantala lang naman 'yun hanggang hindi ko pa trip magpatakbo ng business. Pero Syempre ang Chairman pa rin ang pinakamakapangyarihan sa building na ito at pag naipasa na sa akin ang lahat at sinipag na ako ay ako na ang papalit sa pwesto n'ya. Pinatong ko ang paa ko sa table at nagphone na lang. Pinagbibigyan ko lang ang lolo ko na pumunta dito pero maya maya lang naman ay aalis na ako dito. "Ms. Galang timpla mo ako ng kape!" Napataas ang kilay ko sa boses ng narinig ko. Tumigil ako sa pagcecellphone at hinintay ang nakaTshirt at maong pants na si Team leader Lee. Hindi n'ya ako napansin dahil busy ito sa pag-utos sa isang employee. "Ayos pormahan natin ah!" Tinanggal ko ang pagkakapatong ko sa table ng paa at tumayo para ayusin ang formal kong suot. Nag-effort pa naman akong mag long sleeve ngayon kahit ang init sa pilipinas. "Sir, Rifle!" Tiniklop ko ang sleeve nitong suot ko at seryosong tinignan si Mr. Lee. "Baka pagod ka maupo ka muna!" Tumabi ako sabi ko at binigyan ito ng daan papunta sa table n'ya. Tinignan ko ang wrist watch ko at binaling ang tingin sa kan'ya na ngayon ay hindi mo na maipinta ang itsura. "Baka gusto mong pagtimpla pa kita ng kape?!" Ako nga 'di pa kumakain at nagiinit na ang ulo ko dahil sa mga batang nakasalubong ko kanina. "H-hindi na po s-sir!" Lumapit ako sa kan'ya at tinapik ko ang balikat nito. "Your work time was suppose to be 7:00 A.M, what happened? Almost 10:00 A.M na!" Mahinahon kong sabi nito at tinignan ang suot n'yang sobrang casual. Naglakad lakad ako sa paligid n'ya habang hinihintay ang pagsagot nito. Pinitik ko ang tenga nito at sinamaan s'ya ng tingin. "Kita mong busy si Ms. Hmm what's your name again?" Tukoy ko sa babaeng nakatayo na inutusan ni Mr. Lee. "Mikaela Galang po, Sir Rifle!" Sagot nito. "Kita mong busy sa pagtratrabaho si Ms. Galang tapos uutusan mong magtimpla ng kape!" Nagpipigil kong sambit dito. "Ms. Galang go back to your work! Ako na ang magtitimpla ng kape kay Team leader Lee!" Madiin kong sabi habang matalas na tingin ang binigay ko sa kaharap ko. "Sir, Wag na po!" Tinalikuran ko s'ya para kumuha ng cup nilagyan ko ng 3 in 1 coffee at mainit na tubig. Bumalik ako sa table n'ya at nilapag ko ang mainit na kape. Hindi s'ya makatingin sa akin ng maayos. "Pag nauna pa akong pumasok sayo sa susunod magbalot balot ka na!" Hinawi ko ang basong nakalagay sa table n'ya kasama ang mga papel na nakalagay duon ay nagkalat sa floor. "O-opo, sir Rifle!" Inayos ko ang suot ko para kumalma. Kahit saan ba ako pumunta may mga bwisit sa paligid. Umalis ako sa lugar na 'yun at pumunta ako sa rooftop para magpahangin. Kitang kita mo ang mga maliit na bagay. Gan'yan ang makikita mo pag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Ang mga maliliit na bagay sa nakapaligid sayo. Umupo ako sa bench dito at pinikit ang mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD