65

2029 Words

Pinilit ko talagang makaakyat kahit nahihirapan ako at parang hindi ko kaya. Kailangan ko kasing pagbigyan ang babaeng ito! Pero natatakot kasi ako. Baka mamaya malaglag ako. Wala akong karanasan talaga sa pag-akyat lalo na sa mga ganito kalalaking mga puno. Hindi kami pinayagan nila Daddy na umakyat talaga ng mga ganitong puno. Kahit nga noon sa garden sa bahay ay hindi niya kami pinapayagan na maglaro. Ano naman ang kakayahan ko hindi ba? "Ano, Sir, kaya pa po?" tanong sa akin ni Krix. Nang-iinis ba siya? Ugh! "Kakayanin!" sagot ko rito, "Lagot ka talaga sa akin mamaya. Papagurin talaga kita," mahina ko na namang sambit. At talagang tototohanin ko ang sinasabi ko. Talagang papagurin ko siya dahil sa ginagawa niya sa akin. Pinapaakyat niya ako sa ganito kataas na puno?! Hello!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD