16

1907 Words

Binabagtas na namin ang kahabaan ng EDSA nang marinig ko na may kumausap sa kanyang telepono si Kuya Arbel, ang taxi driver na palaging naghahatid sa akin sa amin mismo. Hindi ko na lamang siya pinansin dahil alam ko namang hindi maganda na nakikinig sa usapan nang may uasapan. Maya-maya ay tumunog ang aking telepono. Tiningnan ko ito at nakita ko ang pangalan ni Beb. Calling… Beb Sinagot ko naman ito kaagad. “Hi, Beb!” bati ko rito. “Hi, Baba,” bati rin naman niya sa akin. “Galit ka ba sa akin, Beb?” tanong ko kaagad. Hindi ko kasi siya nasundo kagabi tapos hindi pa ako nakauwi kagabi, hay. Pakiwari ko ay ang laki-laki ng aking kasalanan kay Fear. Wala pa man din kasi akong mintis kapag hinahatid at sinusundo siya sa pinagtatrabahuan niya. Ngayon lang ako pumalya. Kaya naiinis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD