Touchdown Cebu. Nakarating na kami ng Cebu at hindi ko na kailangan pang gisingin si Krix since gising naman na siya. Humilig lang kasi siya sa aking balikat ngunit hindi naman siya natulog. Paano ko nalaman? Simple lang. Hindi naman kasi malalim ang paghinga niya. Hindi dahan-dahan katulad ng mga talagang tulog at nahihimbing kaya naman mabilis ko lang nalaman na hindi siya tulog. Siguro ay mababaw lang ang naging pagtulog niya ngunit hindi malalim. Excited daw kasi siyang makarating ng Cebu naman kahit pagod at inaantok pa ay hindi talaga niyang ginawang matulog sa byahe. Gusto na rin kasi niyang malibot ang lugar kung saan kami mag-stay. “Um, Sir,” tawag niya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya na nagsasabing huwag akong tatawaging Sir at baka iyon ang matawag niya mama