MIKEE: NAPAYUGYOG AKO sa braso ni Alp sa pagkakatulala nitong nakamata sa bisita. "Alp, may bisita ka" untag ko dito. "Ahm! Sandali lang baby" anito na humalik pa sa noo kong ikinangiti ko. Napasunod ako ng tingin nang nagtungo ito sa pinto at pinagbuksan si Scarlet na nakahalukipkip. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman sa mga sandaling ito na nandidito ito ngayon. Alam ko naman kasi na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ito ni Alp. Kahit na sinabi nitong magsisimula kami bilang mag-asawa ay hindi pa rin ako kampante sa pinapakita at pinapadama nito. Dahil aminin ko man o hindi? Alam kong mas lamang si Scarlet sa puso ng asawa ko kaysa sakin. Kahit na hawak ko na ang apelyedo niya at bestfriend lang niya si Scarlet. Pilit akong ngumiti kahit naiilang ako sa prehensya ni