Agreement

1019 Words
MIKEE: KASALUKUYAN AKONG naglilinis ng silid ni señorito Alp nang dumating ito galing sa meeting na in-attend-an. May opisina kasi ito dito sa silid niya sa mansion kaya dito siya madalas nakakulong na nagtatrabaho at saka lang lumalabas kapag may meeting itong dadaluhan. Napatuwid ako ng tayo nang lumapit itong salubong ang kilay. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan kahit na laging ganto naman ang aura niya na naka-pokerface at salubong pa ang mga kilay. "Aren't your done yet?" "Nilinis ko lang po ng maigi señorito" mahinang sagot ko. Tumalikod na itong naghubad ng coat at necktie na ikinahabol ko. "A-ako na po" Hindi naman ito umangal na ako na ang naghubad ng tuluyan sa kanyang coat at necktie. Kailangan ko pang tingalain ito sa tangkad niyang tao na hanggang dibdib lang niya ako. "Unbotton it Mikay" napalunok akong nangatal ang kamay ko sa paanas nito. Napaiktad akong napakapit sa kwelyo ng white polo nito nang yumapos bigla sa baywang ko. Mahina itong natawa na nakadungaw sa aking pinamumulaan ng mukha at pigil hiningang isa-isang binubuksan ang butones ng polo nito. Hindi ko mapigilang mapasinghap sa tuwing madadako ang paningin ko sa nakasilip niyang dibdib! Kitang napakalapad noon at tila kay sarap gawing unan. "Hindi mo naman ako nilalamutak sa isipan mo right?" nasamid akong sunod-sunod na napaubong bumitaw ditong napahalakhak at itinuloy na ang pagbaklas ng butones. Ramdam ko ang paggapang ng kakaibang init sa mukha kong lalong ikinahahalakhak nitong napapailing. "Hindi ah!" napairap ako ditong tatawatawa. "Ayt! Bastos!" tili kong napatakip ng palad sa mg matang napatalikod dito na bigla na lamang hinubad ang suot na polo! "Hahaha! Anong bastos? Ikaw itong binobosohan ang alaga mo" halakhak pa nitong nanunudyo ang tono. Mariin akong napapikit at impit na napapatiling napalayo dito. Dama ko ang init ng mukha ko lalo na ang lakas ng kabog ng dibdib kong nasilayan muli ang malapad niyang dibdib at mapipintog na walong pandesal sa kanyang tyan! Pasimple akong napahagod ng lalamunan kong nanuyo bigla sa kanyang kakisigang pinagpapantasyahan ng lahat pero heto at libre silip lang ako sa mga masel nitong kay titigas sa aking paningin! Napapasipol pa itong nagtungo ng banyo. Halata namang nang-aasar lang. Pero mas gusto ko naman kapag gantong nang-aasar siya kaysa sa laging seryosong salubong pa ang kilay. Nakakailang siyang kausapin sa tuwing naka-serious mode ito kumpara ngayon na maganda yata ang araw at nagagawang tumawa. "Marunong namang tumawa eh. Bakit kaya hindi niya dalasan?" bulalas kong panakanakang sinusulyapan siya sa loob ng shower room. Hindi ko tuloy mapigilang napapalunok na nakikita siya sa loob dahil salamin lang naman ang dingding ng banyo. Kaya kita mula dito sa labas ang tao doon. Napangiti akong napatitig sa engagement diamond ring na nakasuot pa rin sa palasingsingan kong daliri. Kahit hindi sinabi ni señorito Alp ang presyo nito ay alam kong hindi basta-basta ang presyo sa disenyo pa lang. Heart shaped ang bato nito na white gold ang kulay. Sa mata ng publiko ay fiance niya ako. Pero kapag nasa loob na kami ng mansion? Balik sa katotohanang master ko siya, at yaya niya ako. "Do you like your ring?" napaayos ako ng tayong pilit ngumiti at umiling ditong napakunotnoo habang nagpupunas ng puting towel sa basang-basang buhok at nakasuot lang ng roba. Nakakatuyo tuloy ng lalamunan na mapatitig sa kanya lalo't nakasilip ang matipuno niyang dibdib na tila kumakaway sa paningin ko! "Why? Gusto mo bang palitan natin? Pwede naman, ibili kita ng ibang disenyong gusto mo" kaagad akong umiling muli dito na lalong nagsalubong ang mga kilay. "Hindi po señorito. Hindi nga bagay sakin nagsusuot ng ganto" pagtatapat kong akmang huhubarin na pero agad naman nitong pinigilang ikinalunok ko. Para kasi akong nakadama ng libo-libong boltahe ng kuryente na gumapang mula sa kamay nitong nakahawak ngayon sa kamay ko! "Ahem!" para itong napasong napabitaw sa kamay ko na namula ang mga tainga at napaiwas ng tingin. "Keep it Mikay. Alam mo naman ang sitwasyon natin right?" Tumango akong pilit ngumiti dito. Napapitlag ako ng hinaplos ako nito sa ulo na may munting ngiti sa labi. "Dapat ako lang ang sinusunod mo maliwanag?" agad akong tumango na nakamata lang dito. "Sa akin ka lang makikinig, naintindihan mo?" "Opo" muling tango ko. "Ako lang ang paglingkuran mo" pilit akong ngumiting muling tumango. Nangingiti naman na itong hinahaplos ako sa ulo na parang pet niyang inaamo. "Very good amore. Such an obedience little Mikay. So young, so innocence. Yet so right for my taste. I think I'm started to like my yaya now" paanas nitong ikinapilig ng ulo kong napahaba ang ngusong ikinatawa nitong napitik ako sa noong lalo kong ikinabusangot lalo't ginulo pa nito ang buhok kong ikinatabing ng buhok ko sa mukha ko. Tumayo na itong nagtungo ng wardrobe at saglit lang ay nakapagbihis na ito ng simpleng white shirt at boxer brief. Kahit simple lang ang suot nito ay hindi non ikinababawas ng angkin niyang kakisigan at kagwapuhan! Saksakan nga lang ng kasungitan lalo na kung may sapi. Nagtungo ito ng kanyang center table na humarap na naman sa laptop at mga files na nakatambak sa kanyang lamesa. "Mikay come here and sign this paper" pagtawag nito. Sa sobrang bilis niyang nagsalita ay pangalan ko lang ang nakuha ko. Taranta tuloy akong lumapit dito na may iniabot sa aking folder. "Come here Mikay" Alanganin akong naupo sa katabi nitong swivel chair at binuklat ang folder na inabot nitong pasimple kong pinasadaan. "Contract Agreement" piping usal ko. "It's our contract agreement Mikay" anito na binigyan ako ng pen. Napalunok akong piping binasa ang mga nakalagay. Kung saan nakahiwalay ang benefits at rules sa aming kontrata. "May gusto kang idagdag?" umiling akong kaagad pumirma sa pangalan ko dahil nakalagda na ito sa kanya. Nangingiti lang naman itong napapatango-tango. "Did you read our agreement carefully hmm?" bulong nitong ikinatango ko. Napangisi itong pinindot ang ilong ko. "Silly. How about here hmm?" anito na binaliktad ang papel at may nakasulat pa pala doon na hindi ko nga nabasa! Namilog ang mga mata kong natutop ng palad ang bibig na mabasang nakalagay doon ang aming pagpapakasal at pagtira sa iisang bubong......next weekend!!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD