ONE

2202 Words
CHAPTER ONE Emily Nanginginig at basang basa na nangungunyapit sa hawakan ng tren, muli akong tiningnan ng matangkad na kondoktor at tinanong, "Sigurado kang sa Viloria ang baba mo, ineng?" Napahigpit ang hawak ko sa bag na natitirang dala ko sa nagdaang dalawang buwan ng pagtakbo at pagtatago. Wala na akong ibang gamit bukod sa iilang damit na nandito sa loob, at ngayon nga ay basang basa pa ito dahil sa ulan. Nakagat ko ang labi sa pinaghalong ginaw at alinlangan sa pagsagot. "O-opo. Doon ang baba ko." Muli niya akong tiningnan nang may halong pagtatanong at pag-aalala. Iniwas ko nalang ang tingin sa matandang konduktor at napabuga ng hangin. Hindi ko rin siya masisisi. Sino nga ba ang magtatangkang pumasok sa Viloria? Ang kaharian ng mga nilalang na kinakatakutan ng mga mortal na katulad namin. Ang bayan na pinamumunuan ng pinakakinakatakutang hari sa buong pulu ng Asturia. Sino nga bang hangal ang papasok ng walang pahintulot sa kahariang kailanman hindi naging kaaya-aya para sa aming mga hamak na tao? Ako. Dahil wala na akong pagpipilian pa. Kung gusto kong manatiling buhay, kailangan kong gawin ito. Kahangalan man o hindi. Iniwan ako ng konduktor at pumunta sa ibang mga pasahero. But I saw how his eyes hovered on mine with worry before deciding to let it go. Iniwas ko nalang ang tingin sa kaniya.  Napakagat ako sa labi dahil sa ginaw at tensyon na nararadaman sa sariling desisyon. Kailangan. Hindi ako magpapahuli sa kanila. Nagdaan ang halos isang oras na patuloy sa pag-arangkada ang tren. Isa isang nagbabaan ang mga pasahero sa mga nadadaanang bayan hanggang mawala ang katiting na liwanag na naaaninag sa langit na dulot ng araw sa labas. "Viloria. Huling hintuan." Sigaw ng konduktor kahit pa na ako nalang ang pasahero sa tren. Agad akong umayos ng tayo at akma ng lalabas nang humarang ang isang bulto ng katawan sa harap ko. Nagtataka kong tinitigan ang konduktor. "Sigurado ka talagang diyaan ang punta mo? Alam mo naman siguro kung ano ang nasa lugar na iyan, ineng." May babala sa tono ng pananalita niya. Bumuga ako ng hangin at tiningnan ang bukana ng tren. Malakas ang ulan sa labas at halos wala nang makita sa dilim ng langit na dulot ng gabi. May bagyo na nananalasa sa kalapit na mga bayan ng Viloria, kaya mula pa nang sumakay ako sa tren na ito mga dapit hapon na, nagsimula nang umulan at hanggang ngayon ay hindi pa humuhupa. It only made my decision feel much more stupid. Pero umiling ako. Kailangan ko itong gawin. Ito nalang ang lugar na alam kung ligtas para sa akin. Hindi nila ako masusundan dito. Imposible. Hindi sila magtatangka. Muli akong tumingin sa halos nahihintakutang mukha ng konduktor. Nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalangan siyang pababain ako. Napabaling ako sa harap ng tren at nakita sa likod ng bintana ang drayber na nakatingin din sa amin. Sa akin. Ang mga mata niya'y pawang natatakot para sa akin. Sa desisyon na gagawin ko. Pero buo na ang pasya ko. "Pwede ka naming ihatid pabalik sa sentro ng bayan. Hindi ka na namin pababayarin para sa pagbalik doon." Alok ng matandang konduktor pero umiling ako. Siguro ay akala niya magpapakamatay na ako. "Dito na po ako. Maraming salamat po." Wala na siyang nagawa nang humakbang ako palampas sa kaniya at umapak palabas ng tren. Bumubuntong hiningang nagkatinginan sila ng drayber. "Basta ginawa na natin ang dapat. Sa kaniya na ang desisyon." Rinig kong sabi niya bago ako makaapak palabas ng kalawanging tren na iyon. Agad na tumalsik sa katawan ko ang buhos ng ulan nang makawala ako sa silong ng sasakyan. Nanginig ang buong kalamnan ko sa magiginaw na tubig ulan na lumukob sa katawan ko. Pero hindi ako gumalaw kahit na marinig ko ang papalayong ugong ng tren. Tinitigan ko lang ang matangkad na itim na poste na siyang nag-iisang nagbibigay ilaw sa buong paligid. The lone lamp was dim, almost giving nothing away. Pero nakita ko pa rin ang bukana ng isang gubat sa likod ng poste dahil dito. Noon ay sinabihan na ako ni Tatang at ng mga kabaryo namin tungkol sa kagubatan ng Viloria. Puno umano ito ng mga mababangis na hayop na pawang nakakasinghot ng mga mortal na nagtatangkang pumasok sa kaharian nila. Mga malalakas na ungol at hindi pangkaraniwang tunog umano ang naririnig sa loob nito. Minsan pa nga raw ay pawang may mga ungol at sigaw ng paghingi ng tulong galing sa mga taong pangahas na nagtatangkang pumasok. Bukana palang ng Viloria ay marami na akong naririnig na katakot takot na mga storya. Lalo na ang loob.  Pero heto ako ngayon, nakatayo mismo sa harap ng bukana at nagpaplanong pumasok. Naikuyom ko ang kamao at pumikit saglit. Kailangan Emily. Kailangan mong mabuhay matapos ang nangyari. Hindi mo sila hahayaang magtagumpay sa pinaggagawa nila kahit pa mamuhay ka ng patago. Bumuga ako ng malalim na hangin at sinimulang humakbang papalapit sa poste. Sa harap ng bukana ng gubat. Ang gubat ng Viloria. Pawang nanuot sa buto ko ang kakaibang ginaw na hatid ng bukana ng gubat. Mistulang mas madilim pa ang loob kaysa sa labas. Tumaas ang balahibo ko hindi dahil sa ginaw na dulot ng bagyo, kundi sa ginaw na dulot ng pakiramdam ng pag-apak sa bukana ng mismong bayan na hindi ko kailanman naisip na papasukin ko.  HINDI ko lubos maisip kung paanong nakakalayo na ako sa bukana ng kagubatan at wala pa rin akong nararamdamang kakaiba sa paligid. Walang ni katiting na mababangis na tunog akong naririnig sa paligid. Ngunit hindi naman ito nakatanggal sa kabang nararamdaman ko. Napatingala ako sa madilim na langit. Sa kasagsagan ng malalakas na agos ng ulan ay hindi ko maiwasang mapuna ang kakaibang katahimikan na lumulukob sa gubat. The heavy rain drops were covered by the gnawing silence of the mysterious forest. Malahigante ang bawat puno na nadadaanan ko at masusukal ang bawat daanan na nakikita ko. Pero sa kabila ng ginaw at kakaibang pakiramdam na ibinibigay sa akin ng kagubatan, hindi ko mapigilang mahinang magpasalamat sa langit. Salamat, at sana walang tatakbong mga hayop para kainin ako ng buhay dito. Kahit ngayon lang, swertehin naman ako kahit konti. Sana magpatuloy ang swerte ko. Kasi sa nagdaang tatlong buwan, wala akong ibang naramdaman kundi kamalasan. Ni wala na akong panahon na magluksa para sa pagkawala ng mga magulang ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang magtago, tumakbo at tumakas. Tumatakas ako sa mga taong pumaslang sa Nanang at Tatang ko. Sa mga taong itinuring ko ng mga magulang kahit na hindi kami magkadugo. Ang alam ko lang unang buwan ko sa Pompi ay nakita nila ako sa dalampasigan habang umuuwi galing sa pangingisda si Tatang. Akala umano nila ay patay na ako. Pero nang makita nila akong humihinga, agad nila akong kinupkop. Naaalala ko pa kung paanong paulit ulit akong tinanong ni Nanang at Tatang kung saan ako nanggaling at kung ano ang pangalan ko, pero nagkakatinginan nalang sila sa tuwing sinasabi kong wala akong maalala. At totoong wala akong maalala sa nakaraan ko bukod sa unang kita ko kay Tatang sa isang bangka. I, then was slowly beginning to adapt despite of my memory loss. May naaalala na rin akong mga katiting na mga bagay tungkol sa sarili ko. Ang pangalan ko at ang edad ko. Nagiging masaya na rin ako kasama silang dalawa at ang mga kabaryo namin. But it was short lived. Isang araw nalang ay nagising ako sa mga sigaw ni Nanang. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang tumakbo dahil sa huling sinabi ng ina inahan ko. "Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang magpapahuli sa kanila. Mabuhay ka ng matagal, Emily. Para sa amin." At iyon nga ang ginawa ko. Para man lang mabigyang respeto ang huling katagan na mga sinabi niya. Para man lang magpasalamat sa pag-aaruga nila sa akin at bukod sa lahat, para malaman ko kung bakit nila kami tinutugis. Kung bakit patuloy pa rin nila akong hinahanap. Pero masyado na akong pagod para lumaban pa. At mag-isa lang ako at marami sila. Ni hindi ko alam kung saan ako nanggaling. At wala akong ideya kung bakit nila ginagawa ito sa amin. Sa akin. Kaya ang gusto ko nalang ngayon ay gawin ang huling hiling ni Nanang. Ang mabuhay pa ng matagal habang hawak hawak ang maikli ngunit magaganda at masasayang alaala ko sa kanila. Naibalik ako sa kasalukuyan at bigla akong natigil sa paglalakad nang may narinig akong tunog sa likod ko. Napakapit ako nang mahigpit sa basang basa kong bag. Naghaharumintado ang dibdib, unti-unti akong tumingin sa likod. Walang tao ni hayop. Thick barks and tall looming trees are the only ones I see in the place. Nakakagat sa labi na naghintay ako ng ilang mga segundo. Hindi ako dapat pakasiguro. Maaaring may nakamasid sa akin dito. Please. I just want to get in and be at peace. Pagbigyan niyo naman ako. Patingin tingin sa paligid at nakatigil ang hininga, ilang minuto pa akong tumayo lang doon at hindi gumalaw. The forest is almost pitch black, pero dahil nakapag-adjust na ang mga mata ko ng kaunti sa dilim, nakikita ko ang sinag ng katiting na ilaw na galing sa buwan na dumadampi sa mga halaman. Nang wala na akong marinig o mapansin na kahit na ano, nakapagdesisyon akong muling maglakad. Malalim akong napabuga ng hangin. I just really hope this goes well like how I want it to. Sa kabila ng masukal na daanan, may isang specific na daan akong sinusundan. It was the clearest trail I could see on the thick forest floor. At pawang ito ang palaging nilalakaran ng mga nilalalang na taga dito upang makapasok sa kaharian. Sa tuluyang paglalakad, unti-unti ay may nakikita na akong liwanag sa harap. Nakikita ko na ang sinag ng buwan sa hulihan ng gubat. Lumiliit at numinipis na rin ang mga kahoy na nadadaanan ko. And the rain suddenly stopped, clearing the sky with heavy clouds to make the silver moon shine. Making the huge and majestic castle on top of the hill visible. Hindi ko mapigilang mapatulala sa ganda ng Viloria. Sa kabila ng mga kahindik-hindik na istorya na naririnig tungkol sa lugar, pawang nawala ito sa loob ng isip ko dahil sa ganda ng nakikita ko sa bayan nila. Napatutok ako sa malaking kastilyo sa ibabaw ng burol. From where I am standing, I can feel the radiating power and magic from it. It feels mysteriously magical. Napabuga ako ng hangin sa saya. Sa wakas. Makakapasok na ako. Magiging matiwasay na ang pamumuhay ko. Magiging ligtas na ako matapos ang nangyaring trahedya sa pamilya ko. I stepped faster towards the end of the trail, deliriously thinking it was over, pero agad na may humaklit sa akin na nakapagpadugo sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko. "N-no..." Nauutal at nanginginig kong usal nang makita ang isang malahiganteng aso sa harap ko. Its fur was pitch black and its eyes are as silver as the moon. Nakalabas ang mga pangil at galit na galit ang mga matang nakatingin sa akin. Nangangatog ang mga tuhod at nakahawak sa dumudugong braso, unti unti akong umatras. "P-please, parang awa niyo na--aaahh!" Naramdaman ko ang sakit ng paghamaps ko sa isang bato sa likod. Tumulo ang mga luha kong napasalampak sa sahig habang nasa ibabaw ko ang mabangis at malahiganteng hayop. The gigantic wolf growled, showing its sharp fangs at me. Napahikbi ako sa takot. Ito na ba? Ito na ba ang katapusan ko? Dito ba ako mamamatay at hindi sa kamay ng mga humahabol sa akin? Hindi ko ba masusunod ang gusto ni Nanang? Mariin na ipinikit ko ang mga mata nang unti unti nitong inilapit ang mukha sa basa kong katawan. Akala ko ay mararamdaman ko na ang nakakawalang ulirat na sakit ng pagkagat nito sa akin, pero agad na naramdaman ko ang pagsinghot nito sa leeg at dibdib ko. I opened my eyes in shock and saw how those silver eyes transformed to gold. Napamulagat ako sa nakita. Nagkatitigan kami ng itim na itim na aso at pawang naging tao ang mga mata niyang nakamasid sa akin. Nawala ang matutulis niyang pangil at nakatitig lamang ang magaganda niyang mga mata sa akin. Kumabog ang dibdib ko. Pero hindi dahil sa kaba. Kundi dahil sa pakiramdam na biglang lumukob sa akin para sa hayop na nasa harapan ko. Tinagilid nito ng bahagya ang ulo. Its big ears perking up in concentration. May nag-uudyok na pakiramdam sa akin na hawakan ang mukha niya, kaya inangat ko ang kaliwang kamay ko patungo sa kaniya. Those golden eyes went to my hand. Watching it. Mesmerized. Pero nabawi ko ang mga kamay ng mabilis itong umatras sa akin at lumayo. Mabibigat at malalaking hakbang ang ginawa niya nang tumakbo siya palayo sa akin. But for a brief moment, those golden eyes went back to look at me. Hindi ko maiiwas ang mga mata sa kaniya. Sa itim na itim at malahiganteng aso na nagparamdam sa akin ng biglaang gaan sa loob. In a matter of seconds, his raven black fur camouflaged in the deep forest darkness. Muli siyang tumakbo palayo, his golden eyes the only indicator that he's there. Lumayo siya, papasok sa gitna ng misteryosong gubat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD