I

1000 Words
Alejandra Point of View Nakakalokong tumawa ang babaeng demonyo sa harap namin. Nakakulong siya sa isang kulungan na may mga rehas. Nakatali rin ang kamay at paa niya ng mga posas. Habang ang leeg niya ay nakakadena rin ng mga kadenang mabibigat at malalaki. Ang lahat ng ito ay napapaligiran ng kapangyarihang galing sa itaas. “Hindi niyo mapipigilan ang kasamaan. Kahit kailan ay hindi na kami magagapi ng kabutihan. Pag-aari na namin ang mga tao. Kami na ang mga nagmamay-ari sa kanila. Amin ang kaluluwa at kanilang mga katawan at wala na kayong magagawa roon,” sabi nito na abot tenga pa ang ngiti. Ngiti talagang demonyo na kay sarap gawing abo ng paulit-ulit. Mahaba ang buhok nito at matutulis ang mga kuko. Itim na itim ang mga mata at tila nanakot. Tama tinatakot niya nga kami. Sa tingin niya ba ay matatakot kami sa katulad niya? Sanay na sa sanay na kami makakita ng mga demonyo. Iyon ba naman ang trabaho namin sa araw-araw – Ang habulin at patayin sila. Dumudugo ang itim na pakpak nito na pinutol namin nang mahuli namin siya. Ang pakpak nito ay mahahalintulad mo sa paniki ngunit mas malaki pa sa tao ang sukat. Mahahaba ang kamay niya at binti. Ang ngipin ay may pangil na parang sa isang bampira. Ang boses nito ay ipit na parang sa dwende na kay sakit sa tenga. Ang katawan at mukha ay mahahalintulad mo sa isang tao ngunit mapapansin mo agad ang kanilang pagkakaiba kapag nasa tunay na anyo ang isang demonyo. Makikita mo ang itim na sungay nito sa noo. Hindi ganoon kahabaan ang sungay ng kaharap namin ibig sabihin ay isa lamang siya sa milyong milyong alagad sa impyerno. Isang mababang ranggo na maihahalintulad sa isang kawal ng isang palasyo. “Tumahimik ka! Ang tulad mo ay walang puwang sa mundong ito. Wala kayong karapatan upang umakyat dito sa lupa at maghasik ng kasamaan! Dapat sa inyo ay mabulok sa impyerno!” sigaw ni Cassiel dito sabay hampas ng ginintuang lubid nito sa balikat. “AAAAAAHHHHHHH!!” sigaw ng demonyo na napakasakit sa tenga nang maputol ang buong kamay nito dahil sa pagkakahampas ng lubid ni Cassiel Si Cassiel ay isa sa mga matataas ang ranggo sa kalangitan. Siya ang pangsampo sa ranggo namin. Magaling siyang humawak ng lubid. Ang kanyang lubid ay hindi kayang putulin o sirain ng sinoman habang ang armas niya ay nababalutan ng celestial power. Tinatawag kaming Heaven Warriors. Ang mga anghel na pinadala sa lupa kung saan may misyong puksain ang mga demonyo na umakyat rito sa lupa. Kailangan rin naming isara ang lagusang nilalabasan nila. Kailangan naming protektahan ang mundo laban sa mga masasamang demonyo. “Tao mismo ang nagtatawag sa amin. Mula sa ilalim ng lupa naririnig namin ang sigaw ng kaluluwa nila. Ang amoy ng mga kasalanang ginagawa nila. Napakasarap sa pandinig,” wika ng demonyo sa seryosong mukha at biglang tumingin kay Cassiel sa emosyong walang kagana gana na tila may masamang balak. “Sa tingin niyo mapipigilan niyo kami? Walang laban ang mga tao sa demonyo mga hambog! Isa lang kayong mahihinang nilalang at mga makakasalanang nilikha. Hindi niyo mapipigilan ang pagsakop namin sa mundo! Hindi magtatagal at mapapasa amin na rin ang buong lupain ng mundong ito.” Mabilis ang pagsasalita nito at biglang humalakhak ng malakas kasing lakas ng biglang pagsuntok sa mukha niya ni Clark. Si Clark ang pinakamalakas pagdating sa pisikalan. Sanay siyang lumaban kahit walang armas na hawak. Ang kamao nito ay parang isang metal kapag tumama sayo. Walang sino man sa amin ang nananalo ng mano mano sa kanya. Bumaon ang kamao ni Clark sa panga ng demonyo ngunit kita mo parin ang ngiti ng babae sa labi nito na tila hindi naapektuhan sa ginawa ni Clark. “Kilala mo ba si Urdu? Hindi pa tumatama ang kamao niya sa mukha mo hihiwalay agad yang ulo mo sa leeg mo!” sabi ng demonyo na tila nagyayabang at tila nakasinghot ng ipinagbabawal na gamot. Mula sa pagkakaupo ay tumayo agad si Helena sa kanyang upuan. Si Helena ang heneral namin. Malupit ang pamumuno niya at ayaw niya ng palpak na misyon. Perfectionist ito. Matalino ito pagdating sa taktika. “Si Urdu ba ang pinaka pinuno niyo?” tanong nito sa demonyo. " Nasaan siya? Nandito na ba siya sa lupa?" Ngumiti naman ang demonyo at binaling ang tingin kay Helena. “Pinuno? Higit pa siya roon. Higit pa siya sayo. Higit pa siya sa mga inaasahan niyo,” sagot nito kay Helena. “Kung ganoon hari niyo siya. Kagaya ng mga nasa kwento si Urdu ang hari ng impyerno,” sabi ni Helena at hindi mo kakikitaan ng kahit anong emosyon ang mukha nito. Never namin siyang nakitang ngumiti kahit isang segundo lamang. “Malapit na rin siyang maging hari ng mundo at pag nangyari iyon bumagsak na ang organisasyon niyo. Luluhod kayo sa kanya at pagsisilbihan niyo siya. Pagsisilbihan niyo siya mga alipin!” sabi ng demonyo kaya naman nakatikim siya ng isang malakas na sampal kay Helena. “Hindi mangyayari ang bagay na iyon. Kung meron mang babagsak kayo iyon. Mabulok kayo sa nagbabagang impyerno!” madiin na sabi ni Helena. “Hindi ko alam kung anong meron sa organisasyon na ito ngunit tila ata kayo ang mga tinutukoy nila," sabi ng demonyo at inalis ang tingin kay Helena at sa amin bumaling ang mga itim na itim na mga mata. "Ang mga anghel na pinadala sa lupa na nagkakatawang tao upang puksain kami. Meron akong gustong ialok sa inyo. Ayaw niyo bang tumaas ang mga ranggo niyo? Bakit hindi niyo ako samahang pagsilbihan ang haring Urdu? Huwag kayong magpaalipin sa babaeng iyan." Nagkatinginan kaming lahat. Muli ay bumaling ang demonyo kay Helena at tumitig sa mga mata nito. Humalhak ito na parang baliw na baliw. "Baka mamaya mamatay rin kayo dahil sa kanya," sabi ng demonyo sa amin na hindi mapigilan ang pagtawa. Nakita ko kung paano nagbago ang emosyon ni Helena sa sinabi ng demonyo. Saglitang tila nagulat ito ngunit agad rin niyang tinago ang kanyang emosyon. They know us. Demons knows our weakness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD