XXXV

1977 Words
Third Person Point of View Mabilis na nilapitan ni Krit si Khloe at hinawakan ito sa mukha. “Khloe?” tawag niya dito. Pilit na iginalaw ni Khloe ang kanyang hintuturo upang ituro si Nica ngunit hindi ito napansin ni Krit dahil hindi gumagana ang utak nito sa mga oras na iyon at nakafocus lang ang kanyang tingin sa duguang si Khloe. Mabilis na lumapit rin si Filomena sa kanyang mga kasamahan. “Khloe!” madiin na tawag ni Filomena sa kanyang kagrupo. “N-nica…” ani ni Khloe ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Maging sila Filomena ay hindi maintindihan ang sinasabi ng dalaga. “Huwag ka munang magsalita,” ani ni Krit dito. “Huwag mong pilitin ang sarili mo. Master dalhin na natin siya sa hospital.” Habang sila Louie naman at Janice ay nakalapit na sa pinangyarihan ng aksidente. “Huwag niyong gagalawin,” sigaw ni Louie kay Krit. “Bitawan mo muna siya. Hindi mo siya dapat galawin.” Pinulsuhan ni Louie si Khloe. Habang si Filomena ay pinanood naman si Louie sa kanyang ginagawa. “Huwag kang matutulog, miss,” utos ni Louie kay Khloe. “Tumawag na ang fiancé ko ng ambulansya, huminahon ka at huwag mag panic. Magiging ayos ang lahat.” Napansin ni Louie na pilit nagsasalita ang dalaga kaya naman bahagya siyang yumuko at itinapat ang tenga sa bibig nito upang marinig ang sinasabi ng dalaga. “Sino iyon?” tanong ni Louie ng maulinigan ang sinabi nito na halos mas mahina pa sa isang bulong. Napatingin si Filomena sa hintuturo ni Khloe habang nakaturo sa kompanya at nakatingin sa kanya. “Naiintindihan ko,” ani ni Filomena dito. “Huwag mo munang pilitin ang iyong sarili. Kailangan mo munang mabigyan ng paunang lunas.” “Kasama ka niya?” tanong ni Louie kay Filomena. “Oo, kasamahan niya ako sa trabaho,” sagot naman ni Filomena dito. Napatango naman si Louie at tinanggal an kanyang suot na cotton jacket upang tapalan ang ulo ni Khloe. “Huwag kayong mag – alala,” ani ni Louie sa kanya. “Paparating na ang ambulansya.” Tumango naman si Filomena. Ilang minuto pa ay narinig na nila Filomena ang siren ng ambulansya. Noong makarating sa kanila ay agad na isinakay nila sa stretcher si Khloe at ipinasok sa loob ng sasakyan. Sumama naman roon sila Filomena habang inutusan niya si Krit na asikasuhin ang drayber ng truck na nakabangga sa kanilang kasama. Ayaw pa sanang pumayag ni Krit ngunit wala siyang laban s autos ng mas mataas sa kanya kaya napilitan na siyang bitawan si Khloe. Isinara na ang pinto ng ambulansya habang nakatingin sa isa’t isa si Filomena at Louie. Matapos ay bumaling na si Filomena kay Khloe na habol ang hininga. Hindi niya pwedeng ilapit ito kay Erapel dahil hindi  naman ito nasugatan sa kanilang labanan. Isang aksidente ito na tao sa tao ang problema. “Gaano kalayo ang hospital niyo rito?” tanong ni Filomena sa mga nurse na nagaasikaso sa kanyang kasama. “Mga thirty minutes maam,” sagot sa kanya ng isa sa kanila. “Ngunit mararating ito ng ambulansya kung walang masyadong traffic sa loob ng kinseng minuto.” Napatingin naman si Filomena sa kanilang daraanan. Marami ang mga nakaharang na sasakyan. Kahit may siren ang kanilang ambulansya ay matatagalan pa rin sila dahil sa oras na ikokonsumo ng pag iwas ng mga sasakyan. Nais sanang gamitin  ni Filomena ang kanyang mga bulaklak upang mas mapabilis ang kanilang paglalakabay ngunit hindi pupwede. Hindi sila pwedeng makielam sa buhay ng isang tao. “Khloe,” tawag ni Filomena sa kanya. “Lumaban ka at huwag mong ipipikit ang iyong mga mata. Kakayanin mo ito.” Napabagsak naman ang balikat ni Filomena. Na sa kanyag pangunguna ang kanyang mga kasama ng maaksidente ito. Pakiramdam niya ay nabigo sya bilang lider ng kanilang grupo. Kahit na ang suliraning ito ay tao sa tao ngunit kasama siya noong mangyari ito. Isang kabiguan para sa kanya kahit hindi naman niya ito kasalanan at ginusto. Labin - limang minuto rin bago sila nakarating sa hospital. Sinalubong sila ng doctor doon. “Anong nangyari?” tanong ng doctor sa kanila. “Nasagasaan po siya doc ng truck,” ani ng lalaking nagtutulak  sa stretcher. “Malala ang tama ng babae.” Tinignan naman ng doctor ang sugatang si Khloe at ipinasok nila ito sa emergency room. Naiwan si Filomena sa labas. May bahid pa ng dugo ang gumamelang hawak hawak. Hanggang ngayon ay hawak hawak niya pa rin ang gumamelang lumipad at sumabit sa poste. Napapikit si Filomena at nag isip isip. Kung sana ay hindi niya kinuha pa ang gumamela ay hindi mababangga ng truck si Khloe pagka’t sa kanya muna tatama ang truck na ito bago sa kanyang mga kagrupo dahil siya ang na sa pinakadulo. Hindi sana nangyari ito kung tumawid na lamang siya at hinayaan na lamang ang mga gumamela. Ilang minuto rin ang lumipas at nagsilabasan na ang mga nurse na kasama ng doctor. Nilapitan sila ni Filomena ngunit ilag ang kanilang mga tingin dito. “Kamusta?” tanong ni Filomena. “Kamusta ang pasyente?” “Si doctor Rom na lang po ang kausapin niyo,” ani ng isa kanila at dire diretsong lumabas. Napatitig si Filomena sa mga ito habang papalayo sa emergency room. Walang bahid ng dugo ang mga uniporme ng mga ito. Kasunod nilang lumabas ang matangkad na lalaki habang puro dugo ang puting coat nito sa bandang ibaba at napabaling si Filomena dito. “I’m doctor Rom,” ani ng doctor sa kanya. “Kaano ano niyo ang pasyente?” “Katrabaho,” sagot ni Filomena dito. “Kamusta ang pasyente dok?” Napahinga naman ng malalim ang doktor at nagsalita. “Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya ngunit wala na siya. I’m sorry.” Parang gumuho bigla ang paligid sa sinabi ng doktor sa kanya. “Imposible,” ani ni Filomena dito. “Hindi pupwede iyon.” “Gaya nga ng sinabi kanina ng isang nurse ay malala ang tama ng biktima,” sabi ng doktor sa kanya. “Mauna na ako. Ilalaba na nila ang pasyente.” Umalis na ang doktor doon at bumukas naman ang pinto ng emergency room. Lumabas doon ang stretcher kung nasaan ang bangkay ni Khloe. Tulak tulak ito ng naglinis na nurse sa katawan ni Khloe. Pinigilan ni Filomena ang stretcher at tinanggal ang tapis na kumot sa katawan ni Khloe. Nakita niya roon ang nakapikit na bangkay ng kasamahan. Mariing napapikit si Filomena at muling dumilat upang hawakan ang mukha ni Khloe. “Papaanong namatay siya?” tanong ni FIlomena. “Mga manggamot kayo pero hindi niyo nailigtas ang buhay niya?” Napayuko naman ang nurse na nagtutulak ng stretcher at napalunok. “K-kailangan na po namin siyang dalhin sa morgue,” ani ng lalaki sa kanya. “Doon niyo na lang po siya kitaain muli.” Binitawan na ni Filomena ang stretcher at pagkatapos makalayo ng lalaki ay pumasok si Filomena sa emergency room. Wala ng tao dito. Hinanap niya si Khloe ngunit kahit anong gawing ikot niya ng tingin sa kabuuan ng emergeny room ay walang khloe siyang nakita. Muli siyang lumabas ng emergency room upang tignan na baka lumabas na ang kaluluwa ni Khloe. Napahawak naman si Filomena sa kanyang ulo. Sa isip  niya ay naunahan na siya ng grupo ni Atticus na kuhanin ang kaluluwa ng kanyang kasamahan. Hindi man lang niya nagawang makausap ito. Sumunod naman na si Filomena kung nasaan si Khloe. Sa pagliko niya ay sakto namang pagliko rin patungo sa emergency room ang grupo nila Atticus. Nagkrus sila ng landas ngunit hindi sila nagkita. Maya maya pa ay dumating  na si Krit at hinanap sila Filomena. Agad itong bumaba sa morgue ng malamang naroon ang mga ito. Naluluhang lumapit ng kay bagal si Krit sa nakatalikod na si Filomena. “Master,” tawag nito dito. “Bakit ka nandito?” Hindi naman kumibo si Filomena. Alam niyang na sa indenial stage pa ang kanyang kagrupo. Hindi pa nito natatanggap ang katotohanang wala na si Khloe. Nakababa ang manipis na kumot hanggang sa leeg ni Khloe kaya kitang kita agad ni Krit ang mukha nitong nakapikit. Noong marating nito ang stretcher ay itinulak ng binata palabas ang stretcher ngunit pinigilan ni Filomena ang binata. Hinawakan nito ang stretcher upang hindi maitulak ng tuluyan ng binata. “Kailangan natin siyang dalhin sa taas para magamot, master,” ani ni Krit sa kanya. “Huwag mo akong pigilan Krit.” “Alam ko ang nadarama mo, Krit,” ani ni Filomena. “Ngunit wala na si Khloe. Kanina pa siya patay.” “Hindi pa siya patay!” sigaw ni Krit kay Filomena. “Kailangan lang siya malunasan kaya padaanin mo na ako, master.” Hindi naman sumagot si Filomena. Pilit na itinulak ni Krit ang stretcher ngunit mas malakas sa kanya si Filomena at naubos lang ang lakas niya. Sa huli ay napatigil si Krit sa kanyang pagtulak at napaupo na lamang sa sahig at napatulala na nakatingin sa pintuan. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata. “Master,” tawag ni Krit kay Filomena. “Sabi sa akin ni Khloe na takot siyang mamatay habang nakikipaglaban sa mga demonyo pero… pero truck ang nakapatay sa kanya. Magkausap lang tayong tatlo kanina. Nag away pa nga kami.” Tumayo si Krit sa pagkakaupo. “Hindi pa ako nakakapag sorry sa kanya,” dagdag ni Krit dito. “Hindi ko pa nasabi sa kanya na tama siya at mali ako.” Napayuko na lamang si Filomena upang ipagdasal si Khloe. “Khloe,” tawag ni Krit dito. “I’m sorry. Wala talaga akong alam. Oo na. Wala akong alam sobrang tanga ko kaya gumising ka dyan. Idilat mo na ang mga mata mo. Bibilhan mo pa ng bahay ang pamilya mo hindi ba? Sinabi mo sa akin na tatapusin mo pa ang misyon mo para makabili ka ng bahay! Bakit ka nakahiga riyan?! Tumayo ka na, Khloe. Naghihintay sa iyo ang pamilya mo. Anong sasabihin ko sa kanila? Sasabihin ko na nabigo akong protektahan ka? Isang ngiti ang hinihintay nila mula sa iyo Khloe sa iyong paguwi at hindi ang bangkay mo.” Tuluyang gumaragal ang boses ni Krit sa pagsasalita. “I’m sorry…” bulong ni Krit dito at niyakap siya. Natapos na si Filomena sa pagdarasal. “Magpadala ka ng mga tao sa bahay nila upang ayusin ang paglalamayan ni Khloe,” ani ni Filomena sa kanya. “Ako na ang bahalang kumausap sa hospital para sa paglalabas ng bangkay.” Humiwalay naman sa pagyakap si Krit kay Khloe at tinignan ang dalagang nakalatay sa stretcher. “Katrabaho ko lang si Khloe,” sabi ni Krit dito. “Sinabi sa ating kasunduan na walang personalan sa mga nararamdaman pagdating sa trabaho pero bakit masyado akong nakaattach sa babaeng ito master? Bakit pakiramdam ko ay hindi na magiging maayos uli ang bawat umaga na gigising ako?  Madali lang naman siya palitan dahil marami pa riyan pero bakit pakiramdam ko ay walang sino man ang makakapalit sa posisyong iniwan niya ngayon?” “Magpahinga ka muna ng isang linggo bago ka bumalik ng trabaho,” ani ni Filomena. “Lilipas rin ang panahon at maghihilom ang sugat na iniwan niya sa puso mo. Kailangan natin tanggapin ang katotohanan. Mauna na ako dahil may kailangan pa ako gawin. Bago ka nga pala lumiban ay siguraduhin mong naireport mo ang mga nangyari at na dokumento mo ito. Gaya ng sinabi mo ay hindi maaaring maapektuhan ang trabaho ng personal na pakiramdam. Bukas pa ang simula ng iyong pagliban kaya gawin mo ang trabaho mo ngayon ng propesyonal.” Lumabas na si Filomena ng pintuan at naiwan si Krit doon na nakatulala.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD