Third Person Point of View
Ilang oras ang nakalipas ay naghahanda na si Hadiyaah para sumabak muli sa laban. Nauubos na ang kanilang hukbo at hanggang ngayon ay wala pa rin si Valsen. Labis labis na ang kanyang kaba.
“Sasama ako,” ani ni Erapel at kinuha ang sandata sa may gilid niya.
“Hindi na,” ani ni Erapel sa kanya. “Hindi ka makikipaglaban. Manggamot ka lamang punong manggagamot. Ikaw ang dapat na huling mamatay sa digmaan na ito. Kapag nakabalik na si Valsen ay sabihin mong na sa digmaan na ako at kailangan ko agad ng lakas ng mga mandirigma dahil sa dami nila ay tiyak akong hindi rin magtatagal ay magagapi nila ang pwersa ko.”
Isinuot na ni Hadiyaah ang kanyang salakot na puno na rin ng gasgas saka pumasok na sa digmaan habang si Erapel naman ay ginagamot ang mga taong may mga sugat.
Dumaan pa ang ilang oras ay walang Valsen na dumating. Maging ang kinaroroonan ni Erapel ay naabot na ng kalaban.
Agad na hinanda ni Erapel ang sarili upang ipagtanggol ang sarili at ang mga kasama niya roon.
Malapit ng sumikat ang araw ngunit wala pa ang kanilang hinihintay. Pagod na pagod naman na bumalik si Hadiyaah sa kinaroroonan ni Erapel at mula roon ay nakita nila ang tumatakbong lalaki papalapit sa kanila.
May mga sugat ito sa katawan. Noong makalapit ay nakita nila na si Algo ito.
Agad na sinalubong siya ni Erapel upang gamutin at tanungin kung nasaan si Valsen.
“Nasaan ang heneral mo?” tanong ni Erapel habang ginagamot ang kanyang sugat.
“Wala na siya,” ani ni Algo sa malungkot sa boses at napapikit pa. “Tumakbo ang heneral Valsen kasama ang prinsesa sa hilaga.”
Napatigil si Erapel sa panggagamot kay Algo at napatingin sa sandata nitong may bahid pa ng dugo.
Napansin naman ni Hadiyaah ang mandirigma habang nakikipaglaban kaya noong mapatay ang kalaban ay lumapit si Hadiyaah dito.
“Nasaan si Valsen?” tanong ni Hadiyaah.
Pasugod na ang mga kalaban sa kanila.
“Tinakbuhan niya tayo, Hadiyaah,” ani ni Algo. “Sinubukan ko siyang pigilan ngunit pinili niya ang prinsesa.”
Tila sinakluban naman ng langit at lupa si Hadiyaah sa narinig.
Kinuwelyuhan ni Hadiyaah si Algo.
“Anong ibig mong sabihin?!” madiin na tanong nito at hindi makapaniwala.
“Kay Valsen ipinagkatiwala ang prinsesa,” sabi ni Algo sa dalaga habang hawak – hawak ang kwelyong hawak hawak rin ni Hadiyaah. “Kaya si Valsen rin ang karapat – dapat pakasalan ng prinsesa at pinili niya ang alok na iyon kaysa sa atin.”
Itinulak naman pababa ni Erapel si Algo at tila nanghina ang kanyang mga tuhod sa mga narinig. Gusto niyang umiyak ng ma panahon na iyon ngunit umuurong ang kanyang luha sa mga mata. Hindi siya makapagsalita. Puno ng galit ang kanyang dibdib at hindi siya makapaniwalang nagawa ni Valsen iyon sa kanila. Na mas pinili pa nito ang prinsesa kaysa sa kanila. Tila kinakapos siya ng hininga habang iniisip ang mga bagay na iyon lalo na kapag pumapasok sa isipan niya ang pangakong iniwan ni Valsen sa kanila bago ito umalis – na babalik siya para sa kanila.
Si Erapel naman ay nakatingin lamang kay Algo. Mahigpit niyang hinawakan ang sandata at akmang iwawasiwas ito noong biglang may humigit sa kanya na kalaban. Napabitaw siya sa hawak niyang espada. Itinutok nito ang talim sa kanyang leeg.
“AHHHH!” sigaw ni Erapel.
Napatingin naman sila Hadiyaah sa kanya.
“Ikaw ang punong mangagamot,” ani ng kalaban na may hawak sa kanya habang mas diniinan ang talim sa kanyang leeg. “Sa wakas ay nahanap rin kita.”
Napaatras si Hadiyaah sa nakita. Naguguluhan ang kanyang utak. Matapos ay napailing iling habang hawak hawak ang kanyang ulo.
“Tumakas na tayo, Hadiyaah,” ani ni Algo at hinawakan ang kanyang kamay ngunit tinapik iyon ni Hadiyaah ng malakas.
Napatingin naman si Erapel sa dalawa kung ano ang gagawin nito sa mga oras na iyon. Nakababa lamang ang kanyang dalawang kamay dahil alam niya na tatapusin agad ng kalaban na may hawak sa kanya ang kanyag buhay kung papalag siya.
Nahilo si Hadiyaah dahil sa nararamdan. Sumisikip ang kanyang dibdib. Napatingin siya sa kanyang hukbo at nakita niya ang natatalo nila pwersa. Alam niya sa sariling wala na silang pag – asa. Pagod na rin siya sa pakikipaglaban at halos pabagsak na rin ang kanyang katawan. Tila nawawala siya sa huwisyo niya ngayon at maging ang kanyang paningin ay bahagyang umiikot at nanlalabo. Ubos na rin ang mga palaso niya at tanging sa espada nya na lamang na puno na ng gasgas siya aasa.
Itinaas ni Hadiyaah ang kanyang sandata at itinutok sa kalaban na may hawak – hawak kay Erapel.
“Bitawan mo siya,” ani ni Hadiyaah dito at pilit na idinidiretso ang pumapaling na direksyon ng espada.
Ngumiti namang kalaban niya sa kanya.
“Masusunod,” sabi nito at mabilis na hiniwa ang leeg ni Erapel saka nito binitawan ang katawan ng dalaga.
Dahan – dahang napaluhod si Erapel sa lupa habang patulooy ang pagpusisit ng dugo nito na nagmula sa malaking hiwa sa kanyang leeg. Nanlabo ang mga mata nito at tuluyang bumagsak sa maalikabok na lupa ang katawan.
Saglitan pang naramdaman ni Erapel ang malamig na lupa pati na ang malapot na dugong kumalat sa paligid niya hanggang sa tuluyan itong nilagutan ng hininga.
Napaatras si Algo sa kanyang nakita. Patay na ang kanilang punong manggamot.
Nanlaki naman ang mga mata ni Hadiyaah at hindi na makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Namanhid siya noong mga oras na iyon.
Habnag si Algo naman ay ipinagtanggol siya sa mga dumarating na kalaban.
Mahigpit na hinawakan ni Hadiyaah ang kanyang espada at binatawan ito sa lupa. Tanggap na niya ang kanilang pagkatalo. Balewala na kung mabubuhay pa siya dahil pinagsakluban siya ng langit at lupa sa kanyang iniibig. Sa ilang segundo lamang ay napuno siya ng galit sa kanyang puso at agad na pinulot ang kanyang sandata at nakaisip ng paghihiganti.
“Walang matitirang buhay sa mga nasasakupan mo, prinsesa,” madiin na sabi ni Hadiyaah at tumakbo patungo kay Algo. Sinaksak niya ito na ikinagulat ng lalaki.
“Hadiyaah,” tawag nito sa kanya. “B-bakit?”
Hindi na narinig ni Algo ang sagot ni Hadiyaah dahil pinutulan na siya ng babae ng ulo.
Nagulat naman ang mga kalaban nila sa ginawa niya ngunit sunod sunod pa rin siya nitong sinugod. Iwinaswas niya ang kanyang sandata at sunod sunod na hiniwa ang mga ito sa leeg at itinarak ang kanyang sandata sa kanilang mga ulo.
Pagod ang katawan ni Hadiyaah na lumapit sa katawan ni Erapel. Itinihaya niya ito paharap sa kanya gamit ang isang paa. Puno ng dugo ang dalaga at wala na itong buhay.
Madalas na itong babae ang pinagseselosan niya dahil sobrang lapit nito sa kanyang minamahal na si Valsen at alam niya rin na ito ang isa sa pinakamamahal ni Valsen na babae bukod sa kanya pagka’t magkaibigan sila ngunit hindi niya alam kung kaibigan lang ba ang turing ng babaeng ito sa kanyang minamahal.
Itinaas niya ang kanyang sandata at mabilis ito na itinarak sa dibdib ni Erapel kung nasaan ang puso nito. Hindi pa siya nakuntento doon at sunod sunod niya itong sinaksak. Galit nag alit siya kay Valsen ng mga panahong iyon.
Tumayo siya upang patayin pa ang iba niyang mga kasama at mga tao roon na nasasakupan ng kanilang kaharian. Wala na siyang nararamdaman ngayon kundi galit at paghihiganti. Hindi siya makapapayag na magiging masaya ang prinsesa at si Valsen pagkatapos ng labang ito. Sisiguraduhin niyang tutulo ang luha sa kanilang mga mata.
Walang awa niyang pinagpapatay ang mga kasama nila hanggang sa tuluyan na itong mauubos. Sa huli ay tinamaan siya ng sandata ng heneral sa dibdib.
Tumulo ang kanyang dugo mula sa bibig. Mas lalong sumikip ang kanyang paghinga.
“Salamat sa pagtulong mo,” ani ng kalaban sa kanya. “Ngunit hindi na kita kailangan pa.”
Hinugot nito ang sandata sa kanyang dibdib at iniwan siya noong bumagsak siya sa lupa.
Nakita niya ang maliwanag ng kalangitan. Tumulo ang kanyang mga luha na kanina ay umuurong.
Binitawan niya ang sandatang puno ng dugo. Wala siyang pagsisisi sa kanyang mga nagawa ngayon. Kung aabot nga lang siya sa prinsesa ngayon ay pilit niya itong pupuntahan rin upang patayin.
Hindi niya kailanman matatatanggap ang nagawang pagtratraydor sa kaniya ni Valsen. Hindi kailanman! Tuluyan na siyang nilisanan ng hininga at namatay siyang dilat ang mga matang puno ng luha.
Napahawak si Hadiyaah sa kanyang mukha. Hingal na hingal siyang nakabalik sa kaniyang reyalid. Napatingin siya sa babaeng umiinom ngayon ng alak at nakatingin sa kanya habang nakangiti.
Bigla niyang naalala si Erapel. Hindi niya maalala ang babaeng ito noong maging royal siya at tanging si Valsen lamang ang malinaw ang mukha sa kanya ngunit ngayon sa pagbabalik niya sa nakraan ay naalala niya muli ang mukha ng dalaga.
Napatigil siya noong maalala niya ang laban sa may portal. Nagawi ang tingin niya sa isang babaeng na sa likuran. Hawig nito si Erapel ngunit hindi niya na maalala pa ng maayos.
Hindi niya masyadong binigyan pansin ang babaeng ito dahil masyadong nakatuon ang atensyon niya kay Valsen.
Napadiin ang hawak niya sa kanyang ulo habang pilit na inaalala ang mukha ng babaeng iyon.
Tinignan naman siya ni Anais habang nakangiti.
Matalim na tumingin si Hadiyaah sa babae at matapos ay tinalikuran niya ito. Alam niyang ito ang nag – paalala muli sa kanya ng nakaraan kaya muli itong nagising sa kanyang isipan.
Lilisanin na niya ang lugar upang bumalik sa kanyang trabaho habang nagpapanggap na isa sa mga tao.
Tama, sa mundo ng mga tao ay may kanya kanya silang mga trabaho kung saan ginagamit nila ito upang manlason ng mga isipan at mambiktima ng mga nilalang.
Lumapit naman ang isang demonyo kay Anais at bulong dito. Mas lalong napangiti si Anais noong marinig ang pangalan ni Alejandra.
“Alejandra,” ani ni Anais at nagkaroon ng kaonting disappointment ang babae. “Naroon si Alejandra ngunit hindi niya nahuli ang kahit isa man lang sa mga demonyong iyon?”
Natatawa pa ang demonyo habang sinasabi ang mga bagay na iyon.
“Mukhang humihina na ang anghel,” ani ni Anais. “Sabagay, sino ba ang hindi? Kung natanggalan siya ng sariling mga pakpak. Ngunit magandang balita sa akin ang bagay na ito dahil mapapadali ang aking trabaho.”
Tumayo siya sa pagkakaupo. Sa isang iglap ay nagbago ang kanyang kasuotan. Naging pormal na bestida na hanggang tuhod lamang. Nagbalat kayo siyang isang tao. Ang kanyang mga pamaypay ay naging normal na rin.
“Ihanda mo ang sasakyan,” ani ni Anais. “May pagpupulong pa ako mamaya sa publiko.”
“Oh my god!” sigaw ng isang babae habang tumitili tili. Hawak – hawak niya ang isang album ng iniidolo niyang artista.
Ngumiti naman sa kanya ang isang babae na singkit ang mga mata at maliit ang mukha saka ang pulang pulang labi. Pino ang kutis nito at maganda ang pangangatawan.
Ngumiti ang babaeng ito sa kanyang fan at tumingin sa guwardiya na nakabantay sa pinto. Sinenyasan niya ito at tumango naman ang guwardiya saka nilock ang pinto.
Tumayo ang babae sa kanyang upuan at lumapit sa kanyang fan. Nilapit niya ang mukha dito na ang pagitan lamang ay kaonting sentimetro.
“A-aah,” medyo naawkwardan ang babaeng fan sa ginawa ng kanyang iniidolo ngunit ipit na napatawa ito. “Straight po ako.”
“Shhh,” pigil ng artista sa sinasabi nito at binuka ang bibig saka mas lalo pang inilapit ang mukha dito.
Nagugulahan ang babae sa ginagawa ng kaharap niya ngayon ngunit biglang nayanig ang kanyang pagkatao at hindi siya makagalaw. Ang kaluluwa niya ay parang hinihigop palabas.
May putting usok na lumalabas sa bibig ng babae. Nabitawan niya pa ang hawak hawak na album para sana humingi ng sign sa kanyang iniidolong artista.
Nanlalaki ang mga mata naman ng artista habang hinihigop ang puting usok sa loob ng babaeng hawak hawak.
Unti unting nanlalim ang mga mata ng kanyang fan at nangayayat na tila nawala ang lahat ng laman sa katawan.
Noong wala ng usok na lumalabas dito ay binagsak niya ang katawan sa sahig at kinalmot ang mukha ng babae saka tumingin sa salamin sa kanyang dressing room. Hinawak hawakan niya ang kanyang mukha at pakiramdam niya ay mas lalong gumaganda ang kanyang kutis habang pinapahid ang dugong sumama sa kanyang mahahabng kuko noong kalmutin niya ang babae.
“Wala na ba?” tanong niya sa guwardiyang nakabantay sa may pinto.
“Wala na,” sagot naman ng kanyang guwardiya.
“Sige na,” ani nito sa kanyang guwardiya. “Itapon mo na ang mga bangkay na iyan. Wala na silang kwenta sa akin.”
Tumungo naman ang guwardiya sa malaking cabinet na nasa may gilid at binuksan ito. Mula roon ay bumagsak pa ang siyam na mga katawan ng mga kababaihan na wala na ring buhay.
Kinuha ng guwardiya ang isang malaking itim na bag at isinilid dito ang mga bangkay ng mga babae.
“Ikaw na ang bahala sa mga iyan,” ani ng babae at naglagay ng lipstick sa kanyang bibig. “May concert pa ako mamaya at kailangan mukha akong batang bata. Dapat ay hindi rin ako gutom para hindi masira ang concert ko kaya kung meron pang magpapapicture o magpapapirma sa may album ko ay dalhin mo agad dito. Intiendes?”
“Masusunod,” ani naman ng guard at sinimulang hatakin palabas ang malaking itim na bag. Kasabay naman noon ang pagpasok ng kanyang manager.
Napatingin naman siya sa bag at nanlaki ang mga mata. Agad niyang iniwas ang kanyang tingin noong makitang masama ang tingin sa kanyan ng guwardiya ng kanyang ahwak na artista.
Naabutan niyang nag – aayos ang artista.
“B-baka naman mahalata na tayo sa dami niya,” nauutal na sabi ng manager sa artista.
Malakas naman na binagsak ng artista ang hawak na lipstick sa lamesa at tumingin sa kanyang manager. Mas lumakas pa ang t***k ng puso ng lalaking manager sa kaba na baka kung anong gawin sa kanya ng babaeng kaharap.
“Pwede huwag kang makielam?” mataray na sabi ng babae sa manager niya. “Ang trabaho mo ay hanapan ako ng mga project at pasikatin ako sa harap ng maraming tao. Kahit isang daan pa yang mga fan ko na mamatay ay wala kang pakielam. Pasalamat ka nga at lalaki ka dahil kung hindi ay matagal ka na ring nakasinop sa itim na bag.”
Napaatras naman ang lalaki sa sinabi nito. Sa ganda ng kanyang hawak hawak na artista ay siya namang ikinademonyo nito sa loob. Napakapangit at nakakasulasok. Kaya lang naman niya kinuha ito dahil napakaganda na ito at kamukha si Adalene Miller na sikat na sikat dati. Akala niya niya ay nakajackpot siya noong makuha niya ito ngunit isang sumpa pala sa kanya ang pagkuha sa babae.
Tumingin sa kanya si Ada. Ang stage name na ginagamit nito.
“Maganda ako hindi ba?” tanong ni Ada sa kanyang manager at ngumiti dito.
Agad naman na tumango tango ang manager sa babae ng hindi na nag – iisip pa.
“S-sobrang ganda,” ani nito habang patuloy pa rin sa pagtango. “Napakaganda.”
Sumilay naman ang malaking ngiti sa mukha ng babae na mas ikinatakot ng kanyang manager. ANg tingin niya sa babaeng kaharap niya ay isang baliw na mamamatay tao. Hindi niya alam kung anong klaseng nilalang ito. Sinubukan niya na rin lasunin at patayin ang babaeng ito ngunit siya ang muntik ng mamatay. Sinubukan niyang takasan ito ngunit natatakot siya nab aka habulin siya nito at siya ang isunod.
“Ah,” ani ni Ada. “May nakita akong bagong recruit ng kompanya. Ang ganda ng kutis niya. Dalhin mo siya sa akin.”
“S-sino?” tanong ng manager na ito.
“Huwag ka ng mag – maang maangan pa at dalhin mo na lang siya sa akin,” ani ni Ada dito. “Hindi pwedeng may mas maganda pa sa akin dito. Dapat ako lang! Intiendes?”
Tumango tango naman ang manager at hindi maksagot. Takot na takot ito.
Inilapag ni Helena ang isang kumpol ng litrato sa lamesa kung nasaan si Cassiel. Kinuha naman ni Cassiel ang mga litratong ito at pinagmasdan.
“Sino ang babaeng ito?” tanong ni Cassiel kay Helena.
“Si Ada,” ani ni Helena sa kanya. “Siya ang magiging misyon mo ngayon. Isa siyang sikat na artista. Maraming nababaliw sa kanyang boses at ganda ngunit may mga bali – balitang maraming nawawalng fan nito matapos pumunta sa kanyang lugar upang magpapirma at kumuha ng litrato. Natagpuan rin nila Attius ang maraming bangkay na nakalibing sa tapunan ng mga absura hindi kalayuan sa kompanya ni Ada. Wala namang kakaiba dito ngunit wala ang kanilang mga kaluluwa at sira ang kanilang mga mukha. Hindi dumaan sa grupo nila Atius ang kanilang mga kaluluwa.”
“Ngunit paano niyo naman nasigurong si Ada nga ang may pakana ng mga kaguluhang ito?” tanong ni Cassiel sa kanya. “Maaring ginagamit lang nila si Ada ngunit ang kompanya nila ang tunay na may sala.”
“May kasamang cd ang mga litrato, pakinggan mo ito at pagkatapos mo pakinggan ay patugtugin mo ng pabaliktad,” ani ni Helena sa kanya. “Isa pa ay ilang taon na si Ada sa industriya ngunit hindi tumatanda ang kanyang mukha. May mga historya rin ng ibang artista na kamukha ni Ada ang palipat lipat lamang ng kompanya ngunit iisa lang ang mukha. Usap usapan na rin ito sa internet at akala ng mga tao ay kakaibang panggyayari lamang ito ngunit nagkakamali sila pagka’t nililinang lamang sila ng babaeng ito. Sa tingin ko rin ay hindi pangkaraniwan si Ada. Maaring miyembro rin siya ng royal base sa kanyang mga diskarte at galaw kaya mag – iingat ka.”
Tumango naman si Cassiel kay Helena. “Sige, ako na ang bahala dito.”
Inilagay ni Cassiel ang cd sa panugtugan at pinatugtog ito. Kung papakinggan ay isa lamang ito normal na kanta ngunit noong pinatugtog niya pabalik ay doon na niya napagtanto ang ipinupunto ni Helena.
Puno ito ng mura at pagsamba sa mga demonyo. Nag uutos rin ito na gumawa ng mga kasalanan na labag sa utos ng diyos.
Nakakapanindig balahibo ang tunay na nilalaman ng kanta. Napailing si Cassiel. Napakadaming nauto ng Ada na ito na mga tao. Hinagilap niya sa internet ang Ada na tinutukoy ni Helena at bilyong tao ang may gusto dito. Hindi siya makapaniwala na napakadami na nitong tagasunod. Halos sambahin na rin si Ada sa mga kumentong nababasa niya.