Third Person POV Mag iisang oras ng lumilipad Glyph ngunit tila ata walang katapusan ang disyertong nakikita ng grupo. ‘Ibaba mo na lang kami rito’ saad ni Dark sa purple gryffin. “Sandali hindi pa tayo nakakatagpo ng ligtas na matutuluyan” pagtataka ni Crey ng makitang muling bumalik si Glyph sa beast dimension. Tumingin ang binata kay Dark at pansin nito ang pawis ng binata. “Naubusan ka na ba ng enerhiya?” “Hindi. Ngunit malaki ang nakonsumo ko ng magpapalit palit ako ng mythical beast, kailangan kong ireserba ang lakas ko para sa oras na may makalaban tayong kakaibang nilalang ay mayroon akong lakas upang makipaglaban” seryosong wika ni Dark habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo. Luminga-linga si Dark sa paligid, tanging buhangin at sira sirang mga kabahayan na nakikita ng