Third Person POV “Sino kaya ang susunod na magtuturo sa atin?” tanong ni Crey habang nakasalampak sa upuan. “Kahit sino, basta marami tayong matututunan” sagot ni Jermaine sa binata. “Hindi naman sa nagrereklamo ako pero hanggang ngayon ay masakit pa rin ang likuran ko. Napasobra ata sa ginawa natin kanina” muli nitong saad at hinimas himas ang kanyang sariling braso. “Kulang pa nga iyon” simpleng wika ni Zaker sa binata, napa awang ang bibig ni Crey dahil sa narinig. “Tama” pag sang ayon naman ni Dark. Hindi makapaniwala si Crey sa dalawa. “Grabe kayo! Manhid ba kayong dalawa at hindi makaramdam ng pagod at sakit ng katawan. Ahhhh! Kung iisipin ko pa lang na muli tayong mageensayo bukas ay muli ko na namang nararamdaman ang sakit sa aking katawan” reklamo ni Crey sa mga kasama. “Hi