Third Person POV Kinagabihan sa hardin ng kaharian, ipinikit ni Dark ang kanyang mga mata habang hawak ang espada sa kanyang kanang kamay. Huminga ng malalim ang binata at inumpisahang alalahanin ang kilos ni Sage kanina noong naglaban sila, isang imahe ng prinsipe ang nasa isipan ni Dark. Mabilis na umatras ang imahe ni Sage at mabilis na sinundan ito ni Dark, ngunit kumunot ang noo ng binata ng mapansing kahit anong bilis niya ay hindi niya masundan ang imahe. Iminulat ng binata ang kanyang mata at muling bumuntong hininga, pumukit ulit si Dark at muli na namang lumitaw ang imahe ng prinsipe sa kanyang pagpikit. Mabilis na inatake ni Dark ang imahe ng prinsipe gamit ang patusok na atake, mabilis na nakailag ang imahe at umatake ito gamit ng patusok na atake patungo sa tiyan ni Dark, mab