bc

MY HUSBAND INAMORATA

book_age18+
76
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
pregnant
arranged marriage
drama
bxg
realistic earth
betrayal
affair
wife
seductive
like
intro-logo
Blurb

Samara had a miscarriage in an unexpected accident. Jamie blamed everything on her. My husband could not accept what had happened. He thought that I meant everything to get revenge on my husband.

Samara didn’t like Jaime when they married, but her husband was determined to love her. Instead of reciprocating Jaime’s love, I ignored his love. I didn’t value Jamie’s heart’s desire.

I became complacent that I was the only one he would love.

Until he met someone else.

He met Angela. MY HUSBAND INAMORATA.

To Angela, he felt the love I had never given. I did nothing when he left me and preferred Angela. My husband left me. Every time our eyes meet there is no more love but the hatred that I see. I wanted to get Jaime back from Angela but my husband was already pushing me away. He wanted to forget me and start with the woman he loved.

How long will I fight for my love if Jaime is the one who doesn’t want to? Should I just let him go? Or I will still fight even if the hope that we will still get back together is vague?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
“YES?” tanong ni Samara sa kanyang secretary. Simula nang maghiwalay sila ng asawang si Jaime ay nagtrabaho na siya sa kumpanya ng kanyang ama bilang isang Chief Operating Officer. The Trinidad Agency Corporation. Kilala ang kumpanya nila sa buong mundo dahil sa mga sikat nilang advertisement. Walang mangyayari kung magmumukmok siya sa kanilang bahay. “Ma’am Samara nasa kabilang linya po si Ms. Angela and she wants to talk to you,” wika ng kanyang secretary. Umangat ang kilay niya sa sinabi ng secretary. The inamorata. Sa loob-loob niya. Si Angela Consuelo lang naman ang kabit ng kanyang asawa. Ang babaeng sumira sa kanyang buhay. Ang babaeng naging dahilan kung bakit tuluyan siyang iniwan ng asawa. “Sabihin mo busy ako,” inis niyang sagot. Wala siyang panahon pakipag-usap sa malalanding katulad nito. “Eh ma’am nakailang ulit na siyang tumawag. Hindi daw siya titigil hanggat hindi ka niya makausap,” nakangiwing wika sa kanya ng kanyang secretary. Maging ang buhay nito ay ginugulo ng babaeng ‘yon. Tumango siya bilang pagsuko. Nakataas pa rin ang kilay niya na inabot niya ang telepono. “Akala ko magtatago ka na lang diyan sa opisina mo?” agad na turan sa kanya ni Angela sa kabilang linya kung kaya uminit ang bumbunan niya. Gustong-gusto niya itong tirisin sa galit pero tulad ng dati ay natuto siyang magtimpi. May oras din ito sa kanya. Hindi sa lahat ng panahon ay mapagbibigyan niya ito. “Ayoko lang naman masayang ang laway sa taong hindi naman dapat pinag-aaksayahan ng oras,” mataray niyang sagot sa kabilang linya. “Sana ‘wag mong gawing personalan ang trabaho natin. Sa pagkakalam ko ay wala namang dahilan para tanggihan ako ng kumpanya ninyo bilang isang model. I’m one of the in demand model. Not only in the Philippines but in the whole world,” pagbibida pa nito sa kanya kaya napangiwi siya. “Ows? Bakit? Alam ba nila kung anong klaseng model ka? Mahiya ka naman magtrabaho sa kumpanya ng asawa na kinakasama mo ngayon. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? That it’s okay with me na makatrabaho ka? Ang makatrabaho ang kabit ng asawa ko?” pauyam na sagot niya pero makahulugan. Gusto niyang manggagalaiti ito sa galit sa kanya. “Bakit ba kasi hindi mo matanggap na ayaw na sa’yo ng asawa mo? Look at yourself Samara? Napagmasdan mo na ba ang sarili mo salamin? Did you try to ask yourself kung bakit ka iniwan ni Jaime? You know what, your pathetic. Ikaw ang nagtulak sa asawa mo kung bakit ka niya iniwan,” Kung kaharap nga lang ni Samara ang babae ay baka nakalbo niya na ito. Sino ba ito para sabihin sa kanya ang mga salitang ‘yon? Alam ba nito kung ano ang pinagdaanan nila? Wala itong alam. Kung ganda lang naman ang labanan, alam niyang kaya niyang lumaban ng patas. “You know what Angela? Ikaw ang nakakaawa. Nagtiyaga ka lang naman ay sa tinira ko pa. Kahit ano pa ang sabihin mo ay kabit ka pa rin. Hindi ko alam kung anong pang-aakit ang ginawa mo sa asawa ko, pero isa lang ang masasabi ko sayo. I’m still the wife at hindi mo mababago ang katotohanan na ‘yon,” galit niyang sagot sa babaeng kausap. Hindi na hinayaan ni Samara na sumagot sa kabilang linya si Angela. Agad niya itong binabaan ng telepono. “The hell with that woman!” Naiinis niyang wika sa sarili. Kung bakit ba kasi nakipag-usap siya dito. Siya pa rin ang masusunod sa modelong kukunin nila. Unang-una kanila ang kumpanya. Oo nga at sikat ngayon si Angela pero wala siyang pakialam. Kahit mukha nito ay ayaw niyang makita na nakaharang sa kanyang daraanan at baka hindi niya ito matantiya. Tiningnan niya ang screen ng cellphone. Wedding picture nila ni Jaime ang nasa wallpaper niya. Miss na miss niya na ang asawa. Gusto niya na itong makita at makayakap pero paano? Siya ang umalis sa bahay nila. Siya ang nang-iwan dito. Ilang linggo na simula nang mag-away sila ni Jaime. Simula nang makunan siya ay hindi na siya kinikibo ng asawa. Nawala na ang pagiging sweet nito sa kanya. Maging ang kausapin siya ay hindi nito magawa. Alam niyang iniiwasan siya ng asawa. Hindi niya naman magawang lumapit dito dahil nahihiya siya. Arranged marriage lamang ang nangyari sa kanila. Pinagkasundo sila ng mga pamilya nila. Bata pa lang ay alam niya nang si Jamie ang magiging asawa niya. Ayaw niya ang ideyang iyon pero ewan niya ba at naisip iyon ng mga magulang nila lalo pa at matalik na magkaibigan ang mga ito. Noon pa man ay pinapakitaan niya na ng pagkadisgusto si Jaime. Gusto niyang ito mismo ang ‘wag sumunod sa mga magulang nila pero hindi iyon nangyari. Hindi man lang niya nakitaan nang pagtutol ang mga mata ni Jaime nang ikinasal sila. Mukha pa ngang masaya ang lalaki. Akala niya magiging miserable ang buhay may asawa niya lalo pa at hindi niya naman mahal ang lalaki. Akala niya lang pala. Simula pa lang pala ay mahal niya na ang nakatakdang asawa. Si Jaime pala ang dahilan kung bakit iningatan niya ang p********e. Gusto niyang ialay ito sa lalaki. Sa isang taon na pagsasama nila ay puro pagmamahal ang pinapakita sa kanya ng Jaime. Pagmamahal na kung minsan ay hindi niya masuklian. Madalas pa nga yatang ipakita niya sa lalaki na kinamumuhian niya ito. Naalala niya ang nakaraan nila bilang mag-asawa. “Bakit?” hindi mapigilang tanong sa kanya ng asawa. Kanina pa kasi siya hindi mapakali. Nasa sala sila ng mga oras na iyon. Panay ang palakad-lakad niya sa harapan ng asawa. Hindi siya mapakali Hindi niya pinansin si Jaime at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. “Sweetheart?” muling tawag sa kanya ni Jaime. Lihim na kinikilig si Samara sa tuwing naririnig niya ang tawag sa kanya nito. Sinulyapan niya si Jaime. Kagat ang pang-ibabang labi. Napilitan siyang lapitan ni Jaime at hinapit siya sa bewang. “What’s wrong? You look tense?” usisa pa ng asawa. Kinantilan siya nito ng halik sa labi. “Kagigising mo lang ay ganyan ka’na,” dagdag pa ni Jaime. Mula sa bulsa ay may dinakot siya. Nakabalot iyon sa tissue na inabot niya sa asawa. Kunot- noo itong napatingin sa hawak. “O-pen it,” nauutal na wika niya. Hindi siya makatingin ng deretso sa asawa. Kinakabahan din siya. “Buntis ka?” bulalas ni Jaime sa kanya. Ang saya sa mukha nito ay ganoon na lamang. Tango lang ang sinagot niya. Nabigla pa siya ng biglang siyang yakapin ni Jaime at pinugpog ng halik sa mukha. “Pinasaya mo ako sweetheart,” naiiyak na wika ni Jaime sa kanya. “Thank you so much,” dagdag pa nito. Maging siya ay tuwang-tuwa na magkakanak na siya kay Jaime. Mahal na mahal niya na rin ang asawa pero nahihiya siyang ipakita iyon. Kasal lamang sila dahil iyon ang gusto ng mga magulang nila. Mawawala sa kanilang dalawa ang kumpanyang itinaguyod ng pamilya nila kapag hindi sila nagkaanak. Iyon ang kasunduan ng mga magulang nila. Tanging ang anak lamang nila ang magmamana sa lahat. “Pumunta na rin ako sa Ob-gyne ko at sinabi niya nga na I’m two months pregnant,” masaya niyang pagbabalita. “Bakit hindi mo sinabi? Kaya pala palaging miinit ang ulo mo sa akin,” natatawang wika ni Jaime. Hinila nito ang kamay niya at umupo ito sa sofa. Kinandung siya ng asawa at niyakap nang mahigpit. Nahiling ni Samara na sana ganito na lang palagi. Kahit hindi sabihin ni Jaime na mahal siya nito ay nararamdaman niyang mahal na mahal siya ng asawa. Nararamdaman niya iyon lalo pa at kung tratuhin siya nito ay isang mamahalin crystal. “Hindi pa naman ako sigurado kaya hindi ko na muna sinabi sa’yo. Kahapon ko lang na-confirm. Isa pa hindi ko rin naman alam kung matutuwa ka,” sagot niya. “At bakit hindi? Hindi ba ako ang ama ng batang ‘yan? Bakit hindi ako matutuwa?” tanong sa kanya ng asawa kaya kinurot niya ito sa inis. “Puro ka kalokohan,” naiinis niyang wika. “Thank you for everything Samara. Kayo ng magiging anak natin ang pinakaimportante sa akin ngayon,” sagot sa kanya ni Jaime. Humarap siya sa asawa. Nakipagtitigan siya sa mga mata nito. Gusto niyang sabihin nito ang mga katagang matagal niya nang hinihintay. Gusto niyang sabihin ni Jaime na mahal siya nito. Iba pa rin ang marinig mo na mahal ka ng asawa mo. Action is not enough. “Masaya ka ba sa akin?” tanong sa kanya ni Jaime. Hindi niya iyon inaasahan. Gusto niyang umiwas dito ng tingin. Napakadali lang sana sagutin ng mga tanong nito pero ayaw niya. Ayaw niyang masaktan at baka sabihin nito na napilitan lang itong pakasalan siya dahil iyon ang gusto ng mga magulang nila. Natatakot siya na baka mawala na ang atensyon sa kanya ni Jaime kapag may anak na sila. Ang anak kasi nila ang magiging sagot para maging tagapagmana sa lahat ng ari-arian ng mga pamilya nila. “Ama ka ng magiging anak ko kaya syempre masaya ako,” sagot niyang malungkot ang tinig. “Mahal kita sweetheart. I don’t know what life is without you,” wika pa ni Jaime na ikinagulat niya. Sa wakas ay narinig niya na ang mga katagang ‘yon. Matagal niyang hinintay na sabihin ng lalaki ang mga katagang iyon. Hindi niya mapigilang umiyak sa harapan ng asawa. Ano pa ba ng kinahihiya niya sa asawa para hindi rin ipagtapat ang kanyang nadarama? Mahal siya nito at mahal din niya ito. Sa unang pagkakataon ay siniil niya ng halik ang asawa. Alam niyang nabigla si Jaime sa kanyang ginawa. Simula kasi ng maging mag-asawa sila ay ito ang palaging naglalambing at humahalik sa kanya. Bagaman at nabigla ay gumanti ito ng halik sa kanya. “Sweetheart, ang aga pa,” bulong sa kanya ni Jaime. Napangiti siya kahit na hinahalikan pa rin siya nito. “Ayaw mo?” ungol niyang tanong. “Sinong may-sabi?” Natatawang wika ni Jaime sa kanya. “Kung gusto mo ituloy na natin ito sa kwarto,” hamon sa kanya ng asawa. Namula ang mukha niya dahil sa sinabi nito. “Nahihiya ka pa ba sa akin?” tanong sa kanya ni Jaime nang hindi siya umimik. Muli ay tinitigan siya nito. Hinaplos ang kanyang mukha. Hindi siya tumanggi nang dalhin siya ni Jaime sa kanilang silid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
88.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook