bc

Sing Me A Lovellaby

book_age12+
27
FOLLOW
1K
READ
instrumentalist
drama
tragedy
sweet
bxg
campus
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

"So, do we have a deal? Remember you can’t say no to me, because I am Jansel Rowie Rodriguez, your supreme student council president. And starting tonight, I’ll be your fan, your number one fan. Then after that you’re mine, Ashleen Kendra Legazpi.”

Ashleen Kendra Legazpi is one of the most popular and richest girl in Perriworth University. Everyone believed she has everything life could offer that's why boys admire and loves her, while at same time girls envy and hates her. But she never mind the attention she got from everyone, because despite her popularity, she remained funny, kind, sweet and down to earth.

Until one day, she just found herself being caught up by the elusive Jansel Rowie Rodriguez, the highest governing student of Perriworth University, who confessed his admiration towards her in front of everyone.

Would she be able to face the most admirable, respectable and mighty student of their university and treat him as one of her fan? Will his admiration towards her change into hate if he found out her darkest secret? And will her first fall of love turn into a fairytale or a nightmare?

chap-preview
Free preview
Episode 1
"AS THE world gets smaller for the both of us, Two different stories start to collide. As our paths cross at the middle of this fairytale, A strong emotion grows deep inside." Matapos niyang isulat ang mga salitang iyon sa poetry notebook niya ay nakangiting isinilid niya iyon sa bag niya at dinampot ang bagong PhaseOne XF IQ3 Digital Back camera niya na nakalagay sa malaking cabinet na naglalaman ng collection niya ng mga camera. Her grandfather bought it for her two days ago. Alam naman kasi ng lolo niya kung gaano niya kamahal ang photography kaya naman kapag may bagong labas na camera ay binibilhan siya nito.   “Let’s see what you can do baby.” Nakangiting hinalikan niya iyon at excited na lumabas ng kanyang kwarto upang pumasok sa unibersidad kung saan siya nag-aaral, ang Perriworth University. “Good morning Granpa!” masayang bati niya sa abuelo niyang si Don Alberto nang maabutan niya itong umiinom ng kape sa sala habang nagbabasa ng newspaper.   “Good morning sweetheart.” Napangiti ito nang makitang nakasabit sa leeg niya ang bagong camera na ibinigay nito. “So, you’re going to try it now?”   Tumango siya at masayang yumakap dito. “Thank you so much Lolo. I promise, I will take care and love Phoenix the way I love you.”   “Phoenix?” Kunot ang noong bumitaw ito sa pagkakayakap niya. “Sinong Phoenix? Manliligaw mo? Boyfriend mo? Bakit ngayon mo lang sinabi sakin? Ipakilala mo sakin kung sino iyang Phoenix na iyan at nang mabalatan ko. Naku, ikaw talagang bata ka! Ke bata-bata mo pa! Kaya nga binibilhan kita ng camera para hindi ka muna magboyfriend eh!”   “Luh! Grabe ka Lolo! Itong camera ang tinutukoy kong Phoenix.” Napabunghalit siya ng tawa. “Ang strict mo naman! Nineteen years old na ako noh! Hindi na ako bata kaya pwede na akong magboyfriend.” Ngumuso siya rito.   “Ay hindi pwede! Iyang camera na muna ang jowain mo.”   “Ay ganon?” Napatingin siya sa hawak na camera at pagkatapos ay ngumiti ng matamis. “Ikaw na raw muna ang boyfriend ko, I love you Phoenix.” Ngumuso siya at akmang hahalikan iyon nang marahan siyang binatukan ng lolo niya.   “Siraulo kang bata ka. Hindi iyan sasagot!”   “Lolo naman eh! Ang g**o niyo kausap!” maktol niya. “Ang sabi niyo jowain ko itong camera ko. Ano ba talaga?”   “Hindi ko sinabing kausapin at halikan mo iyan.” Napailing-iling ito.                                                                                                                       Napanguso siya. “E di ba ganon naman talaga ang ginagawa ng mag-jowa? Naga-I love you tsaka nag..” Napahinto siya nang sinamaan siya nito ng tingin. “Ahehehe.. Joke lang naman Lolo. Ikaw naman hindi na mabiro.”   “Ang mabuti pa, pumasok ka na, baka mahighblood pa ako sa mga kalokohan mo.” Pagtataboy nito at nailing na pinagtutunan ng pansin ang hawak na diyaryo.   Natatawang tumayo na siya at tinungo ang pinto. Ilang sandali pa’y tumigil siya sa tapat ng pinto at matamis ang ngiting nilingon ang abuelo.   “Lolo, may suggestion ako.”   “Ano na naman?”   “Sa susunod na bilhan mo ako ng camera, dapat yung nagsasalita na ha? Para hindi na one sided ang love story ko at nang may sumagot na sa I love you ko.”   “Ashleen Kendra!”   “Bwahahaha! Joke lang Lolo! Bye! I love you!” tumatawang kumaripas na siya ng takbo nang makitang akmang babatuhin siya nito ng tsinelas nito.   Sumakay na siya sa kotseng nakaabang sa kanya kung saan ay nakasakay ang driver at bodyguard niya na inutusan ng lolo niyang protektahan siya.   Yes, believe it or not, sa edad niyang iyon ay mayroon siyang bodyguard na nakasunod sa kanya kahit saan man siya magpunta. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit natatakot ang mga lalaking lapitan at ligawan siya. Kaya hanggang tingin na lang sa kanya ang mga lalaki. Hindi man sabihin ng lolo niya ay alam niyang ginagawa nito iyon upang protektahan siya at naiintindihan niya iyon. Siya na lang kasi ang natitirang pamilya nito. And she will do everything huwag lang silang magkahiwalay ng Lolo niya.   Seven years ago, she and her parents were ambushed. Someone shot her dad while he was driving, at dahil doon ay nawalan ito ng control sa manibela at sumalpok ang kotse ng parents niya sa isang rumaragasang truck. Her mom embraced her to protect and save her. Nakaligtas siya sa trahedyang iyon, but her parents didn’t made it. Starting that day, her grandfather took care of her. Ito na ang tumayong mama at papa niya simula noon.   Seven years had passed, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nasosolve ang kaso sa pagkamatay ng parents niya. Wala pa rin silang idea kung sino ang may gawa ng krimeng iyon. Kahit na naghire na sila ng magagaling na imbestigador ay wala pa rin silang napala. And because they’re clueless, they both just decided to protect each other.   Kahit na naging malungkot ang buhay niya dahil sa pinagdaanan niya at dahil sa pagkawala ng parents niya ay nanatili pa rin siyang matatag at masayahing tao. It’s because she doesn’t want to waste her time with life’s negativity. Minsan lang siyang mabubuhay sa mundo. So, she will never waste that chance to enjoy her life.  And she will never let sadness and negativity waste any minute or second of her life.   Habang lulan siya ng kotse nang mga oras na iyon ay masayang kinukuhanan niya ng larawan ang paligid sa labas ng kotse.   “Kuya Steve!” tawag niya sa bodyguard niya.   “Yes Miss Ashley?” seryoso at kunot ang noong nilingon siya nito.   Kasabay ng paglingon nito ay ang pagtunog ng camera niya. Mabilis itong nagtago sa headrest ng upuan but it was too late. Napabunghalit siya ng tawa nang makita ang mukha nito roon.   “Ang cute cute mo talaga Kuya Steve.”   Napailing-iling ito. “Kahit kailan, hindi ka nagsasawang pagtripan ako Miss Ashley.”   “Drop the formality Kuya. I already told you just call me Ashley when Lolo is not around.” She rolled her eyes. Her driver Patrick and her bodyguard Steve are like her big brothers. Ten years ang tanda ng mga ito sa kanya. Ngunit ganon pa man ay napalapit na ang mga ito sa kanya ng husto. Simula kasi noong bata siya ay ang mga ito na ang tumitingin at pumuprotekta sa kanya. That’s why they treat each other like siblings kapag silang tatlo na lang ang magkakasama.   “By the way, kayong dalawa,” nagtatakang humawak siya sa likod ng upuan ng mga ito at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga ito. “Gwapo at mabait naman kayong dalawa ah. Pero bakit wala pa kayong ipinapakilalang girlfriend sakin? Balak niyo bang tumandang binata?”   “Huwag kang mag-alala, sabay-sabay tayong tatandang single,” ani kuya Patrick.   “Luh! Grabe ka naman Kuya Patrick! Huwag mo nga akong isali diyan!” pinandilatan niya ito ng mata na ikinatawa naman nito.   “Eh sa totoo naman, bawal ka mag-boyfriend di ba?”   “Bata pa ako eh. Sa ngayon, bawal pa. Pero soon pwede na.” Ngumisi siya.   “Kailan naman iyang soon na iyan? Hello? Nineteen years old ka na kaya! Hindi ka na bata oy!” si Kuya Steve.   “Malay natin baka mamaya makikilala ko na yung prince charming ko di ba?” tila nangangarap na pinagsalikop niya ang mga palad.   “Ang tanong may makakalapit kaya?” nakangising tanong ni Kuya Patrick.   Napanguso siya sa sinabi nito. Paanong may makakalapit sa kanyang lalaki? Eh nakakaisang hakbang pa nga lang sila eh humaharang na ang dalawang kulokoy na ito. Sino ba naman ang hindi matatakot at kakabahan sa dalawang ito? Maliban sa matangkad ang mga ito ay matipuno ang pangangatawan ng mga ito na mukhang alaga sa gym dahil sa kakapractice ng martial arts.   “Kayo kasi eh! Tinatakot niyo sila!” paninisi niya na ikinatawa ng mga ito.   “Hindi namin sila tinatakot. We’re just doing our job to protect you Ashley.”   Napanguso siya. “But you’re over protective to the point na wala nang lumalapit sakin na lalaki. Kailan pa kaya ako magkakaboyfriend niyan? Kapag tanders na ako? Kapag kulubot na ang balat ko? My gosh! Sayang naman ang beauty ko!” maktol niya sa dalawa.   Natawa ang mga ito sa paghuhuramentado niya. “Iyon ang utos samin ng Lolo mo. No boyfriend and suitor allowed! So, we can’t do anything about it. We’re just doing our job.”   “Baka pwede namang pag-usapan natin ito ng maayos? You know, just a simple negotiation. Madali lang naman akong kausap eh.” Ngumiti siya ng matamis sa mga ito at tila nagpapacute na pinaglipat-lipat ang tingin sa mga ito. Agad namang nag-iwas ang mga ito ng tingin.   “Hintayin mo na lang ang instructions ng lolo mo kung kailan ka pwedeng mag-boyfriend. Huwag kami ang pestihin mo.”   “Eh matagal pa iyon eh!” maktol niya. “Ang totoo niyan, mukha ngang wala siyang balak na payagan akong magka-boyfriend eh.” Nakahalukipkip na napanguso siya.   “Don’t worry, may plano na ang lolo mo para sa future mo.”   Kumunot ang noo niya. “What do you mean? Anong plano niya sakin? Don’t tell me, he’s planning for an arranged marriage?!” Nanlalaki ang mga matang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga ito. Tila gustong magwelga ng kalooban niya sa ideyang iyon. “Omaygawd! Hindi ito pwedeng mangyari!”   “Hindi iyon.”   “Thank God! Mabuti naman kung ganoon.” Pakiramdam niya’y nakahinga siya ng maluwag sa narinig. “Kung ganon, eh ano? Anong plano niya sakin?”   “Plano ka lang naman niyang gawing old maid.”   “What the hell?!” Pakiramdam niya’y gusto niyang pasabugin ang office at company ng lolo niya sa sinabi ng dalawa. Siya? Tatandang dalaga? My gawd! Never niyang inimagine ang tungkol sa bagay na iyon. Gusto rin naman niyang magkaroon ng sariling pamilya ano! Pero siya gusto nitong maging old maid? Jusmio! Never!   “Don’t worry, sabay-sabay naman tayong tatandang single.”   “This is it! Road to single forever! Mabuhay tayong tatlo!” tila tuwang-tuwa pa ang dalawa sa ideyang magiging single ang mga ito.   “Tse! Quiet! I don’t want to be an old maid! Kaya huwag niyo akong idadamay riyan sa goal niyo! Pag-untugin ko mga muscles niyo eh!” nangagalaiting pinandilatan niya ang dalawa. Sabay na napabunghalit ng tawa ang mga ito. Napailing-iling na lang siya. Never niyang pinangarap na maging single habang-buhay kaya bahala na ang mga ito sa buhay ng mga ito.   Ilang sandali pa’y nakarating na sila sa Perriworth University. Matapos ipark ang kotse sa parking lot ay bumaba na siya. Agad namang sumunod ang dalawa sa kanya. Sabay-sabay nilang tinungo ang daan patungo sa building ng College of Liberal Arts. She’s taking Mass Communication and she’s now on her junior year.   Habang naglalakad siya nang mga oras na iyon ay nakaagapay lang sa likuran niya ang dalawa. At katulad ng nakasanayan na niya sa inaraw-araw ng buhay niya sa loob ng university ay muli na naman niyang nakuha ang atensiyon ng mga nadadaanan niya. Why? It’s because she’s rich and popular. Everyone believed she has everything life could offer that’s why boys admire her, while girls envy her. But she never mind the attention she got from everyone.   “Ashley!”   “Casey! Jo!” Napangiti siya nang makita niyang kumakaway sa kanya ang mga kaibigan. Nagsimula ang pagkakaibigan nila nang maging miyembro sila ng Perrirosez, their University’s Editorial Organization. Maliban kasi sa photography ay hilig din niya ang pagsulat ng mga poems. That’s why her works became a part of the Carmen Codex, their university’s Poetry Portfolio.   Nang makalapit ang mga ito ay binigyan niya ang mga ito ng isang yakap.   “Excuse muna namin itong magandang kaibigan namin mga kuya ha?” paalam ni Jo sa dalawang nasa likuran niya. Bago pa man makasagot ang mga ito ay hinatak na siya nito palayo. Kilala naman nina Kuya Steve ang dalawa kaya kahit papaano ay panatag ang loob ng mga ito sa mga kaibigan niya.   “Mamaya na ang acquaintance party ng Nursing Department. Ano? Tuloy ba tayo mamaya?”   Oo nga pala, ngayon lang niya naalala. May plano pala silang tatlo para pagtagpuin ang mga landas ng kaibigan nilang si Desiree at ng secret love nitong si Joven na varsity player ng university nila. Kagaya nila ay miyembro din ng Perrirosez si Desiree.   “Para sa lovelife ni Des! We can do this!”   “E paano yung dalawang bodyguards mo?” nakangusong tanong ni Casey at inginuso pa ang dalawang nakatayo sa di kalayuan. “Hindi na keri ng powers ko na isama sila sa party. Alam niyo namang mahigpit ang department namin.”   Yes, nakakatawa mang sabihin, but they’ll gate crash nursing department’s acquaintance party para lang maisakatuparan ang plano nilang tatlo. At magagawa lang nila iyon sa tulong ni Casey na Nursing ang kinukuhang kurso. Magkapareho ito at si Desiree ng course. Ang totoo niyan, mamayang gabi rin ang acquaintance party ng College of Liberal Arts kung saan ay kabilang ang department nila. Kaya dadaan muna siya sa nursing department para tulungan si Desiree sa lovelife nito bago siya tutungo sa acquaintance party nila.   “Huwag kang mag-alala, they’ll wait for me outside the venue. Hindi naman nila kailangang pumasok pa.”   “Mabuti naman kung ganon.” Tila nabunutan ito ng tinik sa dibdib.   “Anyway, what’s that? New camera?” salubong ang kilay na tanong ni Jo nang mapansin ang nakasabit sa leeg niya.   “Ah ito ba? Grandpa bought it for me.” Napangiti siya ng matamis at hinawakan iyon. “Guys, I want you to meet Phoenix, my new boyfriend.”   “Aiyssh! Lahat na lang ba ng camera mo, binibigyan mo ng pangalan at ginagawa mong boyfriend?” salubong ang kilay na tanong ni Jo. “Ano na ulit pangalan nung mga nauna? Sky, Fall, Thunder, Lightning, Cloud at sa sobrang dami hindi ko na matandaan. At ngayon, Phoenix naman ang bago mo. Ay jusko! Adik ka talaga.”   “Magkano naman iyan?” si Casey.   “It’s $60,000.”   “What?!” umawang ang bibig ng mga ito.   “That’s 3 million in Philippine peso?” tila hindi makapaniwalang napatitig ang mga ito sa hawak niyang camera. “Tapos isinasabit mo lang iyan sa leeg mo? Nasisiraan ka na ba? Hindi mo ba alam na pwedeng manganib ang buhay mo dahil sa camera na iyan? Itago mo nga iyan!”   “Why bother? Andiyan sina Kuya Steve at Kuya Patrick.” Ikinibit niya ang balikat.   Natiplak na lang ng mga ito ang sariling noo. “Pasaway ka talaga. Tsk!”   “Anyway, malapit na magstart ang klase ko. I have to go. Basta mamaya ha? Don’t forget. See you around girls!” Naglakad na siya palayo sa mga ito at lumapit kina Kuya Steve at Kuya Patrick. “Let’s go brothers!” masayang kumapit siya sa braso ng mga ito at hinatak patungo sa building nila.   Papasok na sana sila sa building nila nang bigla na lang may humarang sa kanila.   “Are you aware that there are new rules and regulations about prohibiting bodyguards inside the campus?”   “And who the hell are you?” Kunot-noo at nakatikwas ang kilay na tiningala niya ang lalaking nasa harap. Balak sana niyang sungitan ang pakialamerong herodes na ito ngunit tila biglang naumid ang dila niya. At ang mga salitang balak niyang sabihin dito ay naglahong parang bula nang makita niya kung sino ang lalaking nakatayo mismo sa harapan niya. It was Jansel Rowie Rodriguez, the notorious and highest governing student of Perriworth University. His friends call him Joey.   Ngayon lang niya nakaharap at natitigan nang malapitan ang lalaki. Matangkad pala ito and she hate to admit it but he’s too freaking dead drop gorgeous. Halos ay hindi na niya magawang ikurap ang mga mata o ni kahit alisin ang tingin dito. His eyes are too powerful and addictive to stare with. Para itong magnet na humahatak sa buong sistema at kaluluwa niya.   His features were rugged and strong. His dark hair was brushed back with a few pieces falling forwards onto his face and covering his big hazel brown eyes. His thick eyebrow was turned down and his plump, pink lips were pressed as he stared at her. No wonder, he was so adorable.   Ngayon ay hindi na siya magtataka kung bakit ang daming nahuhumaling dito. Joey had that effect on everyone despite of being serious and a terror student leader. He was admired by everyone at Perriworth University. Aside from being an excellent leader, he was also a good student, always in class and paying attention. He maintains his high grades and makes sure his image and reputation wasn’t stained by any issue.   And the most surprising and unbelievable thing about him was his history with girls. Or, should we say, he’s lack of one. Through out his entire years in college, he never had a girlfriend. He was always surrounded by beautiful girls, but it seemed like he was never into a serious relationship. Minsan nga ay pinagkakamalan na itong bakla ng ilang estudyanteng walang magawa sa buhay kundi ang makialam at manira ng buhay.   “Miss Legazpi? If you’re done with your daydream, I would appreciate it if you answer my question.” His arms crossed firmly over his chest as he stared at her intently, annoyed by what she said a while ago.   ‘Daydream? Ang presko ah! But wait, what the hell!’ Matagal ba siyang nakatitig dito? Her cheeks turned into crimson red. Parang gusto niyang lamunin ng lupa nang mga oras na iyon sa matinding kahihiyan. Malay ba niyang matatameme siya sa kakisigang taglay ng kaharap. At nakakahiya mang sabihin ngunit ngayon lang nangyari sa kanya ang ganoon.   Tumikhim si Kuya Patrick. It seems like he knew what’s going on and what’s going to happen if she remained silent over the situation. Kaya bago pa man siya muling mapahiya sa harap ng lalaki ay tinulungan na siya nito.   “Wala pa kaming natatanggap na letter from the new university president.”   Malamang ay binago ng bagong president ng university nila ang ilang rules sa university nila. My gosh! Hindi ba nila alam na dahil sa bagong rule na iyon ay maaaring manganib ang buhay ng ilang student na pinoprotektahan ng sariling pamilya? Sasabihin ba niya iyon sa lolo niya? For sure, he will freak out.   Napatango-tango ang lalaki. “Well, if that’s the case, I should give you a copy about the new regulation.” Iniabot nito ang isang folder na tinanggap naman ni Kuya Steve. “It was stated there that bodyguards are prohibited to enter any building inside the campus.”   Kumunot ang noo ng dalawa habang binabasa ang laman ng folder.   “Sa tinagal-tagal namin na nagbabantay rito, bakit ngayon lang ito inimplement?”   Ikinibit nito ang balikat. Just a simple gesture that made him looked so cute and more adorable. “Well, honestly, student council office received a lot of complaints from other students about bodyguards. Some students are scared or got bullied by their classmate’s bodyguards. Minsan din kasi, yung mga students na may bodyguards ay nagiging mayabang or bullies and they tend to become superior in their class or departments. And that is the reason why our university had a very high drop out rate these two consecutive years. So, ang tanging solution lang na naiisip namin to stop drop out issues was to prohibit bodyguards inside any building of the campus. And you are also not allowed to talk to other students.”   “Hindi naman kami nambubully ng ibang student ah. Hindi ba pwedeng exempted kaming mababait na bodyguards diyan sa rule na iyan?”   “I’m sorry but all of you have to abide with the rules. There are no exemptions.”   So, ang ibig bang sabihin niyon ay hindi na siya masyadong mababantayan ng dalawa? Napangiti siya. Mukhang nakikiayon yata sa kanya ang tadhana.   “Bakit mukhang tuwang-tuwa ka pa diyan?” sita sa kanya ni Kuya Patrick.   Malawak ang ngiti at tila nanalo sa lottong napatingin siya sa dalawang salubong na ang kilay.   “Hindi niyo na ako babantayan so, isa lang ang ibig sabihin nun, hindi na ako tatandang-dalaga. Yes! Sa wakas magkakaboyfriend na ako!”   Literal na napanganga ang dalawa sa sinabi niya habang siya naman ay tuwang-tuwa at kulang na lang ay pumalakpak siya. Abot hanggang taenga ang ngiting napaharap siya kay Joey na mukhang nawiwerduhan sa kanya.   “Uy! Thank you sa tulong ha! Dahil sayo, makakalapit na sakin ang mga suitors ko!” pagkasabi niya niyon ay masayang naglakad na siya papasok sa loob ng building nila.   “Ashley! Baka nakakalimutan mo wala kang suitor oy!”   Napahinto siya sa paglalakad dahil sa isinigaw ni Kuya Steve. Anak ng pating! Kailangan ba talagang isigaw nito iyon? Kakahiya kaya! Eh kung pektusan kaya niya ito at nang magtanda ito?   She gave him a deadly glare. “Magkakaroon pa lang! Panira ka talaga! Tse! Problemahin niyo nga mga lovelife niyo! Ang tatanda niyo na kaya! Kaya ang mabuti pa, umalis na kayo at maghanap ng girlfriend niyo!” bulyaw at pagtataboy niya sa mga ito. Kakamot-kamot sa ulong naglakad ang mga ito palayo. “Bye mga kuya!” kumaway pa siya sa mga ito. Nang dumako ang tingin niya kay Joey ay nginitian niya ito ng ubod tamis at nag-flying kiss pa dito. “Thank you so much president! I owe you my life and my freedom!”   He gave her a sly smile. A smile that gave her chills down to her bones and spines. Bakit ganon na lang makangiti ang lalaking ito?   “Mahal akong maningil. So, prepare yourself Ashleen Kendra Legazpi.”      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
238.0K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
551.2K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
339.9K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

Faithfully

read
267.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook