CHAPTER 2

2386 Words
ISA sa mga pinakamasayang bahagi sa buhay ng isang tao ang muling pakikipagkita nito sa mga kaklase na minsang naging parte ng buhay niya. Lalo na ang mga matatalik na kabigan na itinuturing na nitong kapatid. Kaya nga kapag nabibigyan nga ng pagkakataon na muli niyang makasama ang mga dating parte ng buhay niya, buong puso niyang ipakikita kung gaano siya kasabik na muli silang mayakap. Subalit, kabaliktaran yata ito kina Mariel at ang kaniyang mga kaibigan. Para sa kanila, mas masisiyahan sila kung muli na naman silang mabibigyan ng pagkakataon na maliitin ang kanilang dating mga kaklase. Pagkalipas ng apat na araw ay dumating na ang class reunion nina Mariel. Taas noo siyang naglakad papunta sa open-field ng dati nilang eskuwelahan sa Manaoag Science High School. Hila-hila naman ng kanang kamay niya ang napakalaking maleta. Inilibot ni Mariel ang kaniyang paningin sa kabuuan ng field. Naroon na rin ang isang bus, at sa katabi namang grandstand ay naroon ang dati niyang mga kaklaseng nakalilim sa mga puno ng mangga. Lumawak naman ang kaniyang ngiti nang matanaw niya si Leianne na kasama na ang tatlo pa nilang kaibigan na sina Joanne, Eliana, at Geam. “Mariel! Oh my gosh, ikaw na nga iyan!” tili ni Joanne, at mabilis na niyakap nang mahigpit si Mariel. Marahang itinulak ni Mariel ang kaibigan, saka inayos ang kaniyang maiksing dress na kulay pula nang magusot ito. “Hindi ako makahinga sa iyo!” Dahil sa pulang dress ni Mariel, kitang-kita tuloy ang magandang hubog ng kaniyang katawan, lalo na ang mala-porselana niyang balat. Dagdag pa rito ang pagiging long-legged niya. “Ilang taon lang tayong hindi nagkita-kita, pero ang laki na ng ipinagbago ng hitsura mo! Mas naging elegante ka pa!” puri naman ni Eliana kaya mas lalong lumawak ang ngisi ni Mariel. “Nothing has changed. Mas elegante pa rin ako sa inyong apat,” tugon ni Mariel kaya napailing-iling na lamang si Leianne. May katuwiran nga naman si Mariel. Sa kanilang lima, siya ang pinakaangat. Mas nakukuha niya ang gusto niya dahil na rin sa kaniyang ama. Kung sa ganda naman, bagamat lahat sila ay pinagpala sa hitsura, si Mariel pa rin ang pinakanagingibabaw sa kanila. Si Leianne ang pinakamatangkad sa kanila. Balingkinitan din ang kaniyang katawan, at agaw pansin din ang unat niyang buhok na umabot na sa kaniyang bewang. Hindi katangusan ang maliit niyang ilong, subalit ang mata niyang kulay kape ay laging nangungusap, kaya naman madalas ay napapatitig ang mga tao sa mga mata niya. Si Joanne, may kapayatan siya, at bahagyang kumukulot ang buhok niyang hanggang sa balikat. Si Eliana naman, siya ang morena sa kanila, subalit mas matangkad pa rin siya kay Mariel. Samantala, si Geam naman ang pinakabata sa kanila. Kasingtangkad niya lamang si Mariel. Agaw pansin naman ang pamumutla niya dahil simula pa noong high school sila ay anemic na siya. Sa kanilang lima, siya lamang ang may bangs. “Yeah, you’re still a straightforward spoiled brat,” saad ni Eliana habang naglalagay ng kolerete sa kaniyang mukha. “I’m just telling the truth,” wika ni Mariel at pinagkrus ang kaniyang mga braso. Napadako naman ang tingin niya kay Geam na tahimik sa gilid habang nakangiti lamang sa kaniya. “I missed you,” naluluhang saad ni Geam kaya bahagyang natawa sina Eliana. “Masyado kang madrama, girl!” puna ni Leainne. Agad lumapit si Mariel kay Geam, at niyakap ito nang mahigpit. Sa kanilang lahat, higit na pinakamalapit sa puso niya si Geam, kapatid na nga ang turing niya rito. Kaya nga hindi na nakapagtataka kung gan’on ang naging pakikitungo ni Mariel kay Geam. Mayamaya pa ay nakiyakap na rin ang tatlo sa kanila. Halos abot-langit ang mga ngiti nilang lima dahil iyon na lamang ulit ang pagkakataon na nabuo sila. Matapos kasi silang mag-Grade 10, iba’t ibang eskuwelahan na ang napuntahan nila. Mas lalo silang nalayo sa isa’t isang pagdating nila ng kolehiyo dahil sa iba’t ibang syudad at probinsya na sila nanirahan. Napahiwalay sila sa isa’t isa nang marinig nila ang malakas na halakhakan ng iba pa nilang mga kaklase. Babarahin sana ni Joanne ang dating mga kaklase nang eksaktong dumaan sa harap nila si Ma’am Gen, ang class adviser nila noong Grade 10 sila. “Ang laki na ng pinagbago niyong lima. Mas naging matured pa kayo,” ani Ma’am Gen na nakangisi sa kanila. “Siguro pati mga ugali niyo ay nagbago na rin,” dagdag pa niya na siyang dahilan kung bakit napakunot ang noo ni Eliana. “Nothing has changed, Gen—I mean, Ma’am Gen. Ang kilala niyong spoiled brat noon, at sinasabihan niyo ng pangit ang ugali ay gan’on pa rin,” sarkastikong tugon ni Mariel at ngumisi. “Invited din pala kayo, akala ko kami-kami lang. Dapat hindi na kayo sumama,” bulong ni Leianne kaya napalingon sa kaniya ang guro. Wala ng nasabi pa ang guro dahil pinipigilan niyang manggalaiti dahil sa inasal ng lima, lalo na si Mariel. Gaya ng dati, ang limang magkakaibigan talaga ang nakapagpapakulo sa kaniyang dugo. “Sa tingin ko ay maaari na tayong umalis. Narito naman na si Mariel na kanina pa natin hinihintay,” saad ni Ma’am Gen sa dati niyang mga estudyante, saka matalim na tingin ang ipinukol niya kay Mariel. “Tama si Ma’am, tara na!” tuwang-tuwa namang sabi ni Carl. “Siguraduhin mong masaya ang class reunion na in-organize mo, ha?” paninigurado ni Geam kaya kumunot ang noo ni Carl dahil sa pagtataka. Nanatili namang nakatingala si Geam kay Carl dahil sa tangkad ng binate. “Ano bang sinasabi mo? Hindi ako ang nag-organize, dahil sa totoo lang hindi ko naman makakaya iyan. Nakatanggap lang ako ng email tungkol sa reunion,” sagot ni Carl na lumikha ng mga bulungan. “Tama si Carl; sa email ko lang din natanggap ang invitation,” pagsang-ayon ni Ma’am Gen. “Ha? Hindi ba sa’yo galing ang ideya? Nahanap kasi namin itong invitation sa portrait na ibinigay mo sa amin five years ago,” entrada naman ni Joanne. “Hindi ako ang may pakana niyan,” giit pa ni Carl. “Huwag niyo na kasing poprobelemahin, ang importante ay makakapag-reunion tayo,” sabat ni Bella na sinang-ayunan ng buong klase. Unang pumasok sa bus ang magkakaibigang sina Mariel. At nang makapasok na ang lahat ay pumasok na rin si Ma’am Gen. “Are you excited?” tanong ni Ma’am umugong ang hiyawan ng buong klase maliban kina Mariel na naiirita dahil sa ingay nila. Habang naghihiyawan ang klase dahil sa excitement, ‘di nila narinig ang pagsasalita ng isa sa mga kaklase nila at sinabing, “nalalapit na ang kamatayan niyo!” Tuwang-tuwa naman ang buong klase maliban sa magkakaibigan na nababagot kaya umidlip muna. Lingid sa kaalaman nila ay nag paplano na ang isa sa kanila kung sino ang una niyang papatayin. Napangisi na lamang ang killer nilang kaklase dahil ito na ang pagkakakataon niyang makapaghiganti sa buong klase, kasama pati ang kanilang guro. Mahaba-haba ang kanilang paglalakbay papuntang probinsya ng Pangasinan kaya inip na inip na ang killer. Gabi na ngunit ‘di parin sila nakararating sa kanilang pupuntahan. Habang tinatahak nila ang Pangasinan, biglang napasigaw ang buong klase dahil sa biglaang pagpreno ng bus, dahil iniwasan nito ang tumatawid na matandang babae na dahilan ng paggewang ng sasakyan; ngunit, ‘di kalaunan ay bumalik din lang ang kontrol nito. Bumaba naman si Ma’am Gen upang tignan kung ayos lang ba ang matanda. “Lola, ayos lang po ba kayo? Sa susunod po mag ingat kayo,” wika ng guro sa matanda. “Ayos lang ako. Kayo ang mag-ingat dahil may magyayaring masama!” sigaw ng matanda, at iika-ikang tumakbo. Bahagyang kinabahan ang guro ngunit isinawalang bahala niya na lang ito. Sa isip niya, gasgas na ang gan’ong mga eksena sa mga pelikulang napanood niya—sa totoong buhay naman ay wala namang katotohanan ang mga gan’on. “Maam, Carl, bakit ang tagal?!” reklamo ni Eliana. “Kaya nga, nakakainip na!” pagsang-ayon ni Mariel na kagigising lamang. Hanggang sa naki-ayon na rin ang buong klase. Bagot na bagot na si Mariel dahil alas siete na ay ‘di parin sila nakararating. Pagdako ng tingin niya sa labas ng bintana, napansin niyang nasa liblib na lugar sila. Puro punongkahoy ang nakikita niya. Wala silang kaalam-alam na isa sa kanila ay kukunin ang pagkakataong iyon upang makapaghiganti. Kung alam lang nila ang kanilang kahihinatnan, tiyak na hindi sila ganiyan kasabik. Makaraan ng ilang saglit, sa wakas ay huminto na ang bus na kanina pa walang tigil sa pagtakbo. Ni hindi nga sila huminto, maliban na lamang noong muntik ng mabangga ang matanda kanina. “Okay, class, labas na kayo. We are already here. Sabi sa instruction sa akin sa email, baba tayo rito,” wika ng guro, kaya agad na tumalima ang buong klase. Tinaasan naman ng kilay ni Geam ang kanilang guro, sabay sabing, “Sigurado kayo, Ma’am, eh, nasa tabing dagat lang tayo?” “Sigurado akong dito tayo,” matipid na sagot sa kaniya ng guro. “Ma’am, wala naman yata ditong antique house na gaya ng sinasabi niyo, eh,” reklamo naman ni Eliana. Napalingon silang lahat kay Rae, kaklase nila, nang magsalita siya, “Ayun, oh, yate!” “So? Alangan naman na diyan tayo magpa-party sa yate?” panunupalpal ni Geam. “Common sense naman, Geam!” pagtatanggol ni Rian kay Rae. Nang marinig iyon ni Mariel ay nagpanting ang kaniyang mga tainga, “Wow, common sense! Bakit, mayroon ka ba no’n? Gusto mong bigyan kita?” “Hindi ikaw ang kinakausap ko!” singhal sa kaniya ni Rian. Sasagot pa sana si Mariel nang umawat na ang kanilang guro. At doon ay nagsimula na naman ang limang pagkakaibigan sa dati nilang gawi. Akala nila, sa ginagawa nilang iyon ay mas ikaaangat nila, subalit ang tingin pala ng mga kaklase nila sa kanila ay mga babaeng tila walang class kung umasta. Para ngang mas mababa pa sa taong walang pinag-aralan. “Tumigil na nga kayo! Hindi na kayo mga bata, kolehiyo na kayo! Kaya may yate riyan dahil sasakay tayo riyan—isang malaking private island ang pupuntahan natin,” panunuway sa kanila ni Ma’am Gen, tapos pinapasok na sila sa loob ng yate. “Ayaw kasing maniwalang dito sasakay sa yate para makatawid,” bulong ni Rae kina Mich at Mae, na agad namang narinig ng limang magkakaibigan. “May sinasabi ka?” mahinahong tanong ni Geam, ngunit tila nagbabanta ang tono ng kaniyang boses. “Geam, Mariel, tigilan niyo na ang pang-aaway sa mga kaklase niyo. Class reunion ito, at dapat sanay ay hindi ganiyang ang inaasal niyo,” panunuway muli ni Ma’am Gen, ngunit inirapan lamang siya ng lima. Makaraan ng kalahating oras ay naglalayag pa rin sila. Mas lalo tuloy nainip si Mariel at pinagsisisihang sumama pa sa reunion. “Ma’am! Bakit super tagal naman nating makarating?” tanong ng maarte nilang kaklase na si Ann. Dati pa ay ayaw na ni Mariel sa matinis na boses ng kaklase niyang si Ann dahil parang palagi itong nag-iinarte. Ayaw niya ng gan’on dahil gusto niya, sa kanya lamang dapat ang lahat ng atensyon. Kaya naman nang marinig iyon ni Mariel ay mas lalong napakunot ang kaniyang noo dahil sa pagkairita. Dahil wala siyang magawa, isinuot niya na lang ang headphone niya, at pumikit. Noong magsawa siya ay isinabit niya muna sa leeg niya ang kaniyang headphone. “Ma’am, anong oras ba tayo makakarating doon? Ang tagal!” muling pagrereklamo ni Mariel sa gurong abalang nagbabasa ng libro “Malapit na tayo, few minutes na lang,” tugon ni Ma’am Gen, na hindi man lang nag-abalang tumingin kay Mariel. Tila mas importante pa ang binabasa nito. “Eh, Ma’am, kanina niyo pa sinasabi ‘yan,” dagdag pa niya, ngunit hindi na siya inimik ng guro, kaya padabog siyang umupo sa upuan niya, at pinagmasdan ang dagat habang umaalon nang banayad. Dinama niya na lamang ang payapa at malamig na simoy ng hangin, na animoy walang problemang papasanin. Hanggang sa hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya. Sa tabi naman ni Mariel ay si Eliana na nakakunot ang noo dahil bagot na bagot na rin. Buryong-buryo na siya dahil wala siyang mapagkakaabalahan. Napatingin naman siya kay Mariel na mahimbing na ang tulog. “Mabuti pa si Mariel, nakatulog na,” bulong niya sa kaniyang sarili. Umusog naman papalapit sa kaniya si Leianne. “Nababagot ka na rin ba?” tanong ni Leianne sa kaniya kaya mas lalo siyang napasimangot. “Sobra! Kung alam ko lang na ganito kalayo ang pupuntahan natin, sana ay humiwalay na lamang tayong lima!” asik ni Eliana at humalukipkip na lamang. Nabura ang simangot sa labi ni Eliana nang tumigil na ang yate dahil nakarating na sila sa kanilang paroroonan. Matapos ang mahaba-habang biyahe ay narating na rin nila ang isla kung saan gaganapin ang reunion, ang Kadayatan Island. “Class, narito na tayo, maaari na kayong bumaba,” wika ng kanilang guro na agad naman nilang ginawa. Saglit na pinukulan ni Eliana ng mahiwagang tingin ang kaniyang mga kaibigan. Si Joanne ay kanina pa hikab nang hikab, at naluluha na ang mga mata dahil sa pagkaantok. Si Leianne naman ay nakukit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi, at si Geam naman bahagyang ngumiti sa mga kaibigan. Simula pa noon, si Geam ang pinakatahimik sa kanilang lima. Minsan ay puro tango at ngiti lamang, ngunit kagaya nina Mariel, may kasamaan din ang kaniyang pag-uugali. Geam is known as a silent terror. Hindi siya ‘yong tipong nagbubunganga lang. Hindi siya umiimik, pero ‘pag napuno siya, kusa silang napapatigil at umiiwas na lang. She can be compared in to a sleeping volcano. You can never predict kung kailan siya sasabog. Pagkalabas nina Eliana sa yate ay doon nila napagtantong hindi nila kasama sa paglabas si Mariel. Papasok pa lang ulit sana sila sa loob ng yate nang mapagtanto nilang tila may mali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD