CHAPTER 18

2062 Words
LINGID sa kaalaman nina Mariel at Ced, mayroon ng nakadiskubre sa sekretong pagkikita nila. Kahit pa gaano nag-ingat si Mariel, nasundan pa rin siya ng kaniyang kaklaseng nilalamon din ng mga katungan tungkol sa kung saan-saan siya nagpupunta. Nanlaki ang mga mata ni Mariel, at halos hindi siya makapagsalita, nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa n’on ang isang babae. “Mariel, Ced?!” “Leianne....” pabulong na saad ni Mariel dahil tila may kung anong bumabara sa lalamunan niya. Napaiwas ng tingin si Ced, at si Mariel naman ay lumapit kay Leainne, at hinawakan ang dalawa niyang kamay. Marahas namang binawi ni Leianne ang kaniyang kamay. “Ipaliwanag mo nga ito, Mariel! B-Bakit mo ito itinago sa amin?” Bakas din sa boses niya ang pagtatampo. Todo naman ang dalangin ni Mariel na sana mapatawad siya ng kaniyang kaibigan dahil may rason naman siya kung bakit hindi niya sinabi ang tungkol kay Ced. Mas lalo lang kasing magkakagulo ang lahat kapag nalaman nila, kaya mas mabuti na lang na isekreto ang tungkol doon. “Ako na ang magpapaliwanag sa kaniya, tutal hindi naman siya ang killer,” sabi ni Ced. Si Mariel naman ay nanatiling tahimik, subalit nakahinga siya nang maluwag noong narinig niyang hindi si Leianne ang killer. “Killer? Kilala mo ang killer? Atsaka paano ka napunta rito?” sunud-sunod na tanong ni Leainne. Ipinaliwanag sa kanyia lahat ni Ced tulad ng pagpapaliwanag niya kay Mariel noong nakaraan. Panay naman ang pag-awang ng bibig ni Leianne dahil sa mga nalaman niya. Hindi niya akalaing gan’on pala ang nangyari kay Ced. Simula kasi noong iniwan niya si Mariel, nabuo na rin ang galit ni Leianne sa binata. Sa huli ay matagal na hindi siya nakaimik. Nagi-guilty siya pagtatanim ng galit kay Ced—para na rin kasing kapatid ang turing niya kay Mariel—iyon pala ay idinamay pala siya ng killer na gustong maghiganti sa kanila. “You mean, hindi talaga totoong iniwan mo si Mariel?” tanong niya pa kaya napatango si Ced. “Pero sino ang killer?” muli na niya na namang tanong. Gaya ni Mariel, marami ring katanungan ang bumabagabag sa isip niya dahil sa pagpapakita ni Ced, at kung ano ang kinalaman niya sa killer. “Hindi ko pa puwedeng sabihin dahil may plano pa ako,” sagot ni Ced. Agad namang napailing si Leianne bilang pagtutol. “Paano kung namatay na kaming lahat, pero hindi pa rin gumagana ang plano mo? Bakit hindi mo na lang sabihin sa amin ngayon? Marami tayo, tapos mag-isa lang siya!” “Diyan ka nagkakamali, dahil hindi lang ang killer ang kalaban natin dito. Mas matindi pa, kaya kailangan talaga ng matibay na plano,” paglilinaw ni Ced. Gulat namang napatingin si Leianne sa kanya. Hindi naman na nasorpresa pa si Mariel dahil alam niya na ang tungkol doon. Mas lalong dumoble ang takot ni Leianne dahil hindi lamang pala ang killer ang kalaban nila. Tuluyan nang gumuguho ang tapang na nanalaytay sa kaniyang dugo simula noong maganap ang mga kahindik-hindik na p*****n. “Kung gano’n, sino pa?” “Malaking kalaban niyo ang mansion na ito at ang lola niya. Dahil ang mansion na ito ay kuta noon ng mga miyembro ng satanismo. Ang lola ng killer ang kanilang pinakapinuno, at hanggang ngayon ay buhay pa. Higit sa lahat, narito rin siya at nagtatago,” pagsasalaysay ni Ced kaya hindi nakakibo ang dalawa. Sa pagkakataong iyon ay nanlaki na rin ang mga mata ni Mariel. Hindi kasi nabanggit ni Ced noong nakaraan ang tungkol sa satanismo, at ang tungkol sa lola ng killer. Talagang matindi ang hamon na kinahaharap nila. “Ano pa ang dapat naming malaman? Please sabihin mo sa amin,” saad ni Mariel na namumusyaw na dahil sa takot. Wala naman ng iba pang nagawa si Ced kundi ipinagpatuloy ang kaniyang pagpapaliwanag. “Sa tulong ng lola ng killer, naisakatuparan niya ang plano niya,” wika niya at tumingin kay Mariel. “Kung naalala mo ‘yong mga kalansay na nakapulang cloak, sila ‘yong mga dating miyembro na ngayon ay patay na, pero ang lola ng killer hanggang sa ngayon ay buhay pa. Hindi nga lang alam kung nasaan siya banda rito sa napakalaking mansion, pero sigurado akong alam ng killer.” “M-Masyadong komplikado. Bakit may satanismo pa? Does that mean na kailangan din ng Divine intervention?” tanong ni Leainne. “Parang gan’on na nga. You should all strengthen your faith. We all need His guide to destroy the killer and her grandmother,” tugon ni Ced kaya nagkatinginan sina Leianne at Mariel. Napakunot naman ang noo ni Mariel. “Her? Ibig sabihin ay babae ang killer?” “Oo, babae nga siya,” tugon ni Ced. “Ang lola niya ay nabubuhay pa, kaya ‘pag naisakatuparan ng killer ang pagpatay ay mgiging myembro siya, at muli nilang ibabalik ang satanismo. Kaya hangga’t maaari, huwag niyo munang sasabihin kahit kanino ang nalalaman niyo dahil ayaw kong pumalpak ‘yong plano,” dagdag pa niya at tumayo sa harap ng dalawa. “Sabihin mo na kasi kung anong plano iyon,” pagpupumilit ng dalawa. Tila mas naging komplikado ang lahat. Akala nila ay may nais lang maghiganti sa kanila, subalit hindi lamang pala iyon. Hindi maaaring maibalik ang satanismo dahil alam nila na hindi iyon tama. “Hanapin natin lahat ng kalansay, pati na rin ang mga bagay na may kinalaman sa satanismo. Susunugin natin lahat iyon dahil doon kumukuha ng pwersa ang lola niya at ang killer, lalo na ‘yong rebulto! “Kapag nasunog ang mga iyon ay bahagya silang hihina. Gawin natin ‘yon tuwing umaga dahil tuwing gabi ay sumasalakay ang killer,” pagpapaliwanag pa niya, at may inilabas siyang mga bagay na nakalagay sa loob ng kahon, mula sa ilalim ng kama. May isang litrong gasolina, isang kahong posporo, at may tatlong bote ng holy water. “Saan ka nakakuha niyan?” nagtatakang tanong ni Mariel, at kinuha ang isang bote ng holy water na nasa kahon. “Magpasalamat tayo kay Ma’am Kate,” ngisi ni Ced, kaya nanlaki ang mga mata nina Mariel at Leianne dahil hindi nila akalaing may nalalaman pala ang gurong pinagbintangan nila noon. “Anong kinalaman ni Ma’am Kate?” Halos sabay na tanong nilang dalawa. “Alam na ni Ma’am Kate ang plano ng killer at lola niya, kaya nagpumilit siya kay Ma’am Gen na sumama dito. Lingid sa kaalaman ng lahat, bitbit niya ang mga gamit na ito.” Mas lalong napaawang ang bibig ni Mariel. Ang guro kasi na pinagbintangan niya noon ay siya palang magbibigay ng malaking tulong sa kanila. “Kaya ipangako niyo na hindi niyo ipagsasabi kahit kanino, dahil kapag narinig ng killer, tiyak na mabubulilyaso ang plano natin,” paninigurado ni Ced, kaya tumango sila ni Leianne. Pagkatapos nilang pag-usapan ang mga plano nila ay umalis na rin sila, at nagtungo na sa kanilang mga kaklase. Handa na rin ang tanghalian nila dahil sina Rizza at Carl ang nagluto ng lugaw na kakainin nila. Napasimangot naman si Mariel dahil nakalimutan niyang itanong kung nasaan si Ma’am Kate ngayon. Binabagabag tuloy siya ng kaniyang kyuryosidad. Ipinagpatuloy niya na lamang ang pagkain, at nang matapos silang mananghalian ay umakyat na sila sa second floor. “Saan nga pala kayo pumunta ni Leianne?” tanong ni Geam. Nagkatinginan silang dalawa ni Leianne. “Sa ano... sa rooftop. Tama, doon dahil tanaw ang buong isla,” nauutal na sagot ni Mariel. Tumutulo na rin ang mga butil ng kanyang pawis mula sa kaniyang leeg at noo dahil sa kaba. “What do you mean by tama? May itinatago ba kayo?” tanong naman ni Eliana kaya agad silang napailing. “Tama, tama ang pasya namin na doon pumunta dahil maganda ang view,” pagpapalusot naman ni Leianne. Uusisahin pa sana sila nina Geam, pero naudlot iyon nang may narinig silang sigawan mula sa ibaba—tiyak na may namatay na naman. Tuwing may sigawan kasi ay gan’on na lamang palagi ang madadatnan nilang eksena: nakabulagtang mga bangkay. Agad naman silang limang bumaba para tignan kung sino na naman sa mga kaklase nila ang pinatay ng killer, pero taliwas sa iniisip nila ang nadatnan nila. “Pinapakulo mo ang dugo ko! Ang landi mo talagang anaconda ka! Mamatay ka na sanang impakta ka! ‘Pag ako nainis papatayin kitang anaconda ka!” signhal ni Mae kay Sharrie at pinagsasabunutan ang kaniyang kaklaseng walang kalaban-laban. Payat na nga si Sharrie, nalaglag pa ang salamin niyang tumutulong sa kanya para makakita nang malinaw. Napailing na lamang si Mariel, at bahagyang natawa dahil akala niya ay may namatay na naman. Gan’on pa man, hindi niya akalaing makakayang sumigaw ni Mae, at pagsasabunutan si Sharrie dahil napakahinhin nito at hindi palaimik. “Ikaw siguro ang killer, ano?” tanong ni Ayka at pilit na dinedepensahan si Sharrie. Umakyat muli si Mariel sa taas dahil ayaw niyang pagaaksayahan ng panahon sina Mae at Sharrie. Isa pa, hindi siya interesado kung ano ang ugat ng pinag-aawayan nila. Nang makaupo siya sa sofa ay inilabas niya ang kanyang journal mula sa kaniyang bulsa. Inilipat niya ang mga pahina, hanggang sa narating niya ang page kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga namayapa niyang mga kaklase. Muli niya namang naaalala ang plano nila ni Ced, pati na rin ang tungkol sa pagtulong ni Ma’am Kate. Kailangan nilang masunog ang mga kalansay; kailangan nilang matalo ang killer para hindi sila maubos, at para hindi na muli mabuo ang satanismo. Nakadama ng matinding pagkaantok si Mariel, kaya ibinulsa niya na ulit ang pocket journal niya, sabay humikab pa. Ilang segundo lamang ang lumipas ay tuluyan na siyang nakatulog. TANGHALING tapat pa lang ngunit tulog ang lahat bukod sa killer at kasabwat niya. Nilagyan niya kasi ng pampatulog ang pagkain ng mga kaklase niya kanina. Dahil nababagot siya, napagpasiyahan niyang humanap ng bago niyang biktima. Hinila nila ang katawan ng bago niyang biktima, na tiyak magiging bangkay na mamaya. Dinala nila ito sa lungga niya, at itinali na muna ang kamay at paa ng kaawa-awa nilang kaklase. Hindi pa sila nakuntento, nilagyan pa nila ng duct tape ang bibig nito. Binuhusan niya ng kaunting muriatic acid, na nakuha niya sa cr, ang paa ng kaniyang kaklase na siya dahilan para magising ito. Bago pa man niya maimulat ang kaniyang mga mata ay nagtago na ang kasabwat ng killer sa kabilang kuwarto. Isa pa, hindi niya kayang makita ang pagpapahirap sa kanya mga kaklase. “HMMPPHHH!” “Be ready, anaconda!” bulong ng killer sa tainga ng kaniyang biktima kaya napapikit ito. Gamit ang kutsilyo, binalatan niya ng dahan-dahan ang pisngi ng biktima. Ungol lang ang lumalabas sa bibig niya, at hindi makasigaw dahil natatakpan ang kaniyang bibig. Nanlilisik naman ang mga mata ng killer habang tumatalsik ang dugo sa mukha niya. Halos ‘di na mamukhaan kung sino ang biktima dahil puro laman at ugat ang nakikita. Nang magsawa siya ay itinarak niya na ang kutsilyo sa dibdib ni Sharrie. Hinang-hina na itong napaungol hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay. Napangisi ang killer na tila nasisiraan na ng bait, habang pinagsasaksak ang bangkay ng biktima. “Hayop kang mamamatay tao ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Sharrie!” Napatingin siya sa may pinto at nakita niya ang dalawa niyang mga kaklase. Lingid pala sa kaalaman niya ay may dalawang babae na hindi kumain, bagkus ay tumambay lang sa second floor, kaya naman hindi sila natablan ng pampatulog. ‘Di nila alam na sinundan pala siya nina Ayka at Mhen. Hindi makagalaw ang dalawa habnag nasasaksihan ang pagkamatay ng kaibigan. Takot na takot ang dalawa habang tinitignan ang nanlilisik na mata ng killer. “Mga pakialamera! Papatayin ko kayo!” sigaw ng killer, at tumakbo patungo kina Ayka at Mhen, kaya kumaripas sila ng takbo para magsumbong. Tumakbo ang dalawa, at malapit na sanag makatakas, subalit hinarangan sila ng kasabwat ng killer. Napatigil silang dalawa dahil sa labis na pagkabigla nang makita nila kung sino ang humarang sa kanila. Nakalapit naman na ang killer sa kanila, at itinutok ang baril na may silencer sa kanila. Handa niya ng kalabitin ang gatilyo ng baril at iputok sa dalawa…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD