CHAPTER 9

1823 Words
Sa likod ng magara’t lumang mansion, mayroong sekretong nakakubli rito. Mahirap maunawaan hangga’t hindi pa tuluyang naibubunyag ang katotohanag pilit na pinagtatakpan. At sa oras na mabunyag na ito, hindi na matatakasan pa ang bangungot na dulot nito—kahit pa hanggang sa huling sandal ng buhay. DALI-DALING lumapit sina Mariel, Eliana, at Leianne sa cabinet upang halug-hugin kung may magagamit ba sila roong mga kumot, ngunit wala silang nakita bukod sa apat na libro na lukot na ang pabalat, at natatakpan pa ng makapal na alikabok. Napaubo silang tatlo nang punasan nila ang mga libro na puno ng alikabok. Sa sobrang kapal nga ng alikabok na bumabalot sa mga libro ay pwede ng pagtaniman ng kamote. Napakunot ang noo ni Mariel. “Anong libro naman ang mga iyan?” Kakaiba ang pabalat nito, kulay pula ito at may nakaguhit na parang isang simbolo na triyanggulo, at sa gitna n’on ay isang nakaguhit na mata, tila ba ang matang iyon ay diretsong nakatitig sa kanila. Lukot-lukot na ang pabalat nito, pero maayos na maayos pa ang book spine. “Libro Tenebris: Habentis Maleficia” Napakunot ng noo ang tatlo nang makita nila nang mabasa nila ang pamagat ng isa sa mga libro. “Anong ibig sabihin niyan?” tanong ni Eliana, at napatingin kay Mariel. Tinaasan naman ng kilay ni Mariel si Eliana dahil obvious naman na wala siyang ideya tungkol doon. Hindi na lang umimik pa si Mariel dahil ayaw niyang barahin ang kaniyang kaibigan. “Teka may iba pang libro, parang makapal na notebook, eh,” sabi naman ni Leianne, at kinuha ang makapal na itim na libro na naiwan sa ikalawang layer ng cabinet. “Libro Tenebris,” basa ni Mariel sa librong kinuha ni Leianne. “Parang kapareho niya ‘yong pamagat n’ong unang libro,” dagdag pa niya. “Bakit may mga ganito rito, at ano ang ibig sabihin ng mga iyan?” tanong na naman ni Eliana. Pinanliitan na lamang ng tingin ni Mariel sa Eliana dahil makulit din ang kaniyang kaibigan—wala nga siyang ideya tungkol doon. Subalit, nag-umpisa na silang hiwagaan, lalo na si Mariel, kung ano nga ba ang nakakubling sekreto sa mansion bukod pa sa patayang nagaganap. Binuklat nila ang mga librong halos ‘di na mabasa ang mga nakasulat dahil kumupas na ito, atsaka hindi lang din nila maintindihan dahil nakasulat ito sa Latin. “Teka, may iba pang nandito,” ani Mariel na may hinihila sa pinakababang layer ng cabinet, kaya lumapit sila sa kanya, at sinamahan siyang hilain iyon. “Paano natin ‘yan mabubuksan?” tanong ni Leianne habang inaayos ang mga libro sa isang layer ng cabinet. “Eh ‘di magkalkal pa tayo,” tugon naman ni Mariel. “Subukan niyo ito,” wika naman ni Eliana, at ipinakita sa kanila ang butong hugis susi na nakuha niya sa pinakababang layer din ng cabinet. Ipinasok ni Mariel ang buto sa keyhole, at laking gulat nila nang matanggal sa pagkaka-lock ang baul. “Buksan na natin?” tanong ni Leianne. Tumango na lamang sina Mariel at Eliana. Dahan-dahan niyang binuksan ang baul, ngunit puno ito ng alikabok pagkabukas nila, kaya pinagpag muna nila ito at halos malaglag na naman ang mga panga nila sa kanilang nakita. Isang kalansay ang laman ng baul at, may nakasuot na kuwintas sa leeg ang bumungad sa kanila. “Bakit may kalansay rito?” nagugluhang tanong nila. “AAAHHH!” napatili silang tatlo nang makita nilang kuminang ang pendant ng kuwintas na kagaya sa simbolong nasa libro “Isara niyo na ‘yan!” utos sa kanila ni Mariel, kaya dali-dali nila itong isinara, at agad itinulak pabalik sa cabinet. Napakapit naman si Eliana kay Leianne nang manlambot ang kaniyang mga tuhod, at mamutla ang kaniyang mukha. Tumatagaktak na rin ang mga butil ng kaniyang pawis. “Ayoko na rito, Mariel. Lumipat na lang tayo sa iba!” pagmamakaawa ni Eliana. Sumang-ayon sa kaniya Mariel dahil hindi niya na rin kaya pang manatili roon. Isinara na nila ang cabinet, ngunit ayaw nitong sumara. Bumubukas pa rin ang cabinet kahit ilang beses nila itong isara, kaya nagtakbuhan na sila papunta sa ibaba. “Sa room 1, nandoon ang mga gamit natin, baka walang gumagamit no'n!” wika ni Mariel. Dali-dali silang nagtungo roon, at nakahinga sila nang maluwag nang walang tao roon. Sadiyang magaling magtago ang iba nilang mga kaklase dahil wala pa silang nahahagilap ni isa sa mga kaklase nila. Isa pa, napakalawak din kasi ng mansion. “Mariel, nahihiwagaan na ako rito sa bahay na ito. Bakit may ganoong kalansay, at ‘yong apat na libro,” sabi ni Leianne sabay upo sa dulo ng kama. “Hindi ko nga alam! Wala rin akong ideya!” may bahid ng inis na tugon ni Mariel. “Alam ko kung paano masasagot ang mga katanungan,” tugon ni Eliana kaya napatinigin ang dalawa sa kaniya. “Balikan natin ang mga libro,” suhestiyon niya. “Your plan is dangerous. Paano kung makasalubong natin ang killer?” pqgtutol ni Mariel. “Alam ko namang nag-aalangan kayo, ako na ang bahala. Ako na lang ang pupunta,” sabi ni Eliana, kaya nagkatinginan sina Mariel at Leianne. Kanina lamang ay takot na takot si Eliana, ngunit ngayon naman magpepresenta siyang siya ang kukuha. Hindi na nakaimik pa si Mariel nang magtungo na sa pinto si Eliana. Nang makaalis na si Eliana ay agad na humarap si Mariel kay Leianne. “Anong ibig sabihin ni Eliana na siya na ang bahala?” “Oo nga, at bakit hindi na siya takot?” tanong din ni Leianne; pareho sila ng naging reaction. “Don’t tell me siya ‘yong killer?” “Pero wala tayong basehan,” saad ni Leianne. Kapwa punong-puno na ng mga katanungan ang kanilang isip. Alam naman ni Mariel na masama ang pagpaparatang lalo na at kaibigan pa nila ang pagbibintangan nila. “Ganito na lang, manmanan na lamang natin siya,” tugon ni Mariel kaya napatango si Leainne. Mas mabuti ng may ebidensya sila kesa pagbintangan nila nang basta-basta ang kanilang kaibigan. Mayamaya pa ay muli na namang may pumasok sa isipan ni Leainne. “Bakit parang alam niya na ‘yong libro ang kasagutan?” “Mas kinukutuban na talaga ako, Leianne, baka paggising natin bihag na tayo!” “Kung siya man ang killer, hindi ko akalaing kaya niyang pumatay. Noong namatay si Ma’am Gen, ‘di ba wala siya?” tanong pa ni Leianne, at makaulit ng silip nang silip sa pintong nakasara. “Baka siya nga ang killer.” Pagkasambit ni Mariel ng mga katagang iyon ay biglang bumukas ang pinto kaya napatili sila nang malakas. “Guys, relax ako lang ito,” saad ni Eliana, at napatingin ang dalawa sa hawak niya. Sa kanang kamay ni Eliana ay ang matalim na kutsilyong, samantalang sa kaliwang kamay niya ay ang apat na libro. Napaatras si Mariel. “B-Bakit may hawak kang kutsilyo?” “Bakit, nag-aalangan ba kayo na ako ‘yong killer?” tanong nito, at umupo sa pagitan nina Mariel at Leianne. “H-Hindi naman sa gano’n. K-Kaya lang kasi ano—” “--relax lang, hindi ko naman kayo papatayin dahil wala namang rason para patayin kayo, ‘di ba?” saad pa ni Eliana niya, at pinaglaruan ang hawak na kutsilyo atsaka ihinagis ito sa pinto kaya napalunok sila ni Leianne. Ipinagpalagay na lang nina Mariel at Leianne na pinaglalaruan lamang sila ni Eliana. Hindi niya naman siguro papatayin ang mga kaibigan niya—matalik na kaibigan. “Teka, nasaan na ‘yong mga libro?” tanong na lamang ni Mairel, imbis na sumagot ay iniabot na lamang ni Eliana ang mga libro. “Pero paano natin maiintindihan ang nakalagay dito, eh nakasulat sa Latin tapos ang labo pa?” tanong ni Mariel at muling binuklat ang libro. Mabuti sana ay kung marunong siyang umintindi ng Latin. Kaso bukod sa Tagalog, English lang naman ang naiintindihan ni Mariel. “Itago na lang muna kaya natin iyan, at maghanap na lang ng iba pang impormasyon,” sagot ni Leianne kaya napatango si Mairel, ngunit kumunot lamang ang noo ni Eliana na senyales ng pagtutol. “Bakit? Anong masama roon?” tanong ni Mariel kay Eliana, ngunit makahulugang ngisi lamang ang isinagot nito. “Nothing...” matipid na tugon ni Eliana. “Wait, bakit tungkol sa mansion na ito ang pinagaaksayahan natin ng oras? Bakit hindi ang killer ang hanpin natin?” sunud-sunod na tanong ni Leianne. “Baka naman may kinalaman din itong mansion sa pagpatay ng killer,” makahulugang tugon ni Eliana. “What do you mean?” tanong ni Mariel ngunit hindi siya tumugon. “Paano kung sabay tayong maghanap ng impormasyon tungkol sa mansion at killer,” suhestiyon ni Leianne, ngunit tila hindi sang-ayon si Eliana dahil napatayo siya habang nakapamewang. “Iyan na naman, mangingialam na naman tayo sa killer, paano kung isunod niya tayo?” pagtutol ni Eliana, samantalang siya ang nagbigay ng ideya na baka may kinalaman ang misteryo ng mansion sa killer. “‘Di ba nag-aral tayo ng mixed martial arts noon? Pwede nating gamitin iyon para protektahan an gating sarili,” tugon ni Mariel na inayunan ni Leianne, ngunit pilit lamang na tumango si Eliana. “Maghiwa-hiwalay tayo para mas madali tayong makahanap, but aftet 1 hour balik tayo sa room 1,” bilin naman ni Leianne at pagkatapos n’on ay naghiwa-hiwalay na nga sila, hindi alintana ang panganib na maaring sumalubong sa kanila. Nagtungo sa third floor si Mariel; sumalubong sa kaniya ang masangsang na amoy. Napatakip siya sa kaniyang ilong dahil nagkalat pa rin ang dugo at mga laman ni Sir Joe sa sahig. Nag masid siya sa paligid upang makita kung may tao o wala. Tunog lang ng yapak niya ang nadidinig niya dahil hindi niya mahagilap ang iba niyang mga kaklaseng nagtatago. Puro antigong mga gamit ang nakikita niya, at mga rebulto na halatang makaluma. Luminga siya sa paligid at tinahak ang isa pang pasilyo. May nakita namansiyang pintong bakal na nangagalawang at may nakasulat na “do not enter”. Dahil sa sign na iyon, mas lalo siyang na-curious. Nag-aalinlangan siyang lumapit sa pinto, at wala sa sarili itong binuksan. Madilim ang paligid kaya kinapa niya ang dingding upang buksan ang ilaw. Pigil naman ang kaniyang paghinga, at sinisikap na hindi makaliha ng anumang tunog dahil baka masundan siya roon ng killer. “AAAAHHH!” Napasigaw siya sa gulat nang may gumapang sa paa niya. Napasandal siya sa matigas na bagay, ngunit pakiramdam niya ay may mali sa nasandalan niya. Hindi lang niya matukoy kung ano iyon dahil napakadilim. Hanggang sa nakapa niya na rin ang switch, at naibukas ang ilaw nang tuluyan, at tumingin sa likuran niya. Subalit sa kaniyang paglingon sa likuran ay halos mapaos na naman siya kasisigaw dahil sa kaniyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD