CHAPTER 7

2826 Words
Kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, o kahit pa tuluyan nang lamunin ng dilim ang liwanag habang buhay, palaging nasa huli ang pagsisisi. At kapag hindi ito naitama kaagad, maaaring dalihin sa huling sandali ang madugong higanti ng minsang biktima ng kasamaan. “ANO, nasaan na ‘yongi pinagmamalaki mong dignidad at matataas na mga grades mo?” tanong ni Rian sa kaklase niyang halos sumubsob na sa desk dahil sa pagkakayuko. Nakapamewang naman si Eila habang inip na naghihintay ng sagot. Hindi umiimik ang kanilang kaklase na walang magawa kundi humikbi. Naiiyak ang estudyanteng iyon, subalit may halong galit sa kaniyang sarili dahil napakahina niya para ipagtanggol ang kaniyang sarili. Ni hindi niya nga kayang mag-angat ng tingin para lamang ipakitang hindi siya matitinag. Para sa iba, hindi na uso ang gan’ong kahinang tao, subalit para sa kaniya, mayroon pa ring mga taong hindi maipagtanggol ang sarili dahil isa siya sa kanila. “Ano hindi ka sasagot?!” bulyaw ni Eila, at marahas na pinaayos ng upo ang kanilang kaklase. Mas lumakas ang mga hikbi nito, na siya namang mas ikinatuwa ni Rian. Maagagang-maaga pa lang ay inabangan na nila ang pagdating ng kanilang kaklase upang insultuhin nang insultuhin. Palibhasa ay hindi sila nilalabanan kaya gan’on na lamang ang pambubulalas nila. “Kawawa ka naman. Iniwan ka na nga ng kasintahan mo, kumalat pa ang scandal niyo!” asik naman ni Angel na sinabayan niya pa ng malakas na pagtawa. Sa pagkakataong iyon ay nag-angat na ng tingin ang kanilang kaklase, at handa ng depensahan ang kaniyang sarili. Gusto niyang linawin na hindi siya ang babaeng nasa kumakalat na scandal. Sigurado siyang edited ang videong iyon, at ibang babae talaga ang naroon—alam niya kung sino, subalit walang maniniwala sa kaniya. “Hindi ako ang nasa video si—” Hindi na pinatapos ni Rian ang kaniyang kaklase dahil mabilis niya itong sinampal. “Hindi ikaw? Ang linaw na ikaw ang nasa video, eh!” “Atsaka huwag ka na ngang magsisinungaling sa amin!” bulyaw rin ni Angel, at hinila ang kuwelyo ng kaklase. Nagmistulang kaawa-awa ang kanilang kaklase na dati ay tinitingala ng lahat. Tila naging pipi siya dahil hindi niya na magawang ipagtanggol pa ang kaniyang sarili, at kahit pa ilang beses siyang magsumbong sa kaniyang mga guro ay tila walang umaaksyon. Isa pa, kahit na siya ang nasa video, hindi iyon dahilan upang maliitin siya. Kumbaga, siya na nga ang biktima, siya pa ang yuyurakan at kakawawain. “Consistent Top 1 pero may scandal? Ang daptat na titulo mo ay consistent top b*tch!” pang-iinsulto naman ni Eila. Umalingawngaw ang tawanan sa apat na sulok ng classroom nang eksaktong nagsidatingan na ang iba nilang mga kaklase. “Hayaan niyo na siya. Baka sadyang nananalaytay na sa dugo niya iyan,” entrada ni Trina na kararating lamang, at tinaasan ng kilay ang kanilang kaklase. Walang oras na hindi nila binubulalas ang kanilang kaklase, at ipinapahiya kapag wala ang mga guro. Hanggang sa dumating ang araw na nagmakaawa na sa kanila ang kaklase nilang iyon. “Please, Rian, tama na. Wala naman akong kasalanan, pero bakit niyo ako pinahihirapan?” pagmamakaawa ng kanilang kaklase na lumuhod pa sa harapan nila habang umiiyak. Kapansin-pansing namumula na ang mga mata nito, at mapusyaw na ang kaniya labi at mukha. Nangayayat na rin siya nang husto dahil sa pambubulalas nina Rian, Angel, Eila, at halos ng buong klase. “Paano kung ayoko?” tugon ni Rian, at tumingin kina Angel at Eila upang hingin ang kanilang tugon. “No way! Ngayon nga lang ako nag-enjoy ng ganito,” tugon ni Angel at itinulak ang kanilang kaklaseng nakaluhod, dahilan upang matumba ito sa sahig. “Please, pagod na ako. Atsaka hindi ako ‘yong nasa video! Kung gusto niyong mag-enjoy sa buhay, huwag niyo akong tatapaktapakan dahil nasasaktan din ako!” pagdedepensa ng kanilang kaklase, ngunit napangisi lamang sila. Hindi man lang sila nakaramdam ng kaunting awa. “Hindi ka namin titigilan! At kung pagod ka na, magpakamatay ka na!” bulyaw ni Eila na siya namang tumatak sa isipan ng kanilang kaklase. Simula n’on ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na magiging matigas na ang kaniyang puso. Hindi niya na hahayaang kawawain pa siya, at kung maaari ay gagayahin niya na rin ang kaniyang mga kaklase, masabi lamang na malakas siya at maprotektahan ang sarili. “MATAGAL ka naman na naming tinigilan, isa pa pinagsisisihan na namin iyon,” pangangatwiran ni Rian. “Mabuti naman at naalala mo na.” Ngisi ng kanilang kaklase. “Please, patawarin mo na kami!” pagmamakaawa rin ni Eila. Ngayon ay nabaliktad na rin ang sitwasyon nila. Ang dating kinakawawa ay niluluhuran na upang kunin ang kaniyang loob para hindi sila patayin, at ang mga dating mapang-alipusta ay sila na rin ngayon ang labis na nagmamakaawa. Sandali namang napatahimik ang kanilang kaklase na tila ba may pinag-iisipan pa. Mayamaya’y muli itong lumapit kay Rian. “Sige, patatawarin na kita total sinabi mo namang pinagsisisihan mon a iyon,” tugon niya, at ngumiti kaya lumuwag ang paghinga ni Rian. Akala pa man din niya ay tutuluyan na silang patayin. “Ngunit ang kapalit ng kapatawaran ay KAMATAYAN!” dagdag ng kanilang kakaklas,e kaya napaiyak na lamang si Rian. Nilapitan siya ng kaklase inihaplos ang dulo ng kutsilyo sa mukha niya. “Sandali, may kukunin lamang ako,” saad ng kaklase at lumakad papalayo. Liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag nila, at lahat sila ay nakagapos. Hindi nila alam kung paano sila makatatakas sa lugar na iyon. “A-Ano na ang gagawin natin?” tanong ni Angel, pero tulala lamang si Rian, at nagising sa katotohanan nang dumating na ang kanilang kaklase. “Well, ito ang gagamitin ko sa inyo,” wika niya, at ngumisi na parang isang demonyo. Nanlaki ang mga mata ni Rian nang makita ang maraming kutsilyo na may iba’t ibang talim at sukat. “Anong gagawin mo?” sindak na sindak na tanong ni Rian, at pilit na kumakawala. ‘Di umimik ang kanilang kaklase, bagkus ay tinanggal niya ang pagkakatali ni Rian sa upuan ngunit nanatiling nakatali ang mga kamay at paa nito. “Eila and Angel, watch me!” utos niya at una niyang dinampot ang kutsilyo at nilaslas ang mga tainga ni Rian. Tanging sigaw na lamang ang naririnig nila. Umagos naman ang maraming dugo mula sa tainga ni Rian. Halos hindi masikmura ni Eila ang mga pangyayari. Pilit niyang ipikit ang mga mata niya ngunit hindi niya magawa na tila ba nasa isa siyang bangungot. Sumigaw sa sakit si Rian at pawang alingawangaw niya ang nadidinig sa madilim na paligid, at kahit pa sumigaw siya nang malakas, tila walang nakakarinig sa kanila. “TAMA NA, PLEASE!” pagmamakaawa niya, pero hindi siya pinakinggan. Nang matapos siya sa paglaslas sa mga tainga ni Rian ay nagsalita siya. “Tama lang ‘yan! Nagbingi-bingihan ka noong nagmakaawa ako!” bulyaw ng killer, at isinunod niya ang mga mata ni Rian. Muli namang napasigaw si Rian kaya mas lumawak ang ngisi ng killer. Nasisiyahan siya sa tuwing naririnig ang palahaw ni Rian. “Ang lalaki ng mga mata niyo pero nagbubulag-bulagan kayo!” “Please, tama na! Maawa ka naman sa amin, please,” hagulgol ni Eila sa killer; baka sa kaling mabago niya ang pag-iisip ng kanilang kaklase. “Maawa? Alam niyo ba ang salitang maawa? Noong nagmakaawa ako sa inyo noon, kinaawaan niyo ba ako?” bulyaw pa niya, ngunit kapansin-pansin ang pagragasa ng kaniyang mga luha. Agad niya namang pinunasan ang kaniyang mga luha. “Ituloy na ang palabas!” Napasigaw na lamang ang dalawa sa sinapit ni Rian. Matapos saksakin ng killer ang mga mata ni Rian ay nagulat na lamang sina Angel at Eila nang pagsaksakin ng kanilang kaklase si Rian sa kaniyang magkabilaang braso. Hinang-hina na si Rian kaya hindi niya na magawang makalaban pa sa kaklase na tila nababaliw na. Tumalsik ang maraming dugo sa dalawa maging sa mukha ng killer. Ang mga sahig at pader ay puno ng dugo. “Please, tama na!” muling pagmamakaawa ni Angel, ngunit hindi sila pinansin ng killer. Napapikit na lamang si Eila sa takot nang itarak na ng killer ang nangingislap na kutsilyong nababalutan ng dugo sa dibdib ni Rian. Iginuhit pabilog sa tiyan ni Rian ang barena at nagtalsikan ang mga dugo hanggang sa dumiin ng pailalim ang talim ng barena. Napuno ng sigawan at alingawngaw ng barena ang madilim na gabi. “Hindi ka na naawa sa kaniya! Nababaliw ka na talaga!” sigaw ulit ni Angel, ngunit nagbingi-bingihan lamang ito, na dahilan ng pagkainis ni Eila. Ang hindi alam ng killer ay natanggal ni Eila ang pagkakatali niya sa upuan, kaya sinugod niya ang killer at sinakal. “HAYOP KA! MAMATAY TAO KA!” sigaw nito, at pinagsasabunutan ang kaniyang kaklase, ngunit mas malakas ito kaya naitulak si Eila. “Hindi ko hahayaang masira ang plano ko kaya isusunod na kita!” Kasing bilis ng pagkurap ng mata ang paggalaw ng killer. Agad niyang nasaksak ang binti ni Eila. Napasigaw si Eila kasabay ng pagtatalsikan ng mas marami pang dugo; hindi nakatayo si Eila. “At dahil kinalaban mo ako, isusunod na kita!” sigaw kay Eila ng killer, at ibinaon niya nang malalim ang kutsilyo sa tagiliran ni Eila. Napadaing si Eila, at kasabay n’on ay ang pagsuka niya nang napakaraming dugo. “Please, tama na, huwag mo kaming papatayin!” pagmamakaawa na naman ni Angel, ngunit ‘di na naman siya pinakinggan. “Panoorin mo nang mabuti ito, Angel,” utos sa kaniya ng killer kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Itinuloy lang ng killer ang kaniyang ginagawa, at isinaksak sa mata ni Eila ang kutsilyo. Tuluyan nang binawian ng buhay si Eila gaya ni Rian, kaya’t si Angel na lamang ang natira. “Don’t worry, mangyayari rin sa iyo iyan,” saad ng killer, at lumapit kay Angel, dala ang iba pang kutsilyo. Nangingislap pa ito at hindi pa nababahiran ng dugo. “Anong gagawin mo?” kinakabahang tanong ni Angel. “Sabi ko nga sa iyo, mangyayari rin sa’yo ang sinapit nila,” sagot nito, at ngumiti ng malademonyo. Hindi makagalaw si Angel, ni sigaw ay walang lumalabas sa bibig niya. Isa pa, hanggang ngayon ay nakatali pa rin siya. Napapikit na lamang si Angel, hanggang naramdaman niya na may malamig at matalim na bagay sa leeg niya, at ‘di naglaon ay biglang nag-init—init ng dugo. Nagtalsikan ang mga dugo at unti-unti na siyang nanghina. “Any last words?” “BALIW KA NA!” Iyan na lamang ang tanging nasabi ni Angel nang ibaon ng killer ang kutsilyo sa puso niya. Nagtagumpay ang killer, nakabawi na siya sa mga umapi sa kaniya; nakabawi siya sa paraang hindi makatao. Ang bawi niya ay sobra-sobra pa sa ginawa sa kaniya. “HAHAHAHAHA! IISA-ISAHIN KO KAYO!” Humalakhak siya habang tinitignan ang kaawa-awang sinapit ng kaniyang mga kaklase. Matapos niyang gawin ang kriemn ay inilabas niya ang tatlong bangkay, at inilagay sa sala. Nag iwan din siya ng katagang: “Iisa-isahin ko kayo! Mamatay kayo! Maghihirap kayo ng dalawang linggo!” ‘Yan ang nakasulat sa papel gamit ang dugo. Nagtungo siya sa kuwarto kung nasaan ang kanilang mga portraits. Binasag niya ang portraits nina Rian, Eila, at Angel, at gamit ang dugong nakabalot sa kaniyang mga kamay, ipinahid niya iyon sa mga portraits na tila may isinulat. Ang portrait ni Rian ay nabahiran ng dugo, kung saan may nakasulat na “1”. Kay Eila naman ay “2”, samantalang kay Angel naman ay “3”. Matapos n’on ay nilinis na niya ang kaniyang sarili, at pumasok na siya sa isa sa mga kwarto, at tumabi sa mga kasama nito. KINAUMAGAHAN ay iginala ni Mariel ang paningin sa mga kasama niya, at laking pasasalamat niya nang makitang kumpleto sila. Walang namatay sa mga ka-room mate niya. Dahil sa nababagot siya, lumabas muna siya para magpalamig, ngunit naroon ang kaba sa kaniyang dibdib na baka paglabas niya ay may papatay sa kaniya. Pagkalabas niya ay dumiretso siya sa sala, ngunit pagkarating niya roon ay hindi siya makagalaw sa kintatayuan niya. “AAAHHH!” Napasigaw siya na dahilan ng pagkabulabog ng iba pa niyang mga kaklase “Anong nagyari----AAAHHH!” napasigaw rin si Leainne nang makita niya ang bangkay ng tatlo nilang mga kaklase. “Sino ang may gawa nito?” tarantang tanong ni Geam, at agad na lumapit kay Mariel. Napatakip si Geam sa kaniyang bibig, at ang mga kamay niya ay nanginginig. “Anong kaguluhan ito?!” Bigla namang sumulpot sina Sir Joe at Ma’am Kate, kaya nagsiksikan ang buong klase sa sulok, at nakatitig lang sa bangkay nina Rian, Eila, at Angel. “Nag mamaang-maangan pa kayo! Aminin niyo ng kayo ang pumatay sa kanila!” sigaw ni Ann kina Sir Joe at Ma’am Kate. Wala pa rin silang ideya na isa sa kanilang magkakaklase ang salarin. “Hindi nga kami ang killer! Mamamatay tayong lahat kung kami ang ituturo niyong killer!” singhal ni Sir Joe, kaya napatahimik ang buong klase. “Oo nga pala, pumunta kami sa pinaglagyan ng mga gadgets niyo, at nadatnan naming ganito ang nangyari,” saad ni Ma’am Kate, at ipinakita sa kanila ang kahong laman ang basag-basag na gadets at batteries na wasak na rin. Napaiyak na lamang ang buong klase, at mas lalo silang nawalan ng pag-asang makakaligtas sila sa lugar na iyon. Napukaw naman ng atensyon ni Mariel ang papel na nakalapag malapit sa bangkay nina Rian. Agad niya naman iyong pinulot. “Teka, may sulat dito,” wika niya, at binuksan ang papel na nakatupi. Dugo ang ginamit na panulat kaya mahirap tukuyin kung kaninong sulat iyon. “Basahin mo na,” sabi ni Joanne na sabik na sabik ng malaman ang totoo. “Iisa-isahin ko kayo! Mamatay kayo! Maghihirap kayo ng dalawang linggo!” “T-Tayong lahat? Mamatay?” hindi makapaniwalang tanong ni Eliana. “Hayop man kung sino ang gumawa nito!” pagmumura ni Joanne, ngunit bakas ang takot sa kaniyang mukha. 35 silang magkakaklase, at ngayon ay 32 na lamang sila. Posibleng mabawasan pa sila anumang sandal. Ang katotohanang iyon ang mas nagbigay ng takot sa kanila. “Hindi talaga kami ‘yon, maniwala kayo!” pambasag ni Sir Joe sa katahimikan. “Eh, nasaan kayo kagabi?” tanong ni Rain. “Naligaw kami sa kagubatan,” matipid na sagot ni Ma’am Kate. Hindi naman na siya muling inusisa ng buong klase, subalit hindi kumbinsido ang iba sa alibi ng kanilang mga guro. Para sa kanila, kung tutuusin, wala naman silang naiisip na gagawin ng kanilang mga guro sa kagubatan. “Saan natin ilalagay ang mga bangkay?” tanong ni Trunks, ngunit walang umiimik. Nakakakilabot ang ginawang pagpatay tatlong nilang kaklase, kaya walang nagpepresenta para magdala sa mga bangkay. “Sino ang magdadala?” pag-uulit ni Mae sa tanong ni Trunks, sabay tingin kina Leianne. “Alangan naman na kami! No way!” tugon naman ni Leianne. “Para maniwala kami na hindi kayo ang pumapatay, kayo nalang ang magdala niyan sa basement,” ngisi ni Eliana sa mga guro na walang nagawa kundi sundin ang dati nilang mga estudyante. Bawat isa ay nag-iisip sa kung sino ang posibleng salarin. Sa kanilang pananahimik naman ay ang biglang pagdating ni Demi na mula pa sa third floor. Humahangos ito at halos hindi makapagsalita. “Oh, ano namang nangyari sa iyo?” tanong ni Chad kay Demi. “‘Y-Yong mga portraits natin sa second floor!” tugon niya kaya hindi na sila nagdalawang-isip pang pumunta roon. Pagkapasok nila sa kuwartong iyon bumungad sa kanila ang nalaglag sa sahig na mga paintings ng portrait nina Rian, Angel, at Eila. Nagkalat na rin ang mga bubog sa paligid dahil sa pagkabasag ng frame. Mas kapansin-pansin namang ang portrait nina Rian ay nababalutan na ng mga dugo. “A-Ayoko na rito!” hinagpis ng isa nilang kaklase, at dali-daling lumabas. Gano’n din ang iba kaya nagkahiwa-hiwalay sila. Nanatili naman doon si Mariel at nakatitig lamang sa tatlong portraits na nababalutan ng dugo. “P-Posible kayang maging clue a-ang mga ito?” tanong ni Mariel, ngunit pagkatingin niya sa kaniyang tabi ay wala na pala siyang kasama. Buong tapang siyang lumakad para hanapin ang kaniyang mga kaibigan na agad niya namang natanaw. Ngunit mayamaya pa ay may narinig silang malakas na pagkalabog mula sa third floor. “Guys, ano ‘yon?” gulat na tanong ni Eliana na patakbong lumapit kay Mariel. “Tara sa taas. Parang may kakaiba, eh,” saad ni Mich. Dali-dali naman silang umakyat sa itaas. Ang lakas ng mga yabag ng mga paa nila dahil gawa sa kahoy ang hagadan. Pagdating nila sa taas ay hindi nila inaasahan ang sumalubong sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD