3

2258 Words
Halos hindi maimulat ni Vianna ang mga mata dahil parang mabibigat ang talukap ng mga iyon. Para siyang bangag sa hindi niya malaman na rason. She’s trying to remember what happened until it suddenly came inside her mind. Napamulat siyang tuluyan nang maalala niya na sumakay siya sa isang private plane, named, BH Villamor. Vianna sat on the bed and scanned the room. She’s in a different room. Alam niyang nasa Manila na siya. Hindi na sariwa ang hangin  sa kwarto niya. Malamig na malamig sa loob na halos magyelo na yata ang katawan niya. Sa hacienda, bukas lang ang bintana niya at masarap ang hangin sa umaga. Dito, masarap din pero artificial. The room is so big but she does not like where she is. Bumuntong hininga siya at tumingin sa mesa. Nasa isang rack ang cellphone niya. May missed calls na doon kaya agad niyang inabot. May isang missed call ang Daddy niya, dalawa kay Angeline at anim naman kay Edward. There are few messages, too. Good night, Via. Text back Daddy as soon as you read this msg. Dad will miss u. Did your Kuya fetch u? Sori I never informed u but I asked him to look after u while I’m away. I love u. She composed a message right away. May sugat ako, Didi. Hinabol ako no’ng wrestler na tauhan ni Kuya. Nagasgasan ako sa tuhod saka on my braso. I took a pill to sleep b4 the flight. Sana I just came wid u na lang kaht I’m afraid of planes. Kagigising ko lang Didi. I love u 2. Sana hindi na lang siya iniwan no’n sa masungit na si Brandon. She can take care of herself. She’s already a big girl anyway but she does not want to question her known father, too. Malaki ang tiwala niya sa mga desisyon no’n para sa kanya. Malaki ang paggalang niya roon. She read another message from Angeline. Via, nanjan k na ba? Nagpaplano kami ni Edward na pumunta. Magpapaalam ako ky Papa ska kay Mama. Baka payagan naman ako. Nag-compose ulit siya. I’m here na. Gs2 ko ng umuwi. It’s so cold here. Bilisan niyo na pumunta kasi ayoko rito tlga. Binasa niya ang text, galing naman kay Mona. Bby nmin na mgnda, txt mo aq agd. Nnjn knb? Masungit pb ang kuya mo? Gwapo pa rn ba? Napasimangot siya. Yaya Mona, kggcng ko lang. Yes, I’m here na. I never met him pa. Hoping di ko na mameet pa. Hoping na swanget na siya kasi ang taong masungit, tumatanda agad saka kumukulubot ang mukha. Lastly, she smiled when she opened Ward’s message but there’s a knock at her door. Bumukas iyon matapos ang warning knock at napakurap-kurap siya nang makita ang bagong mukha ng isang tao. Nakangiti ang babae sa kanya, may dalang mga makakapal na twalya at mga pink na roba. Naka-uniporme ang babae at may headband pang pang-yaya. “Good morning, Miss Vianna.” Bati nito. “G-Good morning. What’s your name po?” “Adela at your service. Ako ang mag-aasikaso sa’yo habang nandito ka kasi sabi ni Manang Josie, may yaya ka raw sa hacienda. Bilin ni Señor Harrison na bigyan ka rin ng yaya dito, at ako raw ‘yon.” Lalong lumapad ang ngiti nito habang pinagmamasdan siya. “Ang ganda mo kahit bagong gising. Sana mahawa ako kahit konti ba.” Vianna giggled. She likes the woman. Parang ang Ate Mona rin niya ito kung magsalita. “I like you na.” maganda siyang ngumiti rito kaya para itong nanginig pa bago pumasok sa banyo. Binasa niya ang message ni Edward. Bhe, are you okay? Are you safe. Call me back, please. I’m worried. I’ll fly there asap. Don’t worry. I love u. Shaks! Si Edward ang taong showy sa nararamdaman para sa kanya at hindi iyon nahihiya na hawakan ang kamay niya kahit sa publiko. Wala pang sila pero may mutual understanding na rin naman. Hi Ward, I’m okay. I’m so sorry, nakatulog ako ng matagal. Mamaya, I’ll call you. Take care much. Binasa lang niya ang iba pang messages pero hindi na siya nagreply. Bumaba siya sa kama at habang kakanta-kanta si Adela sa loob ng banyo ay lumabas siya kahit na nakapaa. Nakamasid siya sa bawat madaanan na parte ng bahay. Iba ang bahay kaysa sa mansyon sa probinsya. Ang bahay na ito ay gawa sa semento at karamihan ay salamin na nagkukulay berde. She walked and looked around. Bumaba siya at nang wala siyang makitang tao ay naglibot pa siya sa ibaba. Umikot siya sa may hagdan at napadaan siya sa isang bar, may mga alak, may mga stool, may billiard tables. Dumaan din siya sa isang open room, o mas tamang sabihin na mukhang function hall. Saglit siya roon na tumigil at napatulala siya sa isang malaking portrait. It’s a man—indeed a drop dead gorgeous man. Nakapamulsa iyon at seryoso ang tabas ng mukha habang suot ang isang itim na Amerikano. Hindi niya kilala ang lalaki pero pamilyar sa kanya ang berde nitong mga mata. He doesn’t look that foreign anyway but his eyes scream that he’s not pure blooded Filipino. His hair is long and curly. Napalunok siya. Alam niya kung sino ang lalaki at dapat ba niyang sabihin na inaasahan na niya na magiging ganito ito kagandang lalaki? Wala siyang maalala sa physical features nito, especially facial features but she knew that she called him ‘maganda’. Hmp! Masungit pa rin ang hitsura niya kahit na gwapo siya. Agad siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad habang palinga-linga. Vianna went out when she saw an open two way sliding glass door. Tiles na ang paligid pagkatapos ng mga dalawang metrong lapad ng granite na sahig. Karugtong no’n ang magaspang na tiled flooring. She walked again. Natanaw niya ang swimming pool kaya nagmamadali siya. Mga ilang metro na lang ang layo niya sa naaabot ng tubig ay may napansin siyang parang stage sa gitna ng pool. May bubong iyon na salamin at apat na poste sa bawat gilid. There are five lounge chairs so she hurriedly took her steps to check it. Pupunta siya roon dahil may nakikita naman siyang tulay na naiibabawan din ng tubig pero hindi malalim She watched her steps so she wouldn’t slip but when she looked at one of those sunbeds, she was horrified. Nanlaki ang mga mata niya nang makakita siya ng lalaki na hubad ang itaas, nakasunglass pero may nakapatong na babae, no—kalahati lang ang nakapatong. Naglilingkisan ang dalawa at kahit na gusto niyang tumakbo, napatulala talaga siya. Pinagmasdan niya ang dalawa. Humahawak ang mga iyon sa maselang parte ng katawan ng bawat isa habang magkahinang ang mga labi. Nakasuksok ang kamay ng babae sa loob ng napakaliit na swimming trunk ng lalaki. Parang magpapalit na ng mga bagang ang dalawa sa paraan ng paghahalikan ng mga iyon. She gulped and held her throat. Biglang tumingala ang babae at dumaing nang malakas kaya napanganga siya. It echoed in her mind. Wala pa siyang nakikitang naghahalikan nang live sa probinsya ng Camarines Sur. Nasaktan na yata iyon. Vianna blinked. She kept on looking. Hindi niya alam ang nararamdaman niya pero gusto niya ang nakikita niya. May epekto ‘yon sa katawan niya. Bigla na lang tumigil ang lalaki sa paghalik sa leeg ng babae at tumingin sa kinatatayuan niya. Yay! “You!” duro nito sa kanya kaya kahit na hindi itanong pa ay kilala na niya ang lalaki. Si old brotherhood. Diyos ko po! Agad siyang tumalikod at nagmamadaling nanulay sa makitid na daan pero bigla siyang nadulas at napatili. Her heart pounded. She panicked. She doesn’t know how to swim! “K-Kuya!!!” tili niya habang kumakampay pero lumulubog siya nang paulit-ulit. “Jesus Christ!” sigaw no’n pero napasinghap na si Vianna. Naiiyak siya pero tuluyan na siyang lumubog sa tubig na nagkukulay blue green. Hindi siya huminga pero pikit na pikit ang mga mata niya sa ilalim ng tubig. Mamamatay na yata siya. Lahat na lang hindi niya kayang gawin. She doesn’t know how to ride her horses. She doesn’t know how to play the piano. She doesn’t know how to use her paint brushes. She never learned how to swim. Ang alam lang niya, mag-aral, gumawa ng scripts and those aren’t helping her at that moment. Naiisip niya iyon pero agad siyang napasinghap nang bigla siyang umahon. “Didi!” she panicked again and coughed. Tumutulo ang luha niya pero agad siyang yumakap sa sumagip sa kanya. She even locked her arms around the person’s nape. “Daddy...” umiiyak na tawag niya sa ama-amahan. If she never left hacienda Villamor, this will never happen to her. Muntik na siyang mamatay. “Diyos ko po!” tili ng pamilyar na boses at parang nagpapanic pa—si Adela. “Damn it!” mura ng lalaking kayakap niya kaya agad niya itong natingnan at ang dapat na paghikbi niya ay nabitin. Si Brandon. “You’re not closely eyeing this brat! Ano bang ginagawa mo, Adela?! Naninilip na ang alaga mo, nagbabasa ka na naman yata ng w*****d! Isa na lang, sesante ka na!” galit na daldal pa nito pero nakatulala siya. She’s closely looking at his face, just an inch away from hers. He’s rough. He’s every inch of a man and not just a boy. He has red thin lips. He has stubble. He has thick brows and thick lashes, dark brown in color. He has strong jaws. He has nice pair of dimples and show when he speaks. Laking gulat ni Vianna nang itulak siya nito sa gilid ng swimming pool habang haklit siya sa baywang. Agad siyang natauhan. Sa stainless na hawakan na siya napahawak at kukurap-kurap na pinapayapa ang dibdib niya. “Such a voyeur.” He grumbled, looking at her eyes. Nakakasunog ang mga mata nito. Napatingin siya ulit dito at tinitigan niya nang husto. What did he just call her? “Sa susunod, ‘wag kang maninilip! Mamamatay ka pa sa paninilip mo!” galit na sigaw nito sa kanya kaya napapikit siya. Walang hiya. Talsik mo, lumalaway! Pero ang bango ng laway nito. Magpapasalamat pa naman ang dalaga kaya lang hindi na, binabawi na niya. “Excuse me!” singhal din niya rito kaya para itong natilihan. “Ngi!” Panic ni Adela sabay kagat sa daliri. “H-Huwag ka ng sumagot.” “Hindi ako nanilip! Ikaw itong malaswa na nakikipagkapaan sa labas ng bahay. You’re a governor yet you’re almost having s*x outside your room! So, don’t blame my eyes if I saw what you’re doing and don’t dare blame my foot if I slipped!” mataray na palatak niya sabay talikod niya. Naiinis niyang iwinaksi ang mga braso nito na nakahawak sa baywang niya pero nang mapansin niya na wala pa siyang maapakan ay agad din siyang nataranta. “K-Kuya!” tili ulit niya saka siya halos mapayakap kay Brandon. Agad siyang nangunyapit at pati mga hita niya ay ipinulupot na niya sa katawan nito. “Kuya?” inis na tanong nito sa kanya at saka siya marahas na dinala sa may hagdan. “Go back to your room!” he pointed away but she haughtily turned her back. Pinahid niya ang luha. Hmp! “You don’t have to yell! I’m not deaf!” taas noo na siyang naglakad. “Shut that mouth!” “Do the same! Magpapasalamat pa naman sana ako kaya lang ‘wag na lang. You don’t deserve it. You haven’t changed a bit as far as I could barely remember but sorry to tell you that I’m no longer that little kid who’s afraid of your dark green eyes and your voice!” “Damn it! Lumayas ka na!” “Ah talaga! Hindi mo ako kailangan na palayasin. Didi never did that to me. As if I like the idea staying here with you. Sino ba ang nagpasundo sa akin, sarili ko ba? Di ba ikaw, matandang hukluban!” irap niya. Ito siguro ang dahilan kaya tinuruan siya ng Daddy niya na lumaban at hindi maging tulad ng nanay niya na parating talunan. Sa pagkakatanda niya kasi, parati na lang umiiyak ang Mama niya kapag umuuwi iyong isa niyang ama na lasenggo. But since they live with Harrison, her outlook changed, too. Harrison took care of mother and it isn’t true that husbands make their wives cry. Sinalubong siya kaagad ni Adela at inalalayan. She’s wet and cold. “Naku, dapat hindi ka na sumagot.” Pakialam niya ba. Kahit pa kagalitan siya ni Brandon, hindi siya natatakot. If he’s fierce, she is fiercer. What a terrible start to begin her day. First day pa lang niya, nagkaletse letse na. Hindi talaga siya bagay sa Maynila. Tatakas na lang siya kapag dumating na sina Edward. Uuwi na siya sa hacienda Villamor. Ayaw niya na kasama ang imoral na gobernador at ipinaglihi sa sama ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD