Kinukulit ni Vianna ang mga kasambahay na sabayan siya sa pagkain pero wala ni isa man ang mangahas na maupo sa mga bakanteng sila at saluhan siya. Lahat ng masasarap na pagkain, nasa harap niya. Sanay na siya sa ganoon dahil sa hacienda ay parati ring parang may fiesta pero ngayon ay kumakain siyang mag-isa. She was a bit offended when Brandon never called her to join dinner but she just brushed it off. Bakit nga ba naman siya isasabay ng mga iyon na kumain? Sukdulan yata hanggang langit ang pagkamuhi ni Henrietta sa kanya na kahit na may asawa na ‘yong iba ay hindi pa rin yata nakakapag-move on. “Sige na please…” ipinagsiklop niya ang mga palad habang nagpapa-cute sa mga babaeng nakahilera sa harap ng pagkahaba-habang mesa. Twenty-four seaters lang ang mesa nila sa mansyon sa probins