Nang makita ko ang text ni Ms. Monic ay kaagad kong pinuntahan ang address na ibinigay nito sa akin. Ilang minuto ang byahe ko sakay sa jeep. Dala ko pa ang bag ko. Ano na lang kaya ang sasabihin ni Mr. Grey kapag nakita niyang may dala akong malaking bag? Baka bigla na lang akong tanggalin nito. Dire-diretso akong pumasok. Nagtanong ako sa reception at pina-assist ako nito sa isang babaeng staff at dinala ako sa office ni Mr. Grey. Isang mahinang katok ang ginawa nito bago ko narinig ang isang misteryosong boses ng lalaki sa loob. 'Yon na yata si Mr. Grey. Pinapasok kami kaya kaagad binuksan ng babae ang pinto. Bumungad sa amin ang isang lalaking nakatungo habang nakaupo sa isang swevil chair seryosong nakatutok sa laptop nito. Sa harap naman nito ay may isang babaeng staff rin dito.