Naghabulan kami ni Danica sa pambata lang na pool dahil iyon lang ang naaabot niya. "Mommy ikaw na ang taya!" sigaw ni Danica. Naglaro kami ng truth or dare. Kaya si Danica na ang magtatanong sa akin. Lumapit siya sa akin tsaka hinawakan ang kamay ko. "Mommy, truth or dare?" tanong niya. Napaisip pa ako bago sinagot ang tanong niya. "Truth?" iyon ang pinili ko. Natawa si Danica tsaka napalingon sa kinaroroonan ng Daddy niya. "Mahal mo ba si Daddy?" ang lakas pa ng boses niya at alam kong rinig na rinig iyon ni D. Napangiwi ako. Sa dami ng pwedeng itanong nitong anak ko. Iyon pa talaga. Sa susunod dare na ang pipiliin ko. Nag lingunin ko si Dustin nakatingin na naman ito sa kinaroroonan ko. Tila nakatitig at hinihintay ang sagot ko. Ano ba isasagot ko? "Mommy, ang tagal na