"Mamaya - maya ay aalis na sila. Tinawagan lang kita dahil alam kong galit na galit pa sa 'yo ang pamangkin ko. Alam kong hindi mo alam ito kaya sinabi ko sa' yo. Nag-aalala lang ako, Iris. Nag-aalala lang ako sa 'yo." Nang sabihin iyon ni Drake ay kaagad kong tiningnan ang orasan at alas otso pa lang ng umaga. Pinatay ko kaagad ang tawag niya na wala man lang paalam. May oras pa ako para mahabol ang kanilang flight. Nawala na ako sa sarili ko. Hindi pwedeng ilayo ni Dustin sa akin si Danica na hindi man lang kami nagkausap. Hindi ko man lang nga siya nayakap ng umalis ako ng hospital. "Iris, saan ka pupunta?" tanong ni nana. Sa pagmamadali ko ay nadaanan ko na lang si nana sa sala. "Aalis po muna ako nana. Ilalayo ni Dustin sa akin si Danica. Hindi pwedeng hindi ko man lang nakausap o