Breakdown Tumayo ako at pinasa na ang answer sheet ko. Pangatlo ako sa mga natapos. Napailing ako at pilit na ngumiti kay Ghunter. Tinanguan niya lang ako. Alam kong kanina pa siya tapos pero tinatamad lang siyang magpasa. Or for whatever reason he has, he's doing it on purpose. "Thank you po," sabi ko sa aming guro nang palabasin na niya ako. Hinanap agad ng mga mata ko si Colt nang nakalabas na at natagpuan ko siyang nakasandal sa pader. Nakahawak ang isang kamay sa kanyang itim na bag habang nakayuko ang kanyang ulo na tila wala sa sarili. Sinimulan kong maglakad patungo sa kanya at napansin na niya ako. Mabilis siyang sumulyap sa akin at umayos ng tayo, para bang napapaso kapag tinitignan ako nang matagal. To be honest, it broke my heart into pieces. And for that moment, I though