Reasons Lumabas lang ako sa kuwarto nang sumapit na ang oras na pinakahihintay ko. Alas onse ng tanghali at tahimik ang pasilyo ng second floor. Walang mga katulong at wala rin si Romeo. It's Sunday kaya hindi na ako magtataka kung wala halos tao rito sa bahay ngayon. Laging nagsisimba sina Yaya Jupiter at sa mga ganitong oras ay madalas silang wala. Nag-vibrate ang hawak kong phone. Nagmensahe si Ghunter. Ghunter: I'm on my way. Humugot ako ng malalim na hininga. Ano man ang mapag-usapan namin pagkatapos ng araw na ito, sana makatulong 'yon para maayos namin ang relasyon namin ni Colt. Dumako ako sa kusina at hindi ko inaasahang maaabutan ko si Romeo na nakaharap sa bintana habang may kausap sa kanyang phone. Hawak niya ang isang shot glass at may laman iyong alak. Napataas ako