Prelude 1

2994 Words
Year 2007 Nine years ago (9 years old) Thinking about our memories before, it still felt like... it just happened yesterday... Dahan-dahan kong nilapit 'yung ilang daliri ko sa malaking butas ng ilong ng yaya ko. Halos magdiwang ako nang mapatunayan kong mahimbing pa ang tulog niya kaya lumabas na ako nang naka-tiptoe sa kuwarto niya, palabas ng bahay, at patungo sa tapat namin. That was my almost everyday routine. I was nine years old back then. And Colt was my age as well. "Colt! Cooolt! Cooooolt!" paulit-ulit na sigaw ko sa harap ng gate nina Colt. Tumakas lang ako sa bahay noon. Maaga kasi akong pinatulog ni Yaya Jupiter kagabi kaya hayun tuloy, naunahan ko pa iyong manok sa pagtilaok. I always do that. Especially when I wasn't feeling sleepy. I would always knock on their door. Or more like, bang their gates just for Colt to attend my immature requests and queries. I chuckled. Tuwing naiinis ako sa tagal niyang lumabas, parang lagi ako nakikipag-away sa tarangkahan nila, wala nang mapagbuntungan ng galit. Nasaan na ba kasi 'yun?! Lagi na lang. Bata pa lang kami, noon pa man, ang kupad-kupad na talagang kumilos ng antipatikong iyon! Nabalik ulit ako sa gate nina Colt. Ang tagal naman niyang lumabas! I would always think back then, Bored na si Coleen. Heck, naaalala ko na naman ang kawawang hitsura ng nine-year-old self ko. Laging inaalipusta talaga ng lalaking iyon! "Colt..." I whispered. Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Mas lumamig pa lalo. Mas guminaw ang pakiramdam ko noon, mas nagsitaasan ang aking mga balahibo kaya wala akong ginawa kundi ang ikuskos ang mga kamay at yakapin ang sarili dahil sa lamig. "Colt. Wake up... Let me in," malambing kong sabi na animo'y maririnig niya ako mula sa loob. Naglakad ako papalapit pa sa kanilang gate. Huminga ako nang malalim at pilit na tinataasan ang talon. Ugh. Bakit ang taas ng doorbell nila? Iyon ang lagi kong tanong noon na para bang isang misteryo kung bakit ako isinilang na bata, dahil natural, maliit ako! It's too high that even if I jumped, I couldn't lay even a single touch! Napanguso ako at humalukipkip. "Bakit si Colt kayang abutin 'yung doorbell? Bakit ako, hindi?! Life is unfair! So unfair!" untag ko habang may pagpadyak-padyak pa sa semento. Tulad ko na si Yaya lang ang kasama sa bahay, ganon din ang kapitbahay ko na si Colt. I wanted to befriend him but he didn't want to. Noon kasi, 'yung mga kasing edad kong mga batang babae, tinatarayan lang ako. Hindi ko alam kung bakit kaya naman ang lagi ko na lang na iniisip, insecure sila! Insecures. Yeah, insecurities. That's what Yaya Jupiter kept on telling me when someone dared to bully me. She said, I should not mind them because they are bad to my heart! Colt with his family. That time, it was almost a year since they got in the same village. Katapat-bahay lang namin sila. Naisip ko dati, baka kapag boys naman hindi ako tatarayan, 'di ba? But I was wrong - I pouted on the idea everytime I remembered it. Kapag minamalas ka nga naman kasi, mas mataray pa siya compared sa other girls! But it was fine naman. Sa mga babae kasi at bratinela, nakakairita at nakakakulo ng dugo. While with Colt... I found it cool! Lalo na't bata pa lang ako at... medyo kulang sa pansin at kaibigan. Naisip ko, lalaki siya. Hindi niya kailangang mainggit sa dimples ko, sa pink lips ko, sa eyelashes at lalo na sa umaalon kong buhok. Yeah. Definitely not so him. It's lame. And I think he's not gay naman. Umihip na naman ang nakakakilabot na hangin kaya dumampot ako ng tatlong bato sa mini-garden nila sa harapan. "Colt!" sigaw ko at hinagis 'yung isang bato sa gate nila. "Come down, you sleepy-headed!" Sabay bato pa ng isa. "In a count of three!" aniko at inambang ihahagis pa 'yung huling bato na natitira sa aking kamay. Namilog ang mga mata ko nang bumukas na sa wakas ang gate. Tuwing naaalala ko ang cute na hitsura niya noong mga bata pa lang kami, parang gusto ko na lang lagi na bumalik sa pagkabata. O kaya naman, kapag randomly at na-miss ko ang hitsura niya noon, bubulabugin ko na lang siya na kuhain ang photo album namin! "Don't you dare throw it, kid," hikab niya at kinusot 'yung mga mata. Napangiti ako nang lumabas na si Colt. Ngunit mas lalo pang lumawak nang masaksihan ko ang hitsura niya. He's with his PJs pa. He really looked cute. It makes me turned on... to befriend him more. I folded my arms. Ngumisi ako. "Look who's talking." Ni-head to foot ko siya at nakita kong bahagyang namula nang kaonti ang mga pisngi. But then, napasimangot ulit ako nang humikab lang siya at tinaas-baba niya pa ang kamay sa bibig while doing that. Congratulations, Colt. You annoyed me again without exerting much effort! Pero sa isang kisap-mata, may nangyaring nakakatuwa. Umihip na naman kasi ang malamig na hangin noon kaya napayakap ulit ako sa sarili at niyapos-yapos ang braso. "W-Why don't we just t-try to-" Hindi niya ako pinatapos. "You creep," aniya at naramdaman ko na lang ang braso niyang pumulupot sa balikat ko saka kami tumakbo papasok ng bahay nila... nang sabay. I mentally chuckled with that memory. Just tell me, Colt. Pasimple ka pa. Chansing ka na noon pa! "Where's Yaya Mars?" untag ko saka umupo sa couch sa sala nila at niyakap 'yung isang throw pillow. Doon ako laging tumatambay, e. Humikab pa siya ulit. Nakokonsensiya tuloy ako sa inaakto niya. Halata pa ang antok sa mukha niya. Bata pa lang kami, malinaw na ang pakikitungo niya sa akin. "Inside her room." "Aaaah!" Tumango-tango ako nang malaki! "Bakit ka ba nandito? Madaling araw pa lang. Natutulog pa ako sa mga oras na ito, if you don't mind." See? Pinapalayas niya na ako! Bata-bata pa, ang sungit na sa akin! But I was then wrong though. Before, he would always show how he wanted me to be off his life but when I do, he'd do anything just to make me come back again. Lumapit siya sa isa pang couch at humiga roon. Just like me, nakayakap din siya sa isang throw pillow habang ang kabilang braso ay nakatakip sa mukha niya. Ngumuso ako at sumandal. I lay my head on the backrest supinely. "Wala akong magawa sa bahay, e. Nakakainip," sabi ko habang iniikot 'yung ilang hibla ng buhok ko. "Trying hard." "Huh?" tanong ko, bigla-bigla kasi siyang namumuna. It became his usual habit. He'd always throw banters at me as if that's what he's made for. He's been like that since day one. Even to his current version. He's a bully and a nasty asshole. "'Wag ka magtagalog. Ang pangit pakinggan... Sing pangit mo," bored na sinabi niya nang hindi pa rin nagbabago ng puwesto. At that moment, I felt my blood suddenly escalated to my head and it boiled abruptly. "Ano? Bawiin mo nga 'yang sinabi mo!" "Alin doon? 'Yung pangit pakinggan ang boses mo o 'yung pangit na hitsura mo..." Ghad! He really knew how to make me get mad! Big time! Napatayo na ako at binato sa kanya 'yung unan. What a bully! He should visit the principal of our school! Sigaw ng batang ako. "Both! You're a liar," I snorted. "You think?" Bumangon na siya at naupo. Nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata. "It's obvious... naman." Nakita ko ang pagngiwi niya nang binigkas ko 'yung salitang 'naman'. Ah, I remembered. He would always tease me whenever I spoke in tagalog before. Aniya, cringey raw kasi dahil bakas pa ang maarte kuno kong accent. And thus I also recalled people mistaking me as Caucasian. Aside from growing up with foreign language as my mother-tongue, my complexion was pretty fair in my neutral undertone. "If I were you, I would stop that. But to be grateful... I weren't you." "Kiddo! You should atleast respect me!" Kumunot ang noo ni Colt. "Why was that?" "I'm older than you, for Pete's sake!" Ah, my nine-year-old self was pissed. Minulat niya 'yung isang mata lang niya at agad na pinikit ulit. Nakangisi siya. Yeah, he knew how to smirk devilishly despite his young age! "One week wasn't really that long..." he simpered. I groaned in disbelief. "Seven days, idiot!" I corrected. And he chuckled. "Whatever..." aniya. "Buti pa ang common, may sense. Ikaw wala kahit katiting." "So, nonsense ako? Nonsense akong kausap, ganoon ba?" I gasped. Tumango-tango siya. "Good. Already learned the lesson. I didn't thought that you're a fast learner, Kuring..." sarkastiko niyang sinabi. Piningot ko na lang 'yung ilong ko sa inis. I am so pissed right now! I will tell Tita Liona and Tito Fernand about this! Iyon ang lagi kong banta noong mga bata pa kami ngunit kahit kailan, hindi ko na ata nagawa. "It's Coleen; not... 'Kuring'." I groaned the word 'Kuring'. "Clean, Coleen, Cooling, Puring, Kuring... Tss. Pare-pareho lang. Pinaarte lang nang kaonti," aniya, nakapikit pa rin. Hindi ko ma-point out dati kung wala lang ba siyang magawa or what. My name was so simple but he would always chose the hard path to think of any ways to annoy me! Bumuga ako ng hangin. Bumalik na lamang ulit ako sa pagkakaupo at nanahimik. Wala akong laban sa kanya pagdating sa tagisan ng salita. He was cold for a minute and annoying the next. But it's nothing! Swear! Sa ilang buwan na pakikipag-FC-han, nasanay na rin ako sa pabago-bagong pakikisama niya. But, isa lang ang pinagkapare-pareho... Still... he dislikes me! But I don't care. I atleast caught his attention and it made a fun scheme all along. Ewan ko ba. Bata pa lang ako, para bang ramdam ko nang may hinahanap-hanap ako. Friends? Siguro. There's this part of me that tries to figure out something from the past. Shallow memories, I know. But its shallowness combined with its sentimental worth is what makes it mysterious and peculiar to me. Silence filled the air. Nakapikit pa rin siya habang nakasandal sa kinauupuan habang nakatulalang nakaupo naman ako. Masyado akong naligayahan. Masyado kong dinama iyong payapang katahimikan. I thought, I needed that. Minsan lang akong makaramdam ng ganoong kakalmang katahimikan, iyon tipong sa sobrang tahimik ay nakakabingi na. Pero nabigla ako nang tumayo na si Colt at naglakad patungo sa staircase nila. "If you're done saying something, I'm going," he stated nonchalantly. Nine-year-old Coleen panicked! Ayoko naman kasi mag-isa noon sa living room nila! Magara, komportable at elegante mang tignan ang lugar, malay ko ba kung may multo roon! Natatakot ako! Atsaka... pumunta pa naman ako para kulitin siya. Dahil nga wala akong makulit sa amin, tapos iiwan niya lang ako? "Ahhhm... ano..." sambit ko at bahagya siyang natigilan sa paghakbang sa ikaapat na hakbang. Mas nataranta tuloy ako! Isip! Isip! Kailangan kong makaisip ng legit na dahilan para mapanatili siya dito! "Anything?" tanong niya nang mapansing natagalan ako sa pagtuloy ng sasabihin ko kanina. Napalingon na siya rito... ...at mas nag-panic pa ako lalo! "Ahmmm... Colt... A-Ano kasi... Ahhhh." Natunganga na ako. "Colt, kasi. Uh... pwede ba na... talian mo 'ko?" I stammered. Heck. Sa mga oras na iyon, halos malaglag ang baga ko sa kung gaano kawalang kuwenta ang nasabi ko. Like what? Talian mo 'ko?! Gaaah! Ano ba naman iyon, Coleen! But for that moment, little did I know, it actually worked as an angel in disguise of a stupid remark. Bata pa naman ako noon pero bakit ang dali kong makalimot? Ano ba iyon? Ano ba 'yung hinahanap-hanap ko? Tao ba? Laruan? O baka naman candy na nakalimutan ko kung saan naitago dati? Hinahanap-hanap. Hanggang sa puntong... nakilala ko si Colt at... pakiramdam ko, kahit papaano napupunan niya iyon. That's why I only realized it when I got older. I saw someone in him to the extent that I didn't wanna leave his side. I felt something with his presence to the extent that I couldn't ever get tired of him. Kinabukasan din nang araw na iyon, kinatok ko ulit ang gate nila but this moment, si Yaya Mars naman ang iniluwa nung gate! "Good morning, pretty littleen." Matamis na ngumiti si Yaya Mars. "Anong maipaglilingkod ko sa kyoooot na kyot na batang ire?" Ganoon lagi ang bati niya sa akin. Yaya Mars has always been so bright and cheerful to me ever since. Medyo may kaibahan sa yaya ko na hindi ganoon ka-energetic ngunit nagkakasundo pa rin sila. "Hello to you, too, Yaya Mars. Can you call Colt for me, please?" sabi ko. Pinagdikit ko pa ang mga palad ko at pinatubo ang nguso habang naka-teddybear eyes sa kanya. I knew, it would always work before. Doon naman kasi ako magaling dati, ang magpa-cute! Napakamot si Yaya Mars sa ulo niya at yumuko para magkasing-pantay kami. She also patted my head. "Baby, wala si Baby Colt, e." I giggled for the endearment and became serious the next. "Huh? Where to? As much as I remember, it's still the mid of sembreak, isn't... po?" "Wait lang, beh." Umakto siyang may tutulo mula sa kanyang ilong. "Bloody Mary noseybells ang dramabells ng Ate Marsibells mo!" Naguluhan ako. "Po? What's with the word 'bells' po?" patay-malisya kong tanong sabay bungisngis. "Ay, ireng batang ito, oh, oh." Nagpamewang si Yaya Mars habang sinagot iyong tanong ko kamakailan lang. "Si Baby Colt, naroon sa Parlor. Alam mo 'yun, 'di ba? Sa kabilang street lang. Magpapagupit ata ulit. Sinabi ko pa namang 'wag na dahil mas bagay sa kanya 'yung parang Astro Boy ba iyon? Tapos laging magulo. Kekulit na batang iyon. Hindi na nakinig at nakapamulsang umalis na lamang dito, naku!" pabisayang sinabi ni Yaya Mars! It's difficult to sometimes read her accent but in the end, I'd always caught myself being enraptured by it. Tumango-tango na lamang ako upang magpasalamat kay Yaya Mars at nagmartsa naman papunta sa amin. Nilapitan ko ang Yaya ko. Si Yaya Jupiter. "Ya," tawag ko sa kanya habang naggagayat ito ng mga sangkap para ata sa tanghalian mamaya. Oh. Malapit na nga palang magtanghali. Ilang sandali na lang iinit na nang tuluyan. Masakit na sa balat kaya kailangan ko nang bilisan at umalis. "Uy, ikaw pala, bunso. Ano 'yun?" untag niya sabay harap sa akin habang pinupunas ang mga kamay sa dilaw na tela. "I'm supposed to go to the parlor. May I?" Iniikot ko pa ang ilang hibla ng aking buhok. Gee. I need to look cute, though I already am. Iyon naman lagi, e. Bata pa lang ay mahilig na akong mag-inarte. Minsan, iniisip ko kung iyon ba ang dahilan kung bakit wala akong kaibigan. Naaartehan kaya sila sa akin? Pero... mabait naman ako, e. "Parlor?" "Yup... po!" Paulit-ulit ka naman Yaya, e! She's always like that. Kaya minsan masarap siyang kausap, e. But not now! I really need to hurry! "Magpapagupit ka? E, mas bagay naman sa'yo ang ganyan, a?" Lumapit pa ito sa 'kin para haplusin ang mahaba ko nang buhok. "Not really. So..." I crossed my arms, just like an initial action whenever I'm going to throw a tantrum! I know she knows the hint. Yaya Mars looked at me while scratching her head. "May pera ka pa ba?" "Yup... po!" "Sige. Basta't mag-iingat ka, ha? Ako mapapagalitan ng mommy at daddy mo, e." Hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon at tumango-tango na lang ako. Kumaripas na ako noon palabas ng bahay at ng gate patungong parlor. Gusto kong ako ang maunang makakita sa kanya with his new hairdo! Ano kaya ang style noon? Yay! Masyado na akong nae-excite! I can't even wait! Natatanaw ko na 'yung parlor, at katulad ng sabi sa akin ni Yaya Mars, nasa kabilang street ito. Not very hassle dahil nilalakad lang naman, e! I even saw those spoiled brats at the road side. They were giggling like unsound creatures for unknown reasons while gawking at me. What now? Insecures again? But it's too odd. Laughing while feeling insecure? Duh? They're petty! They should visit our school's principal for bullying me! Malapit na ako sa humps kaya I decided to hop on it to show them I am happy but it's totally a wrong move. Hindi ko napansin na maraming balat ng saging ang pakalat-kalat doon dahilan upang sumubsob ako sa semento. OH, MY GOD! Mas naulinigan ko pa ang halakhakan ng mean girls wannabe, just to prove na sila ang may pakana nito! Ugh! Ang sakit... Bilang isang bata, napakababaw pa ng luha ko. Pumatak ang mga inosenteng likido sa mga mata. Pinilit kong tumayo at tiningnan ko ang dalawang tuhod ko. Halos mangiyak-ngiyak ako nang makita kong may mga gasgas iyon. Malapit nang magdugo. Ang sakit. Ang hapdi-hapdi, e. Nanlilisik ang mga mata kong nilingon iyong apat na kasing edaran kong mga babae. Nakangisi sila nang harapin ako saka sabay-sabay na hinawi 'yung mga buhok bago tumalikod at pasosyal na naglakad palayo. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa taas upang pigilan 'yung mga luhang nagbabadyang kumawala pa lalo. I was almost used with verbal bullying when I was a kid. But physical pains wouldn't be supposed to be an immunity. Ayokong masanay sa ganoon at maging mahina. Kaya kung papapiliin ako, mas gugustuhin ko na lang na itago ang tapang bago tuluyang mawala. At magtago sa sentro ng atensiyon. "Good morning, Coleen!" Masigla akong pinagbuksan ng sliding door noong baklang parlorist pagdating ko dati sa tapat ng nasabing parlor. Hindi gaanong mahaba ang buhok niya. Parang tulad lang ng sikat na hair style ni Justin Bieber at blonde iyon. Malaking tao rin siya kaya napasimangot ako nang makita kong hanggang tiyan niya lang ako. Tsh. Kapre corn! "Good morning," I greeted back blandly. "Don't you remember me, honey? I'm your latest parlorist!" Ngumuso siya at humalukipkip. "JC... Remember?" Napaawang ang bibig ko at tumango nang malaki! "Yeah!" Tinuro ko siya. "I knew it! Ikaw 'yung gay na muntik nang magupit 'yung bangs ko," giit ko at natawa siya. "Korak!" He laughed awkwardly. "Let's just forget about it, bebe girl... Anyway." Naglakad na kami sa loob ng shop. "What brought you here?" I was tapping my fingers on my arms while searching for someone and scanning the premise. Maaga pa lang pero puno na ang parlor ng mga customers. Iba-iba ang business. May nagpapagupit lang, rebond, highlights, manicure and pedicure, full package make-over, and so on. I think mahihirapan ako sa paghahanap nito. Malaki pa naman ang boutique. Humarap ako kay JC, the parlorist, at tumingala para maka-eye to eye ko siya. "Colt. Where is he?" bulalas ko habang nagpapanguso na. Napamulagat siya. "Si Colt ba kamo, bebe girl?" "Yup... po. Nandito po ba siya?" May gumuhit na malawak na ngisi sa mga labi nito at nimuwestra ako papunta sa isang private room. Huh? I wonder why of all the rooms, it has to be here? Ano naman ang sinadya ni Colt at dito pa siya sa VIP at private section? As the label named it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD