Housemate "I wouldn't make it tomorrow..." Tinawanan ko siya. "Okay nga lang! Tutal, mas masaya ka naman kapag kasama sina Ghunter!" Tinaasan niya ako ng kilay at nirolyohan ng mata. Taray! "Don't talk to me like that." Napanguso na lang ako. Galit agad? Dinaanan kami ng malamig na simoy ng hanging gabi. I tucked my arms on Colt's shirt as we looked up at the sky full of sparkling stars. Nandito kami sa kanilang bakuran, nakaupo sa isang bench habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kalangitan. Tumawag ang mga kaibigan niya kanina habang nanunuod kami ng isang pelikula. Sinabing schedule raw nila para mag-gym kaya maaga siyang aalis bukas. Well, it's fine by me. But seeing Colt this problematic makes me want to play around once more. Gustong-gusto ko talaga kapag nakikita siyang g