Meet Agnes "WHAT THE HECK IS THE MEANING OF THIS?!" "Hija... Hija..." Natatarantang lumapit sa akin si Yaya Mars. Oh, my gosh. Umawang ang bibig ko. Ang isang kamay ay nakahawak sa kaliwang banda ng aking dibdib. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa maliit na bagay na nasa paanan ko. Can somebody tell me what the heck is this?! Biglang lumipat ang mga mata ko kay Colt na halos madapa-dapa na para lang makatakbo papunta rito sa dining hall. Gulo-gulo ang buhok at nakaawang din ang mga labi sa pagkabigla, mukha pang naalipungatan mula sa idlip. Kumapit siya sa hamba ng dining hall nang madulas siya. I see, he's already wearing a... ...stripe-colored long socks? My forehead creased more in confusion. "What?!" sigaw niya, may halong pag-aalala. Tumayo siya nang maayo