Be with Me "Wala si Auntie..." Nilingon ko si Romeo na huminto sa pagkain sa dining room at napatingin sa akin. "Namalengke siya kanina. Baka pauwi na rin..." Tinango ko lang ang aking ulo at uminom ng tubig. My yesterday was a nightmare. Pakiramdam ko ay hindi totoo ang lahat ng mga nangyari dahil hindi kapani-paniwala. Ayaw ko ring isipin na totoo. Parang binibiyak ang ulo ko at gusto ko na lang munang mamanhid ngayong araw. "Kumain ka na. Hindi ka na bumaba kagabi..." aniya. Tanging ang pagbangga lang ng mga kubyertos niya sa pinggan ang tunog na maririnig sa buong silid. Hindi ako sumagot. Nilapag ko ang baso sa lamesa at tumalikod na ulit. Ngunit bago pa man ako makalayo nang tuluyan sa dining room ay narinig ko ang pag-usog ng upuan sa tiles. Napamura si Romeo at hinigit ak