KABANATA 9

1009 Words

Napukaw ang pansin ni Dimitri sa munting kaluskos. Kinapa niya ang beretta sa tagiliran at nakiramdam sa paligid. Dama niya ang mga matang nagmamanman sa 'di kalayuan. Nang masigurong hindi panganib ang dala nito ay muli niyang itinago ang baril. "Labas na, alam kong ikaw iyan Bugoy. Baka manuno ka pa sa katatago riyan sa halamanan," aniya. Lumitaw mula sa dilim ang binatilyo at mabilis na lumapit sa binata. "Kuyang, kumusta po si ma'am snow white?" Agarang tanong ni Bugoy at saglit na sumilip sa loob ng bahay. "Natutulog na siguro.Anong balita sa bundok?" usisa niya. "Patay na si Batik napuruhan mo po kuyang. Galit na galit si pinuno at mahigpit na pinag-hahanap si ma'am at maging ikaw. Ahh... ang ibig ko pong sabihin ay iyong tumulong kay ma'am na makatakas." Sagot ng binatilyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD