Mulagat na mulagat si Rose. Kulang na lang ay ibato ang hawak na telepono. Nagpupuyos ang damdamin nito sa sobrang ngitngit sa kausap. At ano ang tawag nito kay Dimitri, Dimi? Dimi her ass. She got really pissed with that woman. Tumaas-baba ang dibdib niya sa nadaramang inis. Oh God, she feels her anger escalating. Marahil ay masisinghalan niya si Dmitri 'pag nakita niya ito. Ang hitad na iyon, nagmalaki pa ang laswa! Kalma Rose, kalma.... Shit! Why am I so angry? Mabilis siyang lumabas nang maulanigan ang tunog ng motorsiklo. Hindi na siya nag-atubili at madilim ang mukha na sinalubong niya si Dmitri na noon ay kasalukuyang ipinaparada ang motorsiklo nito sa gilid ng bahay. "Where have you been?" Mabalasik niyang tanong. Nagtatakang nilinga siya ng lalaki. "Nagpaalam ako sa'y