KABANATA 16

1226 Words

"Narito lang ako." Anang boses na nagpalingon kay Rose. Naaninag niya sa dilim ang bulto ni Dimitri. Naninigarilyo ang lalaki at nakaupo sa bangkong kawayan habang nakasandal sa may pader ng bahay. Nang maramdaman niyang tahimik at wala nang paggalaw sa sala ay nagsimula siyang kabahan. Agad siyang lumabas ng kwarto, tahimik at malinis na sa kusina ngunit wala ang lalaki. Mabilis niyang tinungo ang pinto palabas. At dahil inaatake na naman ng nerbiyos ay hindi niya napansing nasa tabi lang pala ang binata. Marahil ay nagpapatunaw ng kinain o nagpapahangin. Humakbang siya pabalik, gumaan ang loob at naglaho ang takot. Kanina sa silid ay tumaas-baba ang dibdib niya sa samu't saring emosyon na naramdaman. Nagpapadyak siya na parang bata, nakakatawa. Tunay na naiwala niya ang composure.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD