SKY'S POV Nandito ako ngayon sa Library. Naghahanap ng libro ng Chem. Mag-aaral ako kasi meron kaming long quiz daw mamaya. Nang mahanap ko na yung aklat na hinahanap ko ay agad akong naghanap ng mauupuan atsaka nagbasa. Habang nagbabasa ako biglang may umupo sa harap ko,kasi ramdam ko yun. Ibinaba ko ang librong hawak ko. Halos lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito nang makita ko ang Unggoy na si Drake sa harap ko na ngiting-ngiti. "Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo'ko noh?" sabi niya sabay nakangiting nakakaloko pa. Pinalo ko naman siya ng hawak kong libro sa ulo niya kaya napa-aray siya. "Loko! Nag-aaral ako kaya manahimik ka" sabi ko sa kanya sabay taas ulit ng aklat na hawak ko. Pero ibinaba niya naman ito. "Aisus! Talaga bang nag-aaral ang Beb ko?" sabi niya sa