THIRD PERSON'S POV "Saf,may project pa tayong gagawin ngayon." sabi ng isang kaklase ni Saf sa kanya. Pero umiling si Saffire. "Anniversary namin ngayon. Hindi ko yun pwedeng kalimutan eh. Hahabol nalang ako. Okay? Oh eto aklat." sabay abot ni Saf ng aklat at tumakbo na papuntang bakeshop. Umorder siya ng isang round chocolate cake. "Siguradong matutuwa siya nito." sabi ni Saf habang tinitingnan ang cake. Pumunta siya sa pagkikitaan nilang dalawa. Nakita niya ang isang round table. May mga balloons sa paligid na nakalagay. At may mga pagkain din. Napa-isip si Saf na napakaswerte niya sa taong ito. Napakasweet,napakabait at higit sa lahat napaka mapagmahal. Biglang lumapad ang ngiti niya nang makita niya ang taong pagbibigyan niya ng cake. Inilagay ni Saf ang cake sa table saka lumap