Chapter 26.7

1029 Words

CHARMAINE Nakatatawa lang isipin na kung sino pa ang siyang dapat matakot ay siya pa talaga ang nagbabanta sa akin. Pero kahit naman anong klaseng pagbabanta ang iparinig niya sa akin, wala na akong mas higit na katatakutan pa kaysa sa buhay na pilit itinataguyod nina mama at papa. Natatakot ako dahil baka dumating na lang ang araw na kung saan ay hindi ko inaasahang may magaganap na namang masama sa kanilang dalawa. Hindi na makakayanan pa ng konsensya ko kung maulit pa iyon. "Ano namang mapapala mo kung sisiraan mo ako? Sa tingin mo ba, may maniniwala sa isang katulad mong hindi naman kilala sa school natin?" magkasunod na tanong ko sa kanya habang nakakrus ang magkabilang braso ko sa ilalim ng aking dibdib. "I wonder who's reputation will be ruined once I don't return your phone back?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD