CLARISSA

1058 Words
HINDI napansin ni Desire na nakatulog na pala siya sa sofa sa kahihintay kay Jobert—wala pa rin ito ano'ng oras na. Hindi na rin siya nakatanggap ng kahit na anong text message mula rito. Ang huling mensahe nito ay ang sinabi nitong naka-duty ito. Nagpasya siyang maligo na lang, pasado alas tres na pala ng hapon kaya siguro nakaramdam na siya ng gutom. May pagkain naman silang dalawa ni Obet na binili nagdaang-gabi sa 7 11 bago sila tumungo r'on. Iinitin niya na lang ito pagkatapos niyang maligo. Sa tingin niya matatagalan pa ang lalaki at ganitong wala pa itong paramdam sa kaniya baka abutin na ito ng gabi. Hindi na siya magtataka at baka may sinabitan na naman itong inuman—ganoon naman talaga madalas si Obet kapag minsan lalo pa't may mga selebrasyon sa presinto kung nasaan ito naka-destino. Hihintayin niya na lang ito. Hindi naman siya nagtatanong kung nasaan ito, ano ba ang karapatan niya? Pampalipas-oras lang naman talaga siya. Sa sarili niya alam ni Desire kung saan siya dapat lulugar—hindi siya naghahangad ng labis mula rito. Minsan nagpapasalamat na siya kung ano man ang atensyon na kaya nitong ibigay sa kaniya, dapat na siyang makuntento d'on. Kapag nasa tabi niya ang lalaki wala naman itong kahit na sinong inaalala kundi siya lang din naman—bagay na pinagpapasalamat niya, dahil kahit papano sa sarili niya ramdam niyang nasa tabi niya ito; masaya na siya sa lagay na 'yon at wala ng dapat hanapin pa. Bitbit ang sariling tuwalya tumuloy na si Desire sa banyo ng silid nila ng lalaki. Maganda ang lugar na 'yon, tahimik lang para sa kaniya ang solemn ng buong paligid—para kay Desire mas ma-a-appreciate niya siguro kung mahal niya ang kasama niya. Napailing-iling siya sa mga naisip. Uso pa ba sa kaniya ang pagmamahal? O, mas tamang sabihing may tao pa bang magmamahal sa kaniya? Mukhang malabo na 'yong dumating sa buhay niya. Sa tingin niya mamamatay na lang siguro siya sa mundo nunca 'yon mangyayari. Sino ba ang tangang magmamahal sa katulad niya! Kahit nga sarili niyang magulang sumuko sa kaniya, aniya sa kaniyang sarili. Heto na naman siya! Naalala niya na naman ang nakaraan na pilit niya ng kinakalimutan—paano ang pangako niyang magbagong buhay kung paminsan minsan iniisip niya ang masakit na kapalaran ng nakaraan niya? Ilang beses nya na ba pinangako sa sarili niyang kakalimutan na ang lahat tungkol sa kaniyang pinagmulan? Bakit kasi nandoon pa rin ang sakit? mapait niyang tanong sa kaniyang sarili. Napabuntong-hininga si Desire—tinuloy niya na lang ang balak na pagligo at sa isip niya pilit niyang kinalimutan ang mga isiping nagbibigay lang ng pait sa puso niya. NAGMADALI si Clarissa na makarating sa townhouse nila sa Florida USA, tatlong beses ng tumawag sa kaniya si Henry nandoon na raw ito. Hindi niya na tinapos ang mga trabaho niya sa shop nila bilang isang senior flourist sa isang flower shop sa bansa. Excited siyang makita muli si Henry, ilang buwan din kasi itong nawala mula sa kaniya at naging abala ito sa trabaho bilang senior manager ng isang hotel na sikat sa iba't ibang bansa ang La Fontana—inaanak ito ng may-ari na amerikano at si Henry ang kaniyang katipan ang isa sa labis nitong pinagkakatiwalaan mag-asikaso ng kompanya. Matapos maayos na na-i-park ni Clarissa ang sasakyan sa harap ng bahay niya, mabilis siyang tumakbo papasok sa loob—may sarili naman susi si Henry kaya alam niyang nakapasok na ito tulad ng madalas nitong gawin kapag pinipili siyang bisitahin. "L-Love... L-Love..." Patakbong lumapit si Clarissa sa nobyo nang napansin niya agad itong nasa mini-bar ng bahay niya. Nakatayo ito at may hawak na kopeta na may alak sa kaliwang kamay nito. "Dahan-dahan lang mababasa ka," ani sa kaniya ni Henry. May pananabik sa mga mata nitong nitong niyakap siya ng mahigpit matapos ipatong ang kopetang hawak nito. "Napaaga ang balik mo..." masayang sambit ni Clarissa sa harap ni Henry matapos nilang pagsaluhan ang isang halik sa labi na punong-puno ng pananabik. "Masisisi ko ba ang sarili ko kung na-miss ko ang mahal ko?" anito sa kaniya ni Henry. Ngumiti siya ng maluwag dito habang ang mga kamay nila'y magkahawak sa isa't isa at ang mga mata nila'y kapwa nangungusap habang nagpalipat-lipat ang tingin. "Na-miss din kita, Love," sambit ni Clarissa rito at muling niyakap ng mahigpit si Henry. "Gusto mo bang ipagluto kita?" tanong niya sa nobyo. Kapag nandoon si Henry sa bansa gustong-gusto niya palagi itong pinagsisilbihan—minsan lang naman ito nandoon kaya hangga't maaari binibigay niya ang lahat dito. "Gusto ko 'yan, Love." "Sigi. Just set back and relax ako ang bahala sa 'yo. Ipagluluto kita ng paborito mo," masayang sambit ni Clarissa kay Henry. Isa pang mabilis na halik ang pinagkaloob niya rito at mabilis na tumalima para mag-ayos ng sarili at maihanda ng makakain si Henry. Pasta ang napipisil niyang ihanda kay Henry, isa ito sa mga paborito nito kapag nandoon ito sa kaniya. Hindu maipaliwanag ni Clarissa ang sayang nararamdaman sa pagkakataong 'yon—Henry is her happiness at para sa kaniya wala rin pinagkaiba ang nararamdaman nito dahil sa tagal ng panahon na may relasyon silang dalawa hindi nagkulang ang lalaking iparamdam ito kay Clarissa. KATATAPOS lang maligo ni Desire nang may narinig siyang ilang yabag papasok sa silid na kung saan siya't nagpapatuyo ng buhok niya. "Hi, Baby..." masayang sambit ni Obet nang bumungad ito sa kaniya sa dahon ng pinto. Hindi pala ito nakasarado kaya direktang nakapasok ang lalaki. "Kamusta ka?" tanong ni Obet nang lapitan siya't hinalikan ang nuo niya. Pagkatapos tanggalin ang uniporme umupo ito paharap sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Alam mo bang sa trabaho wala akong inisip kundi ikaw lang, Desire..." sambit ng lalaki sa harap niya. Pinaglipat-lipat ang malalagkit na tingin sa mga mata niya pababa sa gitnang bahagi ng dibdib niya, manipis lang ang pantulog niyang suot kaya alam niya kung nasaang bahagi ang tingin ng lalaki. "Ang mabuti pa ipaghahanda kita ng makakain mo—" akma sanang tatayo si Desire nang pigilan ni Obet ang mga kamay niya, nawalan siya ng balanse at biglang napaupo sa kandungan ng lalaki. "Do you miss me, baby?" tanong ni Obet sa kaniya kasabay ang pag-galaw ng daliri nito sa itaas na bahagi ng dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD