Raven pov Dahan-dahan kong minulat ang ang aking mga mata nanlalabo pa noong una ngunit nang luminaw ang aking paningin ay tumambad sa aking paningin ang isang maskuladong katawan. Teka kailan pa naging maskuladong katawan ang unan ko? Naghahallucinate na ba ako? Pinikit ko muli nang mariin ang aking mga mata at minulat ulit iyon but f**k! Hindi ito guni-guni ko lamang dahil totoo ang lahat ng ito pero may parte pa rin ng utak ko na hindi naniniwala kaya sinundot-sundot ko ang katawan na nakalantad sa harap ko. "Hmm.." Napanganga ako nang makarinig ako ng ungol. Nang inangat ko ang aking tingin ay agad na napabalikwas ako ng bangon at nagsumiksik sa headboard ng kama at napatili ako dahil hindi lamang sa gulat kundi pati na rin sa sakit na naramdaman ko sa aking buong katawan kaya naeesk